J-31

18.4K 305 4
                                    


J-31

NANG makauwi siya sa bahay ay si Mang Elias agad ang sumalubong sa kanya.

"Magandang hapon po sir," bati nito.

"Si Jenny? Saan daw pupunta?"

Napakamot naman ito sa ulo.

"Tell me what happened Mang Elias, please?"

"Sa ospital po sana sir kaso dumating po si ma'am Jenieva at inaway po ang asawa ninyo sir. Awang-awa nga po ako kay ma'am Jenny e."

"You mean hindi si Jenny ang umaway kay Mama?"

"Ay nako hindi po sir, dinig na dinig ko nga po ang usapan nilang dalawa e. Hindi nga po nakasagot si ma'am Jenny."

He frustratedly brushes his hair using his fingers.

"Nasabi niya ba kung saan siya pupunta?"

"Sa park po sir," sagot nito.

Dali-dali naman siyang sumakay sa kotse at tinungo ang park ng subdivision.

TULALA lamang siya habang nakaupo sa swing ng subdivision. Kanina pa siya nakaupo dito at aminadong kumakalam na ang sikmura pero ayaw niyang umuwi. Gusto niya nang bumalik ng Cebu. Kung hindi man siya patuluyin ng Tita Jean niya, makikitira siya kina Mirasol. Paniguradong hindi siya tatanggihan ng mga iyon.

Muli siyang napaluha. Tumingala siya para pigilan ang kanyang mga luha sa pagtulo.

"Kaya mo iyan Jenny, kaya mo," cheer niya pa sa sarili.

Tumayo na siya at inayos ang kanyang sarili ngunit natigilan siya nang makita si Cole. Tumatakbo ito habang papalapit sa kanya. Muli ay unti-unti na namang tumulo ang kanyang mga luha.

She loved him so much but why can't she own him without a hassle. Iyong tipong ang lapit niya lang pero bakit hindi niya pa ito tuluyang maabot.

Napapikit siya. Handa siyang tanggapin kung anuman ang marinig niyang masasakit na salita mula kay Cole.

Ngunit laking gulat niya nang yakapin siya nito ng mahigpit.

Napadilat siya.

"Why did you ran away without telling me the reason? I'm so worried Jen." Damang-dama niya sa boses nito ang sincerity.

She burst out to cry.

"I know everything. I know what my mother-in-law did to you. I know you never did anything wrong."

Yumakap siya ng husto kay Cole. Sobrang gumaan ang pakiramdam niya. Ang akala niya'y susumbatan siya nito pero hindi nangyari iyon.

Kumalas ito ng yakap sa kanya at pinatingala ang kanyang mukha.

"The next time they bother you, please let me know. Okay?"

Tumango siya. Pinahiran ni Cole ang kanyang magkabilang pisngi.

"Let's go home," anito ngunit nanatili siyang nakatayo.

"Kapag ba umuwi ako sa bahay mo, may magbabago ba?"

Nakagat nito ang labi at hinawakan ang kanyang kamay.

"I don't know but I want you to trust me."

Huminga siya ng malalim at humakbang. Napangiti si Cole at hinawakan ng mahigpit ang kanyang kamay.

Isinakay siya nito sa kotse at pinaandar na nito ang sasakyan.

NANG makauwi sila sa bahay ay agad na sumalubong ang mga katulong ni Cole sa kanila.

"Ma'am, may gusto po ba kayong kainin?" tanong ni Lina.

"Wala po," sagot niya.

"Please cook anything for her," utos naman ni Cole at marahan siyang kinabig.

Inakyat siya nito sa hagdan papunta sa kanilang kuwarto.

"Cole," tawag niya.

"Hmm?"

"Saan mo nilagay ang abo ng Lolo at Lola ko?"

"Nasa mini chapel ko. Just turn around at the porch. You'll see there."

Pinaupo siya nito sa kama. Kumuha ito ng tubig at may kinuha ding gamot. Inihalo nito ito sa tubig.

"Drink this. This will keep you not to dehydrate."

Tumango lamang siya at ininom ang tubig. Tumabi sa kanya si Cole.

"Give me your hand."

Alanganin man pero ibinigay niya ang kanyang kanang kamay. He was checking her pulse rate.

Marahas naman itong napabuga ng hangin.

"Please Jen, don't stress yourself. Alam ko, you're still mourning for what happened to Don Miguel but you're still here Jenny, breathing. I'm not forbidding you to feel sad, upset, mad or angry but if you'll continue on being like this, this will affect your health."

Napayuko siya. May point si Cole. Masiyado na siyang naging emotional simula nang mawala ang kanyang Lolo Miguel. Yes, she told herself that she would lift her head and go on with her life but how can she do that? She loved Cole and it hurts her knowing he can't love her back. Lalo pa ngayon at may sagabal sa pagsasama nilang dalawa.

"Sorry," tanging sagot niya lamang.

He sighed and stoop up.

"I'll bring you some food, please eat it."

Muli ay tumango siya. Lumabas na ito ng kanilang kuwarto.

Huminga siya ng malalim at nahiga sa kama. Tinakpan niya ang kanyang mukha gamit ang kanyang mga palad.

Pagkatapos ng ilang segundo ay inalis niya ang kanyang mga kamay at muli ay marahas na napabuga ng hangin.

Mabuti na lamang at hindi siya sinumbatan ni Cole kanina. Tama ang ginawa niya na hindi magpa-iwan kay Mang Elias. Alam niya kasi palalabasin siyang masama no'ng biyenan ni Cole. That old woman really insulted her big time.

She sighed.

Na-isip niya, paano kung wala si Cole? Siguro'y mababaliw siya. Oo, sabik siya sa pagmamahal ni Cole pero alam niyang ang tanging maibibigay lamang nito sa kanya ay awa at malasakit.

Tanggap niya na iyon ngunit hindi niya pa rin maiwasang mabahala. Paano kung magsawa itong pakisamahan siya? Ano na lamang ang gagawin niya? Sumasapat na nga sa kanya ang presensya nito, paano na lang kung bigla itong lumayo at tapusin ang relasyon nilang dalawa dahil napagod ito sa pag-iintindi sa kanya? Hindi niya alam.

Hindi man pinagbigkis ng pagmamahal ngunit alam niyang ang pagpapakasal niya kay Cole ang tanging paraan upang may maiwang mag-alaga sa kanya. Don Miguel was so clever and she doesn't like that.

SEÑORITA SERIES 3: JENNY (PUBLISH UNDER IMMAC PPH)Where stories live. Discover now