J-41

19.2K 394 23
                                    


J-41

NANG makapasok siya sa kuwarto ay nakahiga na si Cole sa kama. Natutulog na ito.

Inalis niya ang kanyang bag na nakasabit sa kanyang balikat at nagpalit na ng pantulog.

Bago siya sumampa sa kama ay pinagmasdan niya pa si Cole. Umupo siya sa sahig. Napalumbaba siya.

That perfect pointed nose really fits him. His soft lips are not even dry. His thick eye brows that might arch if he's not on the mood. That perfect jawline and his adms apple. Damn! She tempted to lick it. She bit lower her lip.

Akma na sana siyang tatayo nang biglang dumilat si Cole.

"Enjoying the view?"

Napalunok siya.

"N-no!"

Ngunit bigla siyang hinila nito at inihiga sa kama. Kinubabawan siya nito.

Muli siyang napalunok. Nagtitigan silang dalawa. Napapikit siya nang gumalaw ito. Hinalikan nito ang kanyang noo.

"Thank you for everything Jenny," anito at nahilig sa kanyang dibdib.

Nakahinga siya ng maluwag at kusang gumalaw ang mga kamay niya para yakapin ito. Niyakap din naman siya nito ng mahigpit. Buong gabi ganoon ang naging ayos nilang dalawa. Magkayakap sa isa't isa hanggang sa hilain ng antok.

KINABUKASAN ay nagising siya nang wala na sa tabi niya si Cole.

Inisip niyang baka maaga itong pumasok sa trabaho.

"Magandang umaga po ma'am Jenny," ani Myerna.

Nginitian niya ito.

"Cole ba pumasok ng maaga?"

Natigilan naman ito at napakamot sa ulo.

"E kasi ma'am death anniversary po ni ma'am Felicity ngayon. Baka nasa sementeryo po."

Hindi siya kumibo.

"Excuse me po ma'am, maglilinis na po muna ako."

Hindi siya sumagot. Nang mawala ito'y biglang bumagsak ang mga luha niya. Agad din naman niyang pinahiran ito at tumingala upang pigilin ang sarili. Puno ng dismaya at matinding selos ang nararamdaman niya. Nagseselos siya sa isang patay. Oo, masiyadong siyang immature ngunit hindi maitatangging sinasampal na siya ng katotohanang wala talaga siyang pag-asa kay Cole. Yes, she was thinking too advanced but can anyone blamed her? Sobrang mahal niya si Cole at hindi niya maiwasang makaramdam ng matinding disappointments. Ang martir niya talaga.

HAPON na nang mapansin niyang nakauwi na si Cole dahil nakita niyang nasa garahe na ang sasakyan nito.

Kagigising niya lamang kasi kasi at sa study room na siya nakatulog.

Aakyat na sana siya ng hagdan nang tawagin siya ni Manang Lita.

"Jenny, may nagpadala nito. Kaaalis lang."

Kinuha naman niya ang envelope at agad na binuksan ang laman nito.

"Oh god!" bulalas niya nang mabasa ang nasa papel.

It was from court. Finally the court decided, siya na ulit ang may-ari ng hacienda at si Cole ang naging legal guardian niya.

Niyakap niya si Manang Lita dahil sa sobrang saya.

"Si Cole po ba nasaan?" tanong niya matapos kumalas dito.

"Nasa kuwarto na Jenny..."

Hindi na niya tinapos na marinig ang sasabihin nito dahil agad siyang tumungo sa kanilang kuwarto. Nang buksan niya ang pinto ay nakita niyang nakasalampak si Cole sa sahig at may kausap ito sa telephone. May nakita din siyang mga bote ng alak sa sahig.

SEÑORITA SERIES 3: JENNY (PUBLISH UNDER IMMAC PPH)Where stories live. Discover now