J-39

17.7K 283 1
                                    


J-39

NAUWI ang pagdalaw ng mag-asawa sa isang masayang kuwentuhan at asaran. Hindi naman maikakailang masiyadong malambing ang dalawa at minsa'y sumasagi sa isip niya na sana ganoon din sila ni Cole ngunit ang kaso ay hindi sila ganoon.

"Kapag gusto mong bumisita sa bahay namin, magsabi ka lang kay Cole," wika ni Julie.

"Sige po," masiglang sagot din naman niya.

"I'll see you at the hospital later buddy," Clayd said.

"Yeah."

"Bye Jenny," ani Julie at yumakap sa kanya.

"Ingat po kayo."

"No, Jenny, ingat ka kay Cole," natatawa pang asar ni Clayd.

"Shut up!" inis pang reaskyon ni Cole.

Napangiti lamang siya dahil sa kulit ni Clayd. Sumakay na ang mga ito sa kotse at kumaway muna bago tuluyang umalis.

"Ang perfect nilang dalawa," 'di maiwasang kumento niya.

"You really believe that?"

"Oo naman. Masuwerte silang dalawa sa isa't isa."

Hindi na sumagot pa si Cole at ngumiti lamang sa kanya.

AROUND seven in the evening, Jenny was trying to choose what's nice to wear on a special day. Rephrase. It was not a special day though she wanted to make herself believe that it was. Niyaya kasi siya ni Cole na lumabas. Sinabi din nito na kikitain nila ang abogadong nag-aasikaso sa kaso niya patungkol sa pagbawi sa hacienda na minana niya kay Don Miguel.

Ayos na ayos na siya nang makatanggap siya ng text mula kay Cole. Nasa trabaho pa kasi ito at sinabi nitong sa restaurant na lamang sila magkikita. Nag-reply siya pagkatapos ay tumungo na sa garahe kung saan naghihintay si Mang Elias sa kanya.

"Lalakad na po ba tayo ma'am?" tanong ni Mang Elias sa kanya habang pinagbubuksan siya ng pinto ng kotse.

"Opo. Alam niyo naman po kung saan ang Gasyannas Seafood Hub, 'di ba?"

"Ay opo ma'am, dito lang din sa Santa Rosa iyan ma'am."

"Ganoon po ba? Sige po."

Pumasok na siya sa loob. Muli siyang nag-text kay Cole na papaalis na siya ng bahay.

NANG makarating siya sa meeting place ay agad din naman siyang bumaba sa sasakyan.

"Mang Elias, pumasok na lang din po muna kayo sa loob. Ibili po natin ng pagkain sila Manang Lita, pati na din po sa inyo."

Nahihiya namang napakamot sa ulo si Mang Elias.

"Nako ma'am Jenny, hindi na po."

"Huwag na po kayo tumanggi. Wala pa naman po si Cole e, saka para naman po may kasama po muna ako."

"Sige ma'am."

Napangiti siya at agad din naman na pumasok sa loob. She ordered so many food for take out. Para naman masubukan ng mga ito ang iba't ibang klase ng seafood.

"Ang dami na po niyan ma'am," ani Mang Elias.

"Nako, konti lang po iyan," nakangiti niyang ani at nagbayad na sa cashier gamit ang kanyang credit card.

Pagkatapos nang ilang minuto ay naibalot na din naman lahat ang mga binili niya. Kinuha na ito ni Mang Elias at sinamahan niya pa ito pabalik sa kotse.

"Ingat po kayo ma'am."

"Ingat din po kayo, enjoy!"

Kumaway pa siya. Nang makaalis na si Mang Elias ay bumalik din naman siya sa loob. Nagkasalubong pa silang dalawa ni Cole.

"Where were you?"

"Hinatid ko lang mga pinamili ko."

Kumunot naman ang noo nito.

"Ibinili ko sila ng pagkain."

"Oh okay, come on. I already reserved a table for us."

She just nod and follow Cole. Nag-order na ito.

"Ano oras darating si attorney?" tanong niya pa.

"He can't make it but don't worry, I already got the results. Here..."

Ibinigay ni Cole sa kanya ang envelope. Excited na excited naman siyang binuksan ang laman nito.

"Seryoso?" bulalas niya nang mabasa ang nakasulat sa papel.

"Yes! Pumayag na ang korte para sa motion natin. Any time, the court will file a case against the credibility of your aunt to be your legal guardian. I also submitted our marriage certificate and they're still in the process. Any time soon, malalaman natin ang results then the court will be the one to disallow your aunt to step on your property. I also filed a temporary restraining order against her. Hindi ka niya malalapitan."

Nakagat niya ang kanyang labi.

"Thank you," mangiyak-ngiyak niyang ani.

Umiling si Cole at lumipat nang upo sa tabi niya.

"You deserve that Jenny."

Walang pag-aalinlangan niyang niyakap ito. He then kissed her forehead. She felt so protected by his hug.

Pagkatapos siyang yakapin nito ay agad din naman itong kumalas nang dumating na ang kanilang order. They happily eated their dinner while having some little chitchat.

"Wait me here Jen, babayaran ko lang bill natin," anito pa matapos nilang kumain.

She just nod and fixed herself while wiping her wet hands using the tissue.

SEÑORITA SERIES 3: JENNY (PUBLISH UNDER IMMAC PPH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon