J-28

19.7K 377 4
                                    


J-28

NANG makapagbihis na siya't lahat-lahat ay agad din naman siyang lumabas ng banyo. Nakita niyang nasa kama na si Cole habang kaharap nito ang laptop.

Lumapit siya sa kama at sa kabilang dulo umupo.

"Ahm, hindi ka pa matutulog?" tanong niya.

Saglit namang sumulyap si Cole sa kanya.

"I'm still making my reports Jen. Mauna ka na matulog. Kung hindi ka kumportable, I'll just place a pillow here in the middle."

Hindi siya kumibo at tumango na lamang. Hinubad niya ang kanyang robe at ang tanging suot niya na lamang ay ang kanyang lingerie. Hindi ito sexy at simpleng pantulog lang pero nakuha niya ang atensyon ni Cole dahil hindi niya na narinig ang pagtipa nang mga kamay nito sa laptop.

Kahit hindi siya nakatingin kay Cole, alam niyang nakamasid ito sa kanya. Nang tingnan niya ito'y agad itong nag-iwas ng tingin at tumutok na sa laptop nito.

Umayos na siya nang higa sa kama at tumagilid. Napansin niya namang bumaba sa kama si Cole at lumabas ng kuwarto. Matapos ang ilang minuto ay bumalik din naman ito. Pansin niyang itinabi nito ang laptop at pinatay na ang ilaw at tanging lampshade na lamang ang naiwang nakabukas.

Humiga na si Cole sa kanyang tabi. Nang tumihaya siya'y muli niyang napansin ang pagbangon nito at muling lumabas ng kuwarto. He's too uncomfortable.

Nakatatlong labas na ito ng kuwarto nang bigla siyang magsalita.

"Cole?"

"Yes?"

"Hindi ka ba kumportable?"

"I'm fine Jenny, I just can't sleep."

Tumagilid siya at sa paggalaw niyang iyon ay parang may nasaging matigas na bagay ang kanyang hita.

Agad na napabangon si Cole at muli ay lumabas ng kama. Doon niya agad na pagtanto. He's hard. Napalunok siya. Hindi niya alam ang gagawin. Ngunit naalala niya ang sinabi ni Manang Lupe sa kanya noong minsang magtanong siya sa kung ano nga ba ang obligasyon ng isang asawa. Laging sagot nito, ibigay ang pangangailangan dahil iyon ang mas nakahihigit sa pagsasama ng isang mag-asawa. Napasinghap siya nang may maalala ulit at napaypayan ang kanyang sarili. Ibig bang sabihin no'n ay...

Natigil siya sa pag-iisip nang biglang bumalik si Cole at humiga uli sa tabi niya. May space naman sa pagitan ngunit alam niya, hirap itong makatulog dahil sa kakaibang pakiramdam nito.

"Cole?" muli niyang tawag.

"Please Jen," anito pa na ikinakunot ng kanyang noo.

"May gusto lang akong itanong," aniya pa habang napapalunok.

"What!?" sagot nito at halatang iritado.

"Gusto mo bang, ano..."

Nahihirapan siyang sabihin ang gusto niyang sabihin. Damn! Mukha tuloy siyang desperate ngayon pero kasi tama naman ang kanyang Manang Lupe, 'di ba? Tama nga ba? O sadyang ignorante lamang siya sa ganitong bagay.

"Spill it Jen."

"Kasi napapansin ko hindi ka makatulog ng maayos tapos panay pa ang labas mo ng kuwarto."

"I just can't sleep Jen. That's it."

"Pero..."

"Now what!?"

"Matigas!" biglang sambit niya. Natahimik naman si Cole.

"Damn it!" mura nito at napabangon. Maging siya ay napabangon din.

SEÑORITA SERIES 3: JENNY (PUBLISH UNDER IMMAC PPH)Where stories live. Discover now