J-10

22.9K 299 7
                                    

J-10

"AGAY," daing niya nang matalsikan ng mantika dahil sa niluluto niyang saging na turon.

"Hesusmaryosep señorita, ayos ka lang ba?" agad na tanong ni Manang Lupe sa kanya.

Tumango siya at nginitian si Manang Lupe.

"Maliit na talsik lang iyon, Yaya."

Nakahinga naman ito ng maluwag.

"Hindi ka na sana tumulong pa señorita, kaya ko naman na ito."

"Yaya Lupe talaga, parang hindi ka po nasanay sa akin. At saka gusto ko talagang magluto nito. Masarap kasi mag-aral habang kumakain."

Hinaplos nito ang kanyang buhok.

"Ang bait talaga ng alaga ko. Oh siya, konti na lang ito at matatapos na tayo. Ipapatikim natin ito kay Doc. mamaya," anito.

Biglang uminit ang magkabila niyang pisngi. Of course she's blushing. Kakain si Cole nang luto niya at nahihiya siya sa bagay na iyon. God! Why would she ashamed for that? Marahan niyang na-iling ang kanyang ulo.

"Huli na ba iyan señorita?" tanong ni Manang Lupe sa kanya habang isinasalang niya ang iba pang hindi lutong turon sa kalan.

"Opo, last na ito."

"Sige na señorita, ako na ang bahalang tumapos niyan. Mag-aral ka na. Nasa beranda na rin ang meryenda mo."

Tumango siya at hinayaan ang kangang Yaya Lupe na tapusin ang pagluluto. Agad niyang tinungo ang beranda at naghila ng silya para maupo. Nagsimula na siyang mag-aral habang kumakain ng saging na turon.

Habang may sinasagutan sa textbook ay biglang dumapo ang tingin niya sa kuwadra ng mga kabayo. She saw Cole, chatting with their employees.

Napalumbaba siya. Their conversation last night still bothers her, lalo na ang nararamdaman niya. Sumagi sa isip niya na may ganoon pa palang lalaki sa mundo. Iyong kahit wala na sa mundong ito, mahal niya pa rin. Martir pa ba rin ang tawag no'n?

Bigla namang dumapo ang tingin ni Cole sa kanya kaya agad siyang napayuko. Oh crap! She was busted. Agad niyang inabala ang sarili at nagkunwaring deadma.

Abala siya sa pagsagot nang mapuna niyang may naghila ng silya sa tabi niya.

"Need help?" alok nito.

"No," agad na tanggi niya.

Kita naman niyang kumuha ito ng turon.

"Hmm, who cooked this?" anito pa.

"Ang señorita Jenny po Doc.," singit ni Manang Lupe habang may dalang inumin.

Hindi naman siya makatingin kay Cole.

"Masarap," nakangiti pa nitong kumento.

Lihim niyang nakagat ang kanyang labi. Uminit ang magkabila niyang tainga. Oh, she felt so hot kaya bigla niyang na-ipaypay ang textbook.

"Salamat sa juice, Yaya," aniya pa nang hindi pa rin tumitingin kay Cole.

Kinuha niya ang isang basong may lamang juice at agad inubos ang laman nito.

"Need help?" muling alok nito.

"No, matatapos na rin naman ako," aniya at sinagutan na ang huling activity.

Napansin naman niyang tumayo si Cole sa kanyang tabi at pumuwesto sa kanyang likuran.

"Alam mo namang mainit dito, dapat sa loob ka," anito pa at biglang inayos ang kanyang buhok. Pagkatapos ay nilagyan ng clip para hindi lumugay ulit.

Nagtayuan ang mga pinong balahibo niya sa kanyang leeg.

Umupo naman ito pabalik at muli siyang nagulat nang hawiin nito ang ilang hibla ng kanyang buhok at isinukbit sa kanyang kaliwang tainga.

Napatanga siyang saglit bago nagawang kumilos.

"Excuse me," aniya at agad na tumayo. Diretso siya sa kusina.

Agad siyang uminom ng tubig. Uhaw na uhaw ang pakiramdam niya at ang lakas pa ng tibok ng puso niya.

Sapo niya ang kanyang noo. She felt so good when he did that. Para bang, sobrang alaga siya nito. Or she must just hallucinating at pakitang-tao lang ang lahat nang iyon.

Mariin siyang napapikit. She shook her head and shake her hands to calm herself. Huminga siya ng malalim at umakto na para siyang hindi apektado sa pagiging caring nito.

Nang bumalik siya sa may beranda ay napatigil siya sa paghakbang. Binabasa nito ang kanyang textbook at may mga sinusulat pa dito. Hindi siya gumawa ng anumang ingay at hinayaan ito.

Ilang saglit lang ay tumayo ito at bigla naman siyang napatago. Nang wala na ito'y nabatukan niya ang sarili. Why is she hiding from him? Napangiwi siya at lumapit sa mesa.

Nang makita niya ang laman ng textbook ay marami itong bilog. Like he was checking her answers. May note pa sa bawat gilid ng pahina kung ano ang dapat na mga sagot dito.

"Talino," bulalas niya.

Napangiwi siya muli. Siya na ang bobo ng taon. Umirap siya at inayos ang mga sagot niya. 

PAGKATAPOS ng ilang oras na pag-aaral ay umayaw na siya. Tuyo na ang utak niya at ang ilan pa sa mga pinag-aralan niya ay hindi na niya matandaan.

"Yes? About that? I'll just send a recommendation letter..." Si Cole, abala ito sa kausap sa kanyang cell phone at sa tingin niya'y tungkol ito sa trabahong naiwan sa hospital.

"Not that exactly..."

Dumaan ito sa kanyang likuran.

"Yes, can I have it? Okay, wait..."

Laking gulat niya nang lumapit sa kanya si Cole at kinuha ang hawak niyang ballpen. Nasa likod niya ito at damang-dama ng likod niya ang matipuno nitong katawan. He leaned down towards her to jat down a numbers in a piece of paper.

"Yes, I got it. I will make sure I will settle this thing tonight. Yes, I will. Of course, it's okay with me, I know this is urgent too. Thanks Hilda," anito at pinatay na ang tawag.

Siya naman ay patang na-istatwa sa ginawa nito. Biglang may kung anong kakaibang kiliti ang gumapang sa kanyang katawan. Like she's having some goosebumps.

Ngunit agad siyang bumalik sa kanyang sariling pag-iisip nang marinig niya ang huling sinabi nito. It's Hilda. Si Hilda ay secretary ng kanyang Lolo Miguel. Hindi lang basta secretary dahil abogado rin ito ng kanyang Lolo Miguel.

Tiningala niya si Cole.

"How did you know Hilda?" curious niyang tanong.

"Oh, I met her once in Manila and that time, she was with your Lolo Miguel. Hmm, why?"

Kumikit-balikat siya.

"May kailangan siya sa iyo?" aniya pang muli at hindi mapigilang umikot ng kanyang mga mata. She smell something fishy. Puwede namang siya ang na lang ang tawagan ni Hilda ngunit bakit dumiretso kay Cole, dati naman ay siya ang tumatanggap ng tawag nito kapag wala ang kanyang Lolo Miguel.

"It's not actually her but your Lolo Miguel. May files ako na kailangan papirmahan. Actually your Lolo Miguel favored me to that thing. Hindi ko naman puwedeng tanggihan dahil mukhang kailangan na kailangan niya ang pirma ni Don Vega Fuerte."

"Wait, I knew him. He was my Ninong," sagot niya.

"Akin na, ako na pupunta sa kanya," dagdag niya pa at inilahad ang kanyang mga kamay.

"No way dear, it's a private documents. Sumama ka na lang sa akin and I'll do the rest."

Kinuha nito ang maliit na papel at may tinawagan itong muli sa cell phone habang papa-akyat sa hagdan.

Na-ipadyak niya ang kanyang mga paa. Nakapagtataka yatang may hindi na sinasabi ang kanyang Lolo Miguel sa kanya. Dati rati naman ay lagi nitong sinasabi ang mga lakad at lalo na ang mga laman ng mga pribadong papeles. Nagdududa na tuloy siya. Her Lolo Miguel is up to something at hindi siya mapalagay. She must pushed Cole to spell it out to her, what is that documents all about. 

SEÑORITA SERIES 3: JENNY (PUBLISH UNDER IMMAC PPH)Where stories live. Discover now