J-2

39.1K 461 5
                                    

J-2

Tumayo siya at lumipat sa kanyang kama. She grab her phone and texted her ate Grace na safe silang nakabalik together with her Lolo Miguel. Grace was a close friend of her. Saksi rin siya kung ano ang pinagdaanan nito sa love life. And speaking of a love life, she envyed Grace for having such a loving man liked Max. Sometimes she wish, na sana makahanap din siya ng lalaking kayang maging faithful sa kanya kahit paglayuin man ng tadhana. Ibinagsak niya ang katawan sa kama at napatitig sa kisame.

"Damn this life, maganda naman ako, sexy, malaki naman boobs ko at saka matangkad din naman ako. Bakit kaya hanggang ngayon wala pa akong boyfriend?" aniya sa sarili.

"It's because you're just only nineteen," wika ng isang boses.

Agad siyang napabangon.

"Ate Grace, kanina ka pa diyan?"

"Not so long."

Tumabi ito sa kanya.

"Sakto nang makatanggap ako ng text mula sa iyo ay papunta na ako dito," anito pa. Tumango lamang siya.

"Naistorbo ba kita?" Umiling siya.

"What's wrong?" anito nang mapuna ang pagiging tahimik niya.

"Si Lolo kasi..."

"Iyon pa rin ba?" Ang tinutukoy nito ay ang pag-aaral niya sa ibang bansa. Tumango siya.

"Hmm. Hindi ko rin naman masasabing payag ako sa desisyon ni Don Miguel pero siguro bilang tumatayong magulang mo, kapakanan mo rin ang iniisip niya."

"Pero ayokong umalis ate Grace. Saka ayaw kong pag-usapan 'to. By the way? Bakit ka nga pala napadalaw?" pag-iiba niya ng usapan.

"Well, balak namin magbakasyon ni Max. Mawawala ako ng one week. May gusto ka bang ipabili sa akin?"

Ngumuso siya.

"Pahingi nga ng lalaki ate."

Marahan siya nitong nahampas sa balikat at malakas na tumawa.

"Hindi hinihingi ang lalaki Jenny, kusang ibinibigay ni Lord. Saka ikaw bata ka, lalaki agad nasa utak mo. Ang bata mo pa para sa ganyan."

"Hindi na ako bata ate. Legal age na ako ha." Muli itong tumawa.

"Still, nasa adolescents stage ka pa rin. Nasa poder ka pa ng Lolo mo saka 'teen' ka pa."

Mas lalong nalukot ang kanyang mukha.

"Unfair," maktol niya.

"Soon Jenny, hindi naman kasi minamadali ang lahat. So what now? What do you like me to buy you?"

"Anything ate."

"You sure? The last time you said 'anything' hindi mo nagustuhan ang binili ko," anito sabay hagikhik.

"Ang sexy kasi ng bikini na bigay mo ate. Kita na kaluluwa ko doon 'no!"

Muli itong tumawa.

"You've got the body Jenny. Walang dapat ikahiya. So final na iyang anything thingy mo ha?"

Tumango-tango siya pero this time ay nakangiti na siya. Grace hug her.

"Still update me from your happenings. One week lang akong mawawala. Babalik din naman ako agad."

"Nako ate, don't mind me."

"That's my girl!"

Yumakap siya rito.

"Oh wait, may naalala ako. Some guy asked me last week about your Lolo's address. May dumaan ba dito na kulay pulang Estrada?" Agad naman siyang umiling.

SEÑORITA SERIES 3: JENNY (PUBLISH UNDER IMMAC PPH)Where stories live. Discover now