J-4

29.3K 405 2
                                    

J-4

SABAY na silang bumaba sa hagdan ng kanyang Lolo Miguel. Naka-angkla ang kanang kamay niya sa braso ng matanda habang patungo sila sa kusina.

"Good morning again, Don Miguel," salubong na bati ni Cole sa kanila.

"Good morning, ijo," balik na bati ng matanda sa lalaki.

"Good morning Jenny," baling naman nito sa kanya. Tumango lang siya pero nakayuko ang kanyang ulo. Hindi siya tumingin sa lalaki. Alam niya kasing nagkukunwari lang ito sa harap ng kanyang Lolo Miguel.

"Let's eat," wika ng kanyang Lolo Miguel. Bumitiw siya sa pagkaka-angkla sa braso nito at umupo na sa kanyang puwesto. Kaharap niya sa mesa ang lalaki at nasa pagitan naman nila ang kanyang Lolo Miguel. She felt so anxious. Paano kaya kung sabihin niya sa kanyang Lolo Miguel na itong lalaking 'to ang bumastos sa kanya. Pero paano naman kung baliktarin din siya nito? Inis niyang na-tusok sa hotdog ang hawak niyang tinidor. At dahil sa ginawa niyang iyon ay nagulat ang mga ito.

"Apo, ayaw mo ba sa almusal natin ngayon?" tanong sa kanya ni Don Miguel kaya agad naman siyang napailing.

"Hindi naman po sa ganoon Lolo, pasensiya na po."

Nang bumaling siya ng tingin sa lalaki ay nakakunot ang noo nito. Wala sa sarili niyang inirapan ito at sumubo ng pagkain.

"How's your first day Cole? Do you find it comfortable?" biglang wika ng kanyang Lolo Miguel.

"It's good Don Miguel and I so love the ambiance here. Napaka-refreshing ng lugar. Matagal na rin akong hindi nakapagbakasyon dahil sa hectic ng schedule ko sa hospital. Ibang-ibang ito sa city."

Payak naman na tumawa ang matanda.

"Mabuti naman kung ganoon. Makakapagpahinga ka rito and you can stay as long as you wanted."

Gusto niyang mapangiwi sa sinabi ng kanyang Lolo Miguel. Staying for too long? That's not good to hear.

"Yes Don Miguel, and in fact, I am very glad that you chose me to be your personal doctor. Anyways, lulubusin ko na ang pansamantalang pananatili ko rito. Can I borrow Jenny to tour me around here in your hacienda? No'ng unang beses ko kasi na pumunta rito, naligaw ho ako."

Napaubo siya sa kanyang narinig.

"Me?" naituro niya pa ang kanyang sarili.

Cole evily smile at her.

"Yes," sagot pa ng lalaki sa kanya.

Napalunok siya.

"Wait Lolo, I am very, very, very busy right now and I can't—"

"Of course Jenny can tour you around. Masisingit mo naman iyan sa schedule mo 'di ba apo?" baling sa kanya ng matanda.

Natameme siya. Bumuntong-hininga siya kasabay nang pagbagsak ng kanyang mga balikat.

"Fine," simple sagot niya lang ngunit hindi niya maitago ang gigil niya dahil sa higpit ng hawak niya sa kubyertos.

"Thanks Don Miguel," anang lalaki sa matanda. Umikot ang mata niya at bigla siyang tumayo.

"Busog na po ako. Excuse me po," aniya at humalik sa kanyang Lolo Miguel bago tuluyang umalis sa harapan nila.

Tinungo niya ang kusina at kinuha sa ilalim ng lababo ang dalawang pares ng bota.

"Yaya Lupe, pahiram nga po ng alampay niyo," baling niya sa kusinera nila.

"Po, eh señorita nakakahiya po," alanganin nitong ani.

SEÑORITA SERIES 3: JENNY (PUBLISH UNDER IMMAC PPH)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant