J-23

18.2K 274 0
                                    

J-23

ANG kasiyahan na sanay maganap sa araw ng kasal ni Jenny ay napalitan ng lungkot at pighati dahil sa biglaang pagkamatay ng kanyang Lolo Miguel.

They all mourned for the unexpected death of Don Miguel. Maging ang mga trabahador nila'y nagulat din sa nangyari. Hindi nila inakalang papanaw ng ganoon kabilis ang matanda gayong hindi naman ito nakitaan ng panghihina. Oo nga't matanda na ito ngunit ni minsan ay hindi naman nito ipinaalam sa mga taga hacienda na may dinaramdam pala itong sakit.

"Jenny, are you sure you want to cremate your Lolo Miguel's body at this early?" Cole asked him. Nasa morgue sila at hinihintay na lamang na matapos ang pag-aayos sa katawan ng kanyang Lolo Miguel.

"Iyon ang gusto niya," matabang niyang sagot at nakatitig lamang sa pader.

"How about Don Miguel's friends, they still want to vigil."

"Ayoko nang may lamay sa bahay. I still want to think that he's not totally gone. Na nasa bakasyon lang siya. Na uuwi pa rin siya."

Cole exhaled and nodded at her. Nang tumayo ito at umalis sa kanyang tabi ay muling tumulo ang kanyang mga luha sa mata.

What is left to her right now is only what she had. Herself.

Niyakap niya ang kanyang sarili. Suot niya pa rin ang kanyang damit na ginamit sa kasal. Ni hindi niya na nga nagawang makapagbihis dahil sa nangyari. At hawak-hawak niya ang sulat na iniwan sa kanya ng kanyang Lolo Migue. Hindi niya magawang buklatin ang nakatuping papel. Hindi pa siya handang mabasa ang liham nito para sa kanya. Masakit sa kanya ang nangyari at hindi niya pa tanggap ang biglaang paglisan ng kanyang Lolo Miguel.

Bumalik naman si Cole sa kanya at hinubad nito ang coat. Ipinatong ito ni Cole sa kanyang likuran upang huwag siyang malamigan. Hinagod din nito ang kanyang likod.

"Cry all you want Jen," anito at niyakap siya. Kumapit siya sa braso nito at doon ibinuhos lahat nang hinanakit niya.

HE WAS hugging Jenny so tight. He knows, Jenny needed him the most right now. Kung nasaktan man siya dahil sa pagkawala ni Don Miguel, mas lalo na si Jenny.

As a doctor, normal na para sa kanya ang mamatayan ng pasyente kahit na anong pilit nilang salba dito, kung talagang kukunin na ng Diyos, wala na silang magagawa pa. Ngunit sa sitwasyon niya ngayon, masakit na makita si Jenny habang walang tigil sa kaiiyak. Naging malapit na sa kanya ang mag-Lolo kaya naman ganoon na lang din siya ka-apektado.

Ngunit kailangan niyang ipakita kay Jenny na magiging maayos lang ang lahat. Ayaw niyang ipakita dito na nasasaktan din siya. Siya na lang ang mayroon si Jenny at hindi niya hahayaang isipin nito na mag-isa na lang ito. Sabihin man nang ilan na wala siyang pag-ibig para sa dalaga pero kailangan siya ni Jenny ngayon.

Hinagod niya ang likod nito at hinagkan ito sa ulo. Napansin naman niyang huminto sa pag-alog ang mga balikat nito. Yumuko siya para tingnan ang mukha ni Jenny. Nakatulog na ito dahil sa matinding pagod. Hinawi niya ang ilang hibla ng buhok nito na natatakip sa mukha ng dalaga. Bakas sa mukha nito ang pamumula ng mga pisngi at ang pamamaga ng mga mata.

"Sir, excuse me po, paki-pirma na lang po nitong papers para sa cremation ng bangkay," anang isang staff sa purinarya.

"Can I borrow your pen, please..."

Ibinigay naman nito agad ang ballpen sa kanya at pinirmahan ang certificate. Isinulat niya rin ang kanyang cell phone number.

"Puwede bang ihatid niyo na lang ang abo sa bahay namin? May address kami diyan sa information. I'll double the payment for the service. We cannot wait longer. Kailangan kong i-uwi ang asawa ko," aniya.

"No problem sir."

Tumango lamang siya at dahan-dahan na gumalaw para buhatin si Jenny.

Inilabas niya ito ng purinarya at sumakay sa likod ng kanyang kotse.

"Sir, uuwi na po ba tayo?" tanong ng driver sa kanya. Tumango siya. Kandong niya pa rin si Jenny habang mahimbing pa rin ang pagkakatulog nito.

"Let's go," utos niya sa driver.

WHEN they went home, lahat ng mga trabahador nila at mga close friends ni Don Miguel ay nasa mansyon ng mga Reyes. Marahil ay nag-aabang sa pag-uwi ng bangkay ni Don Miguel para sa lamay.

Sumalubong sa kanya si Manang Lupe.

"Manang, pakisabi sa mga bisita. Diretso pong na-cremate ang katawan ni Don Miguel."

Nagulat naman ito sa kanyang sinabi.

"Pero Doc, ang mga bisita ho ni Don Miguel..."

"Iyon ang naging desisyon ni Jenny. They can have the mass at the chapel. Please guide them and tell them that Jenny already decided."

Malungkot itong tumango at sinunod ang sinabi niya. Diretso siya agad sa hagdan para i-akyat si Jenny sa kuwarto nito.

Nang ma-ipasok niya ito sa silid ay dahan-dahan niya itong ibinaba sa kama. Konti itong gumalaw kaya maging siya ay nahinto naman. Nang hindi na ito gumalaw ulit ay dahan-dahan niyang tinanggal ang kanyang mga braso sa pagkakadagan nito at kinumutan ito.

Hinayaan niya itong makapagpahinga at lumabas na ng kuwarto nito. 

SEÑORITA SERIES 3: JENNY (PUBLISH UNDER IMMAC PPH)Where stories live. Discover now