J-12

20.9K 313 8
                                    

J-12

Agad siyang nagpakawala ng malalim na hininga.

"Tss."

She looked at Cole. Nakasimangot ang mukha nito. Tumingin naman si Cole sa kanya.

"Not so close, huh?" he said then smirked.

Umawang ang kanyang bibig dahil sa naging reaskyon ni Cole.

"Seriously? I mean it kanina, hindi talaga kami ganoon ka close. Ganoon lang talaga iyon sa akin."

Isang ismid pa rin ang ibinigay ni Cole sa kanya. Then she suddenly paused for a moment, why the hell is she explaining for this?

"Bakit parang galit ka?" inis niyang tanong.

"Me?" Itinuro nito ang sarili.

"Come on kid, I am not that immature."

Siya naman ang napa-ismid at napa-irap.

"Bakit bigla kang nagsusungit?"

"I'm not Jenny." Uminom ito ng wine.

"Oh really? Bakit parang hindi mo gusto si Javier?"

Umismid ito.

"You know what Jenny, it's just your conclusion. I'm fine with him." Tumaas naman ang kanyang kilay dahil sa sinabi ni Cole.

"Ganoon ba? Okay then, sasama muna ako kay Javier," aniya pa at akmang tatalikod. It was not really her intention but she just want to see if he is lying or not.

*

Ngunit bigla nitong hinawakan ang kanyang braso.

"Yes?" tanong niya pa kunwari.

"Hindi tayo pumunta dito para mag-party Jenny," matigas pa nitong ani.

Humakbang siya palapit at nakipagtitigan dito.

"You're lying," aniya.

Bigla naman siya nitong hinigit dahilan para magdikit ang kanilang mga katawan.

"I don't like him. Satisfied?"

Itinukod niya ang kanyang mga palad sa dibdib nito at dahan-dahan na itinulak.

"Okay," sagot niya at umalis sa harapan nito. Ngiting tagumpay ang sumilay sa kanyang mga labi.

Kabado siya ginawa niya kanina pero ang makita na ganoon ang reaksyon ni Cole, it gives her so much confidence.

Pumasok siya sa sa isa sa mga bahay at agad na hinanap ng mga mata niya ang office ng kanyang Ninong Delfin.

Nang umabot siya sa dulo kung saan may exit ay makikita ang isang gazebo. Agad niyang namataan ang kanyang Ninong Delfin pero may mga bodyguards agad ang humarang sa kanya. Akmang hahawak pa ito sa kanya ngunit biglang may tumapik sa kamay no'ng isang bodyguard.

"Don't touch her," wika ni Cole sa kanyang likuran at agad na hinapit ang kanyang baywang. Kitang-kita niya ang pag-igting ng panga ni Cole dahil sa akmang gagawin no'ng lalaki sa kanya.

Saglit siyang natulala. Damn this heart beats of her. Kumakalampag ang tibok ng puso niya dahil sa ginawa nito.

"Off limits po kayo dito, Sir."

Inayos niya ang kanyang sarili at umalis sa pagkakahapit ni Cole sa kanyang baywang. Bigla siyang na-ilang at itinuon ang kanyang atensyon sa mga bodyguards.

"Gusto ko makausap ang Ninong Delfin ko. Pakisabi nandito ang apo ni Don Miguel," aniya.

Tumango ang kaharap niya at lumapit sa kinaroroonan ng kanyang Ninong Delfin.

SEÑORITA SERIES 3: JENNY (PUBLISH UNDER IMMAC PPH)Where stories live. Discover now