J-11

20.9K 288 0
                                    

J-11

NANG gabi ding iyon ay sinabihan siya ni Cole na magpalit ng damit. Sinabi nitong nasa isang party daw si Don Vega Fuerte, ang kanyang Ninong at doon daw sila magkikita.

Sinunod naman niya ang sinabi nito na kailangan party dress ang kanyang suotin. Agad din naman siyang nakapili ng damit at pares na heels.

Her dress was halter tight mermaid style and the color was navy blue with applique lace. Medyo revealing ang hinaharap niya pero para sa kanya'y hindi naman masiyado. Binagayan din niya ng navy blue five inches heels ang kanyang dress. Even her make up was just light too. Iyong parang fresh na fresh pa rin ang look kahit pagpawisan ka man. She then ponytail her hair to reveal her back flawless skin.

"Jenny, are you ready?" It was Cole, knocking on her door.

"Yes!" agad din naman na sagot niya at kinuha ang kanyang purse. Inilagay niya dito ang kanyang cellphone at maliit na make up kit.

Nang buksan niya ang pinto ay nakaabang na nga si Cole sa kanya. Saglit pa itong natigilan. He was stunned for a second. Nasiyahan siya sa magimg reaction ng mukha nito. Alam niyang maganda siya at kahit pa anong suotin niya'y talagang babagay sa kanya pero ito ang unang beses na may lalaki talagang natulala sa kanya. Well, she's pretty but hindi siya lapitin ng boys. Maybe kulang siya sa sex appeal? Who knows!

She snap of him.

"Oh, sorry," anito pa.

"Aalis na ba tayo?" tanong niya. Tumikhim naman ito at tumango.

"Come on," kayag nito at inalalayan siyang makababa ng hagdan.

Habang palabas sila ng bahay ay hindi niya ma-itago ang mga ngiti sa kanyang labi. Wala siyang narinig na compliment mula kay Cole pero sapat na sa kanya ang pagkatulala nito ng ilang segundo. Alam niyang nagandahan ito sa kanya at hindi lang nito masabi. Oh, she suddenly felt some insects flying in her tummy.

Pinagbuksan siya ni Cole ng pinto ng sasakyan. She glanced at him at pumasok din naman sa loob. Agad itong umikot at nang makapasok sa loob ay initsa sa likod ang hinuhot nitong maliit na envelope mula kanyang tuxedo.

"Puwede ko bang tingnan?" paalam niya. She was referring about the envelope.

"No Jenny. I can't allow that. Ang bilin ng Lolo Miguel mo, hindi mo dapat mabasa ang laman niyan. Please understand me," paliwanag nito.

Huminga siya ng malalim at tumango dito. He just smiled at her. Curious man siya sa kung ano ang laman nito pero ayaw din naman niyang magalit ang kanyang Lolo Miguel. Alam niya namang nasa tama lagi ang desisyon nito.

After an half of hour ride, narating nila ang Casa Vega Fuerte. Entrada pa lang ng Casa ay maganda na ang set up.

Casa Vega Fuerte is a a vacation place for tourists. Kung hindi siya nagkakamali, ma-ihahalintulad ito sa isang sikat na Nature Park sa Davao City, ang EDEN. Ngunit nasa malamig na klima ang Eden kumapara dito sa Casa Vega Fuerte. Malapit ito sa dagat at tamang-tama sa panlasa ng mga turistang gustong mag-unwind at magbilad sa araw.

Naghanap naman si Cole ng puwesto kung saan e-pa-park ang kanilang sasakyan. Nang huminto ang sasakyan ay agad din naman siyang lumabas. Na-ilapat na niya ang kanyang mga paa sa bermuda grass nang biglang dali-dali siyang inalalayan ni Cole. Oh, she seems having fun of the thought thay Cole is really taking good care of her.

Inangkla niya ang kanyang kanang kamay braso ni Cole at tinungo na ang bulwagan kung saan ginaganap ang kasiyahan.

"Para saan ang party na 'to? Alam mo ba?" usisa niya pa kay Cole.

"This? I think it's for Don Vega Fuerte's eldest son."

Saglit siyang napa-isip.

"Oh? Kung ganoon pala'y para kay Javier Vega Fuerte ang event na ito."

Kumunot naman ang noo nito.

"Are you close with him?" Umiling siya kay Cole.

"We're just civil with each other kapag nagkikita kami. Konting kumustahan, ganoon. Medyo masungit kasi si Javier pagdating sa mga babae. Hindi pa naman niya ako nasungitan pero, ewan, iba talaga aura niya pagdating sa mga babae."

Cole just nodded.

"Pagkatapos ng event or maybe in the middle of this party, kakausapin ko agad si Don Vega Fuerte para naman makauwi tayo ng maaga. Ang bilis pa naman ma-bored nitong kasama ko."

Inirapan niya si Cole.

"Pinariringgan mo ba ako?"

Patay malisya naman itong napa-iling at konti siyang tinawanan. He gently pinched her pointed nose.

"You're so cute Jenny," he said. Hindi naman siya makatingin dito. Sa tingin niya kasi'y pulang-pula na ang magkabila niyang pisngi.

"I'll get you some drinks," paalam ni Cole sa kanya at iniwan siya sandali sa kanilang puwesto. Tumango lamang siya at agad na inabala ang sarili sa pagmamasid sa paligid. She was thinking maybe may kakilala man lang siyang um'attend dito sa Casa.

Hanggang sa dumapo ang mga mata niya sa isa sa mga table ng guest. Agad na tumaas ang kanang kilay niya. It was Abby.

"Hey, here," ani Cole at inabot sa kanya ang isang white whine.

"Do you need anything else?" tanong pa ni Cole sa kanya. Agad naman siyang umiling.

Bigla namang may tumikhim sa kanilang likuran kaya agad silang napalingon dito.

"Javier," sambit at agad nakipagbeso dito.

"You look so lovely Jenny," nakangiting sagot naman ni Javier kasabay ang pagyakap din sa kanya at hindi na natanggal pa ang kanang kamay nito sa gilid ng kanyang baywang.

"Same to you," puri niyang pabalik.

Hindi pa rin bumitiw si Javier sa kanya. Well, nasanay na siya na ganito ka dikit si Javier sa kanya sa tuwing nagkikita sila kaya hindi niya na alintana pa ang naging pagkilos nito.

Hindi naman nakaligtas sa sulok ng kanyang mga mata ang biglaang pag-igting ng panga ni Cole habang mataman na nakatitig sa kanila ni Javier.

"So, who is this man?" tukoy pa ni Javier kay Cole.

"Si Cole, personal na Doctor ng Lolo Miguel ko," pakilala niya.

"Nice meeting you Mr..." saglit pang nahinto si Javier sa kanyang sunod na sasabihin.

"It's Lazarte," Cole said and shook their hands.

"Nice meeting you again Doc. Lazarte, thanks for coming here."

Tumango si Cole at konting inangat ang hawak na wine glass.

"May importante din naman akong pakay kaya nandito kami ni Jenny," diretsahang sagot ni Cole.

Pakiramdam tuloy ni Jenny ay parang hindi kumportable ang dalawa sa isa't isa. Sa titigan pa lang kasi ng dalawa ay talagang ramdam niya ang kakaibang aura ng mga ito.

"Really? Hmm, I guess, ang pakay mo ay ang Papa ko," ani Javier.

"Exactly. Don Miguel favored me to do private things for him. Hindi mo naman siguro mamasamain kung hindi ko sasabihin sa iyo ang iba pang detalye?"

Nagtitigan ang dalawa at pakiramdam ni Jenny ay hindi na ito maganda. Umalis siya sa tabi ni Javier at bumalik sa tabi ni Cole.

"Javier, wouldn't you mind if we'll go ahead? We badly need to talk to your father," nakangiti niyang ani kay Javier. Javier smiled at her, from ear to ear.

"Of course Jenny. I won't bother asking that business of yours anyway. Go on, may kailangan din naman akong asikasuhin, the guests of course."

"Salamat," simpleng tugon niya lamang.

Nakangisi naman itong bumaling kay Cole.

"Have a nice evening Mr. Lazarte," anito at tinalikuran na silang dalawa ni Cole.

SEÑORITA SERIES 3: JENNY (PUBLISH UNDER IMMAC PPH)Where stories live. Discover now