J-24

18.7K 296 0
                                    

J-24

MAHINANG ungol ang kumawala sa bibig ni Jenny nang maalimpungatan siya. Tumihaya siya at mariing pumikit bago tuluyang idinilat ang kanyang mga mata.

Nagtataka siya. Nasa kuwarto na siya gayong ang pagkakaalala niya'y nasa purinarya siya at kasama si Cole.

Bumangon siya. Ganoon pa rin naman ang kanyang suot. Huminga siya nang mamalim. Nang bumaling siya sa kanyang working table ay ang jar agad ang kanyang napansin. It was a porcelain jar, filled with Don Miguel's ashes. Bumaba siya sa kanyang kama at agad na lumapit sa mesa. Binuhat niya ang jar at niyakap ito.

"Good morning Lolo Miguel," sambit niya sa kawalan at niyakap ito ng mahigpit.

Lumakad siya at lumabas ng kanyang kuwarto habang bitbit pa rin ang porcelain jar. Bumaba siya sa hagdan at dumiretso siya sa altar sala kung saan nakalagak din ang abo ng kanyang Lola Leonida.

"Jenny," tawag sa kanya ni Cole.

"Hmm?"

"You want to put it there?" Tumango siya at ibinigay kay Cole ang jar na kanyang hawak.

Ma-ingat din naman itong kinuha ni Cole at inilagay sa altar.

"I guess she's happy now and Lolo Miguel too. He'll be seeing her now."

Bumaling si Cole sa kanya.

"Jenny," bakas sa mukha nito ang matinding pag-aalala.

"Alam ko ang iniisip mo. I should be mourning until now but I realized, do I have to make it longer?"

Hindi ito umimik.

"Pinalaki ako ng Lolo Miguel ko na matapang at independent. At alam ko, hindi niya gugustuhing makita akong ganito."

"Jen, mourn if you want. Hindi kita pipigilan."

Umiling siya.

"Kapag nagpakalunod ako sa lungkot, mababaliw ako Cole. Paano ang hacienda? Ang mga trabahador namin? Kapag nanatili ako sa ganoong estado, walang mangyayari. At ayaw kong mawala ang hacienda."

Marahas naman itong bumuntong-hininga at hinila siya. Niyakap siya ni Cole.

Nagulat siya sa ginawa nito ngunit hindi niya ipinahalata. Alam niyang naaawa ito sa kanya at iyon ang ayaw niya. Ayaw niyang ipakitang mahina siya. Hindi ngayon.

Kumalas siya sa yakap ni Cole.

"Let's have some breakfast," masigla niyang ani. Tumango lang din naman ito.

Papaakyat na siya ng hagdan nang marinig niyang parang may sumisigaw sa labas ng kanilang bahay. Nagkatinginan silang dalawa ni Cole. Inayos niya ang kanyang damit at lumabas ng bahay. Nakasunod lang din naman si Cole sa kanya.

Nang matanaw nila kung sino ang sumisigaw ay agad na kumunot ang kanyang noo.

"Abby!?" gulat namang sambit ni Cole.

"Cole! Teka!? Ano ba! Bitiwan mo ako!" pagwawala ni Abby habang hinaharang ng kanilang guwardya.

"What the hell is this about Abby?!? Bakit ka gumagawa ng eksena dito!?" ani Cole.

Itinulak ni Abby ang guwardya at humarap kay Cole.

"Totoo ba, ha!? Totoo bang ikinasal ka sa babaeng iyan!?"

"Yes and what's wrong with that!?"

Namilog ang mga mata ni Abby at imbes na mag-walk out ito ay bigla siyang sinugod nito. Nahablot ni Jenny ang kanyang buhok.

"Aray! Ano ba!? Bitiwan mo ako!?" malakas niyang daing. Umawat din naman agad si Cole at nang makawala siya sa pagkakahawak ni Abby ay itinulak ito ni Cole.

"Bullshit Abby!?" bulalas ni Cole.

"Jenny, are you okay?" alalang baling naman sa kanya ni Cole.

"Ahas ka! Ako pa ang tinawag mong nakakadiri pero ikaw pala itong malandi! Paano mo naakit si Cole, ha!? Dahil ba mas presko ka! Bagets!?"

Itinago naman siya ni Cole sa likuran nito.

"Are you crazy Abby!? Hindi kita girlfriend kaya wala kang karapatang mag-eskadalo dito!"

"Oh yes! Hindi mo nga ako girlfriend but I loved you Cole! Pero hindi mo man lang makita iyon!" himutok ni Abby.

Nakagat niya ang kanyang labi at napatitig sa matipunong likod ni Cole. Iniisip niya. Ngayong mag-asawa na silang dalawa ni Cole, makita din ba kaya nito ang pag-ibig niya?

"You're insane Abby! Alam mong kaibigan lang ang tingin ko sa iyo at wala ka na doon kung bakit ko pinakasalan si Jenny!"

"Oh really!? Because that bitch is an heir! Pera lang naman habol mo, 'di ba!? I can give it to you! Just come with me, please Cole!"

"You're out of your mind Abby! Just go home!"

Tinalikuran na ito ni Cole ngunit sumugod itong muli. Nasampal tuloy siya ni Abby. Nagulat naman si Cole sa ginawa nito.

"What the!?"

Sa galit ni Cole ay malakas nitong naitulak si Abby. Bumagsak ito sa lupa.

"Guard! Palabasin niyo ng ang babaeng 'to!" ani Cole at muling hinarap si Abby.

"You don't how I get angry Abby. Kung ayaw mong ipakita ko sa iyon kaya umayos ka. Baka gusto mong pati pagkakaibigan natin ipagkait ko din sa iyo!"

"No! Cole!"

Hahabol pa sana si Abby ngunit mabilis itong nadampot ng mga guwardya at inilabas sa bakuran nila.

Agad na inusisa ni Cole ang kanyang namumulang mukha.

"Bakit wala kang ginawa? Bakit hindi ka man lang gumanti? Ang kilala kong Jenny, war freak."

Huminga siya ng malalim at inalis ang kamay ni Cole. Tinalikuran niya ito. Wala siya sa sarili.

Abby is right. Bakit nga ba siya pinakasalan ni Cole? Dahil sa virginity niya? That's so lame! Dahil iyon sa Lolo Miguel niya.

Hinawakan naman siya ni Cole sa braso at pinaharap dito.

"Jenny..."

"Ayaw ko lang ng gulo," aniya.

Marahas naman itong napabuga ng hangin.

"Alright. Lagyan natin ng yelo iyang pisngi mo nang hindi maging pasa." Tumango lang din naman siya.

Akay siya ni Cole habang papasok sila ng bahay. Lutang na lutang pa rin ang utak niya. Madami siyang iniisip. Kanina lang ay gusto niyang maging kalmado, na para bang walang nangyari. Ngunit dahil sa ginawa ni Abby na eskandalo kanina. Doon niya napagtantong, hindi okay ang lahat. Hindi. 

SEÑORITA SERIES 3: JENNY (PUBLISH UNDER IMMAC PPH)Where stories live. Discover now