J-13

20K 286 2
                                    

J-13

NANG makauwi sila sa kanilang bahay ay agad na lumabas si Jenny ng sasakyan. Walang lingon-lingon siyang lumakad at dumiretso sa kanyang kuwarto. Doon na siya tuluyang humagulhol ng matindi habang nakasalampak sa sahig. Na-ibato niya ang kanyang purse dahil sa sobrang gigil. Daig niya pa ang namatayan dahil sa tindi jg sakit na nararamdaman niya. This is new to her, at hindi niya alam kung paano siya mag-iisip ng tama.

Tumayo siya at pinahiran ang magkabila niyang pisngi. Hinubad niya ang kanyang damit at isinuot ang kanyang roba. Diretso siya sa kanyang kabinet at kinuha ang nakatago niyang wine na pinuslit niya pa mula sa wine cellar ng kanyang Lolo Miguel.

Binuksan niya ito at agad na tinungga ang laman nito. Agad ito nangalahati sa bote.

"Ugh!" gigil niyang sambit at pinagpapalo ang kanyang unan.

Huminga siya ng malalim at uminom ulit ng wine.

"What a jerk!" aniya ulit at inubos na ang laman ng bote. Humiga siya sa kama at hinayaan ang sarili na umiyak nang umiyak hanggang sa kusa na siyang hinila ng antok.

EARLY in the morning, her day wasn't good and she badly needed a hangover soup. Sobrang sakit ng ulo niya pero mas lalo pang sumakit dahil naalala na naman niya ang sinabi ni Cole sa kanya. She felt so empty, hopeless and desperate. Hindi niya makapa sa sarili kung bakit ganito ang pakiramdam niya kay Cole. Kagabi pa siya mukhang gaga. Yes. She's not that dumb, idiot, stupid, name it, not to know what she's feeling right now. Aminin man niya o hindi. She knows, she's into him. Yet she can't still defined how, when and why. Sa simpleng panahon lang na magkasama silang dalawa ay ganoon na agad ang feelings niya for Cole. Correction, he is not just Cole but the gap of their age too. She must consider that also. Maybe? Maybe she just looked up to him like her Lolo Miguel. Iyon bang hinahangaan niya lang dahil sa may prinsipyo ito sa buhay at alam ang ginagawa. Is that so? But? Crap, she's messing her own thoughts. Alam niya sa sarili, may gusto siya kay Cole at iyon ang totoo. Nahila niya ang kanyang sariling buhok.

"Apo, baka naman matanggal ang buhok mo niyan?"

Namilog ang kanyang mga mata at agad na lumingon sa kanyang Lolo Miguel.

"Oh my god Lolo! I miss you!" Agad niyang niyakap ang matanda.

"Kumusta naman ang apo ko? Hmm?"

"Maganda pa rin naman po," aniya nang nakatawa.

"Nakikita ko ngang masaya ka. Come, nagpahanda na ako ng breakfast."

"Ang akala ko uuwi kayo kahapon Lolo," aniya habang papaupo na sa hapag.

"Delay ang flight ko, ija. Anyway, I've seen your textbooks. Talaga bang hindi na magbabago ang isip mo, apo?"

Masigla niyang nginitian ang matanda.

"Hundred percent sure."

Matamis naman ang naging pagtugon nito.

"Na-isip ko rin apo. Sayang din kung walang mamamahala rito sa hacienda. Kawawa ang mga trabahador natin. Paano na lang pala kapag nawala na ako..."

Agad niyang pinigilan ang matanda na matapos ito sa pagsasalita gamit ang paghawak niya sa kanang kamay nito at marahang pinisil. Umiling din siya.

"Matagal pa kayong kukunin ni Lord, Lolo. Aakyat pa kayo sa stage kapag naka-graduate ako," nakangiti niyang ani ngunit ang totoo, pinipigilan niyang maging emotional sa harapan nito. Natatakot siya na baka dumating ang araw na iyon. Hindi niya alam kung kakayanin niya iyon.

"Good morning Don Miguel, Jenny," bungad ni Cole sa kanila.

"Good morning Cole. Halika na, sumabay ka na sa amin at baka ma-late ka pa sa flight mo," anang kanyang Lolo Miguel.

"Flight?" mahinang bulalas niya.

"Yes. Babalik na ako ng Maynila, Jenny. Isang linggo lang ako do'n. I've got so many appointments to do and surgery," paliwanag ni Cole sa kanya.

Napalunok siya. Pakiramdam niya'y may bumara sa kanyang lalamunan.

"O-okay," sagot niya na lamang. Bigla tuloy siyang nawalan ng gana kumain.

"Hindi ka naman binigyan ng sakit ng ulo nitong apo ko?" anang Don Miguel.

Cole look at her with a full smile on his face.

"Hindi naman Don Miguel."

"Liar," bulalas niya.

Natawa ang kanyang Lolo Miguel, maging si Cole ay ganoon din. Hiyang-hiya naman siyang napayuko. 

NANG tanghali ding iyon ay nakita ni Jenny na inilalabas na ng katulong ang isang traveling back pack ni Cole.

Mawawala ito ng isang linggo at pakiramdam niya'y isang linggo din siyang walang buhay. She will miss him. Yes, she likes him and she admitted that. Hindi na siya magpapaliguy-ligoy pa sa kanyang nararamdaman dahil alam naman niyang hindi na siya bata. Hindi naman siya ganoon ka late bloomer pagdating sa usapang pag-ibig at ito na nga iyon.

Masakit lang isipin na ang namumuo niyang pag-ibig para kay Cole ay isang lihim lamang. He can't even reciprocate it. Nakagat niya ang kanyang labi nang sumunod na lumabas ay si Cole.

Tumigil ito at tumayo sa kanyang harapan.

"Huwag mong bibigyan ng sakit na ulo ang Lolo Miguel mo, Jenny."

Sumimangot siya.

"Babalik din ako agad. Huwag mo ako masiyadong ma-miss, okay?"

Gusto niyang yakapin at sabihing 'maghihintay ako', pero hindi niya ginawa at kunwari na lamang na umirap. Tumawa lang ito at ginulo ang kanyang buhok.

Tumalikod na ito at bumaba na sa hagdan.

"Cole," bigla niyang tawag dito. Tumigil ito sa paghakbang at nilingon siya.

"Ingat ka," wala sa sarili niyang habilin.

Matamis siya nitong nginitian.

"I will Jenny and again, I don't like Javier for you," anito at tuloy-tuloy na sa paglabas.

"I don't like him too, dahil ikaw ang gusto ko," bulong niya sa sarili.

Bumalik siya sa kanyang kuwarto at doon pinagmasdan ang papalayo nang kotse ni Cole. Nakagat niya ang kanyang labi, kasabay ang pagtulo ng kanyang mga luha.

Now she realized, iba ang nararamdaman niya kumpara sa mga na experience niya noon. This is not the first time that she fell in love but this was the first time that she was rejected kahit hindi pa man siya nagtatapat. Mahal nito ang yumaong asawa at ano nga ba ang laban niya kung ayaw ni Cole ang magpapasok ng iba sa buhay nito.

"Bakit ba gusto kita?" she whispered in the wind. 

SEÑORITA SERIES 3: JENNY (PUBLISH UNDER IMMAC PPH)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora