"Hey you okay?" ani Lucas na bakas ang paga-alala sa mukha.
Binigyan ko siya ngiti. "Yeah. Thank you, ha."

"You're shaking." anito at hinawakan ang kamay ko.
Ngayon ko lang din napansin na nanginginig pa din ako. Nang may dumaang waiter ay agad kong kinuha ang alak na dala nito at ininom ng diretso.

"Hey. Easy. Easy." pigil niya sa akin. Tinawanan ko lang siya.

"Pampakalma. Baka magdilim bigla paningin ko eh matadyakan ko siya." biro ko pero ramdam ko pa din ang malakas na tibok ng puso ko.

"Pampakalma ba 'kamo?" ani Lucas at ibinuka ang mga braso. "Oh yakap na sa guwapo. Libre to sa ngayon. Bukas, may bayad na ito." anito at kinindatan pa ako. Hindi ko napigilan ang mapangiti. Agad ko siyang niyakap ng mahigpit na ginantihan nito.

"Salamat talaga, pogi." Sinsero kong sabi.Naramdaman ko pa ang paghalik nito sa ulo ko. Buti na lang andyan siya para sa akin.

"I will always be here for you. I will not leave you. I promise." anito sa sinsero ding boses.

***
"Going once! Going twice! Alright! We got it sold to seat number 34, Mr. Bryant!" anang host nang mabenta ang isang antique painting sa halagang tatlong milyon.
Marami pang mamahaling gamit ang nabili at halos malula na ako sa presyo ng mga ito.

"Alright! The next item we have is the Raptalia diamond necklace from India. This 35.26 carat diamond necklace, has a pink marquise diamond attached to it. The smaller diamonds are set on 18 carats white gold chain of an adjustable length."

Literal na napatulala ako sa ganda ng kuwintas. Pakiramdam ko ay hinihipnotismo ako at tinatawag ng hugis luhang pendant nito. Sobrang ganda!

"Five million!" Napanganga ako sa laki agad ng bid. Nilingon ko ang matandang negosyante sa likodan namin.

"Five point five !" anang isa pa.

"Seven million!"

"Seven point two!"

"Seven point two million going once----"

"Ten million!"another guy shouted. Wala nang sumunod pa dito. Grabe. Ang mahal ng kwintas na iyon!

"Ten million going once! Going twice!"

"Twelve million!" nagulat ako sa katabi ko nang magsalita ito.

"Lucas..." nakanganga kong anas.

Binigyan ako ng ngiti nito at bumulong sa akin.

"Simula bukas, magdidildil na tayo sa asin."napatawa ako sa sinabi niya.

"Okay!Twelve million!Going once!Going----"

"Fifteen million!" marahas ang naging paglingon ko sa pamilyar na boses na iyon. Nagulat pa ako nang masalubong ko ang asul na mga mata nito.

"Seventeen million!" Napalingon din ako kay Lucas at pinandilatan siya.

"Twenty five!" sigaw naman ng hudas pero hindi ko na nilingon.

"Thirty million!" kalmadong sigaw ni Lucas. Nakarinig din ako ng pagsinghap sa mga katabi ko at nagsimula na ang bulungan. Kita rin ang galak sa mukha ng auctioner.

Inilapat nito ang bibig sa tenga ko at bumulong. "You like that one, don't you? "

Paano nito nalaman?

"Thirty five million!" ani pa ni hudas.

"Forty million!" nakangising sigaw ni Lucas.

"Lucas! Tama na! Hayaan mo na." saway ko sa kanya.

Alam kong maganda ang kwintas na iyon pero pakiramdam ko ay sobra sobra na ang halagang inilalabas niya.

"One hundred million!" Hindi ko na napigilan ang mapalingon sa lalaking iyon na mataman nakatingin din sa amin. Nakarinig din ako ng pagsinghap sa paligid at bulungan.

"One hundr----"agad ko nang tinakpan ang bibig ni Lucas para hindi na makapagsalita. Pilit nitong inaalis ang kamay ko.

"Wow! One hundred million! Going once! Going twice! Sold to Mr. Drake Larkins!" Ani ng host at masigabong palakpakan ang isinukli ng mga tao. Napailing ako.

Pero bigla ko na lang naramdaman ang mainit at basang bagay sa palad kong nakatakip sa bibig niya. At halos nanlaki ang mata ko nang mapagtanto ko kung ano iyon.

"Yuck! Yuck! Kadiri kang Lucifer ka!"ani ko habang pinapalo siya sa balikat niya. Agad kong pinunasan ng tissue ang palad kong dinilaan niya.

Humagalpak lang ito ng tawa at hawak pa ang tiyan nito na ikinalisik ko ng mata sa kanya. Ramdam ko ang paglingon ng iba sa gawi namin.

Nagpatuloy ang bidding pero hindi na ako nakatiis at tumayo na ako para magpunta ng restroom dahil sa kababuyan niya. Akma itong tatayo para samahan ako pero pinigilan ko siya.

"Huwag ka nang sumama at baka mabulungan ako ng demonyo at lunudin kita sa inidoro." Asik ko sa kanya. Ngumisi lang ito.

Mabilis akong nakarating sa restroom at maiging hinugasan ang mga kamay ko. Matapos ay nagbanyo at nagre-touch din ako ng kaunti. Hinila ko pa pababa ang damit ko para lumitaw ang cleavage ko.

Matapos makuntento sa hitsura ko ay naglakad na ako pabalik kay Lucas. Pero halos pangapusan ako ng hininga at tangkang sisigaw nang may biglang humila at tumakip sa bibig ko. Napakabilis nitong kumilos at hinila ako sa tagong bahagi. Agad nito akong isinandal sa dingding.

"Hi kitten." Anito habang nagbabaga ang asul na mga mata habang ang sa akin ay nanlalaki sa pagkagulat. "Miss me?Talagang pinagseselos mo ako ha." anito. Inalis nito ang takip sa bibig ko.

"What the hell, you asshole-----umph!" hindi na magawang lumabas ng pagprotesta ko dahil kinuyumos na niya ako ng halik. Ramdam ko ang gigil at pananabik duon.

Pilit ko siyang tinutulak pero mahigpit niyang nahawakan ang mga kamay ko at eksperto nitong ipinasok ang dila sa bibig ko at ginalugad iyon. Hinuli din nito ang dila ko at pilit na nakikipaglaro duon gamit ang kanyang dila. Ginigitgit din niya ako sa dingding.

"Damn baby, I missed you." he said between his kisses. Ikinawit ko ang braso ko sa batok niya.

"Hubby. Wait lang." anas ko nang makaiwas sa halik niya at hinawakan ko pa ito sa pisngi. Parang nabigla ito sa ginawa ko at bahagyang niluwagan ang hawak sa akin at pinakatitigan ako. Tinitigan ko din ang mga mata niyang puno ng pag asam. Matamis akong ngumiti sa kanya.

At hindi niya napaghandaan ang pag-angat ng mga tuhod ko sa gitna niya at napamura ito nang sunud sunod. Napalayo ito sa akin at napatalun talon pa ito sa sakit.

"Shit! shit! "

"Ohh, poor hubby. Kawawa ka naman." wika ko habang puno ng sarkasmo ang boses. Nilapitan ko ito habang sapo nito ang gitna nito. "Ewan ko lang kung buo pa yan. Dalawang beses na eh. Scrambled na yan for sure. " at tinapik tapik ko pa ito sa namumulang pisngi. "Bye hubby. See you around." and I flipped my hair and walked away.

"Alyanna!!!!!" narinig ko na lang na sigaw nito habang papalayo ako.

************************************
A/N: Next update will be next week.

Taming My Ruthless Husband (Revised) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon