Simula noon ay nakilala na si Yanna Ignacio, isang papasikat pa lang na starlet. Ang masama, maldita at malanding kontrabida na nagpapahirap lagi sa bida. Walang nakakaalam na kapatid ako ng isang real state mogul na si Cedrick Hutkinson. Ayaw ko din naman na makalkal ang pribado niyang buhay.

Alam kong marami ang namumuhi at gigil na gigil sa akin. Nakakalimutang isa lamang akong artista na ginagampanan ang papel ng kontrabida. Lagi din kaming nai-issue ni Vanessa na magka-away. Hindi nila alam na magka-ut utang dila kami palagi ng babaeng ito. Dahil kung anung kinaganda at kinaamo ng mukha nitong parang sa anghel na di makabasag pinggan ay siya namang kinataklesa at chismosa nito.

"Mars, alam mo ba." bulong nito at alam kong bagong chismis na naman ito tungkol sa ibang artista. At naghagikhikan kami sa pinagku-kwentuhan.

"Hello ladies. You two did a fantastic job!" ani Zendo o si Anton sa teleserye at sabay kaming inakbayan ng matipuno at nagpuputukang muscles sa braso. Matangkad din ito at may pinong balbas pa na lalong nagpapatingkad sa angking karisma.

"Halikan kita maya sa labi ha." aniko na nang-aasar. Sinamaan lang ako ng tingin nito at umirap. Wala naman kasi itong magagawa kahit ayaw nya. "Kiss with dila." ani Vanessa at nag-apir pa kami. Nanghihilakbot na binitiwan kami ni Zendo.

"Wala sa script yun!" singhal nito. "Kukurutin ko nang pino yang mga singit nyo. "

Nagkatinginan kami ni Van. "Sure!" panabay naming sabi. "Kahit sa pepe pa." dagdag pa ni Van at nagtawanan kami nang mag walk-out ito.

Closeta ito at maraming mga babaeng fans ang humaling na humaling dito. Sino bang hindi. Taglay nito ang kakisigan ng isang matinee idol. May biloy pa ito sa kanang pisngi. Malas nya lang at kami ni Van ang nakaalam ng lihim niya. Asar talo palagi ito sa amin. Pero wala naman kaming balak na ibunyag ang sikreto nito. Dahil wala kaming karapatan at respeto na lang sa tao. Because like him, there are also chapters of our lives that we don't want others to know.

Tatlong taon na ang matuling lumipas. Tatlong taon simula nang tuluyan na akong magising sa kabaliwan. Hindi ko pa rin lubos maisip kung bakit hinayaan kong abusuhin at paglarauan ako. Na tapak tapakan ang aking pagkatao. Nasusuka ako kapag naiisip ko kung gaano ako katanga. But I already learned my lesson. Indeed, some lessons in life are learned the hardest way.

"Aly..." napatunghay ako sa baritonong boses na tumawag sa akin. Sumalubong sa akin ang sobrang itim niyang mga mata at nakangising mukha na nagbabadya ng kapilyohan.
Binigyan ko siya ng ngiti at tumayo para yakapin siya. Niyakap din ako nito nang maghigpit.

"Lucas, namiss kita." aniko. Ilang araw ito sa Malaysia at ngayon lang umuwi. Sinundo ko ito sa airport.

"Tumataba ka yata. Hindi ka na magkasya sa mga braso ko." anito.

Agad akong kumalas sa pagkakayap sa kanya at kinurot siya sa kanyang tiyan.

"Ouch! My abs!" anito habang hinihimas ang tiyan. Nakikita ko ang dating ugali ni kuya sa kanya. Si kuya kasi, medyo seryoso na ngayon sa buhay.

"Just kidding. You'll always be the sexiest and most beautiful in my eyes." anitong seryoso akong tinititigan. I rolled my eyes at him. Alam ko naman na may kailangan ito sa akin kaya nambobola.

"Anong oras ba tayo at saan?" tanong ko. At ang seryosong mukha nito ay naging maloko na naman.

"Alam na alam mo ah. "

"Alam na alam ko na yang mga karakas mo, 'no." ngumisi ito at inakbayan ako nito habang naglalakad kami. Kung matatawag bang akbay ang ginagawa niya dahil nakapaikot ang mabigat nitong braso sa leeg ko.

"Golden Patriot. Charity ball iyon. Sunduin kita. Sa September 30 pa naman. " Matagal tagal pa naman iyon. Gustung gusto kasi nitong hinihila ako sa mga party at hindi rin kasi ako nito titigilan hanggat di ako pumapayag. Parang bata pero hindi ko ito matanggihan. Bukod sa malaki ang utang na loob ko sa kanya, ay naging matalik na kaibigan ko na din talaga ito. Siya din ang naging daan para makapasok ako sa pag-a-artista.

Taming My Ruthless Husband (Revised) Where stories live. Discover now