Chapter 8 - Guys in The Park

Start from the beginning
                                    

Galit nalang ang nararamdaman mo sa kanya. Ganon siguro talaga. Wala naman kasing taong niloko ang hindi nagalit di ba? Pareho lang po tayong tao. Alam kong naiintindihan nyo din ako. 


Dumiretso nalang akong maglakad kahit medyo galit pa rin ako. Galit pala talaga ako. Kahit papano gusto ko magpasalamat sa kanya kasi naging mas malakas pa ko. 

Mas lalo ko ng kayang harapin lahat ng problema ko. 


*** 

Natapos ang klase sa buong araw namin. 12:30 ang uwian namin kaya may oras pa ko para mag apply ng trabaho. 


Nagpunta ako sa mga canteen malapit sa university para mag aaply. Inabot na ko ng alas kwatro pero wala pa rin akong napapasukan. Sinasabi lang nila na tatawagan nalag nila ko, ayaw nalang diretsohin na hindi ako tanggap. Gusto nila magpapaasa pa. Alam nyo way lang yun ng hospitality, pero paasa rin yun sa mga aplikanteng katulad ko. Ayaw nalang sabihin, ano yun pakitang tao? May CCTV ba?

Dahil wala pa kong nahahanap ng part time job, umupo muna ko sa bench sa park para magpahinga. 

Pinapanood ko yung mga nagbabasketball. Naalala ko dati yung mga time na nagchecheer ako kay Brix. Kasi Varsity player sya e. Ako yata yung pinakamalakas sumigaw para sa kanya. Tapos pag nananalo sila, sa'kin pinapasuot yung medal nya kasi para sa'kin daw yun. Yung 2 years naming relasyon natapos lang sa isang saglit. Nakakahinayang talaga. Hindi ko naman kasalanan na nangyayari sa'kin to. Pero sya yung unang sumuko saming dalawa. 


Naalala ko din yung 1st aniversary namin. Nandun ako sa corridor ng 2nd floor tapos sya kumakanta sa baba. Para syang tanga pero sweet. Madali syang magpakilig ng babae, lalo na sa'kin. Pero wala na yun. Kailangan ko ng masanay na mag isa. Kailangan ko ng masanay na wala na sya. 


Tanggap ko naman na e. Madali na sa'kin ang lahat. Hindi na ko masyadong apektado sa ginawa nya. Hindi na ko umaasa na babalik sya. Hindi na ko umaasa na mahal nya pa ako. Hinding hindi na.

Maya maya, napansin kong nakaharap sa'kin yung mga naglalaro ng basketball. Unti unti din silang naglakad papunta sa'kin. Medyo natatakot na din ako sa pwedeng mangyari. Ayoko ng mangyari yung dati. 


Tatakbo na sana ako pero agad akong hinawakan ng lalake galing sa likod ko. Nakahood sya, tapos nakalagay yung isa nyang kamay sa bulsa nya kaso hindi ko sya kilala. Pero sobrang seryoso yung mukha nya. 


" Dito ka lang. " 


Sabi ng lalakeng nakahawak ngayon sa braso ko. Yung boses nya parang ang tigas tapos pakiramdam mo safe ka sa tabi nya, parang ganon. Hindi sya nakakatakot gaya ng mga lalakeng nagbabasketball pero iba yung tingin nya sa mga yun. 


" Diero, balato mo na sa'min yan " - guy 1 


Diero? Kakaibang pangalan ah. Pero tahimik lang yung lalake. Nakatingin lang sya ng diretso gamit ang mapupungay nyang mga mata na may makapal ng pilik mata. 


" Uy pare, sa'min nalang yan. Diba iyo na yung mga chikababes dun sa bar nung isang gabi? Baka pwede naman. " - guy 2 

" Kaya nga. " - guy 3

Aba! Mas malala pa pala to sa player e. Daming chicks. Tss. 


Inalis ko yung kamay ko dun sa pagkakahawak ng lalake. Medyo nagulat sya sa ginawa ko. E sa ayokong mabilang sa mga chicks nya e. May magagawa ba sya? Saka hindi kami magkakilala. 


" Oh, pare, ayaw sa'yo?? HAHAHA !! First Time yan ah. " - guy 1 

" HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!!! XD " - silang lahat


*BBBBBOOOOOOOGGGGGGSSSSSHHHHHH!!!!!!!* 


Nagulat kaming lahat sa pagbagsak ng isa nilang kasamahan. Hindi ko alam na gagawin nya talaga yun. Mukha syang mabait pero seryoso. 


" Wag mo kong tawaging pare, kasi hindi ko inaanak yung anak mo. Tss. Inyo na lahat ng babae sa bar, basta wag nyong gagalawin o kakantiin man lang yung babaeng to. " - Diero 


H-ha?? Ano daw?? AKO? Teka, hindi naman kami magkakilala ah. Pano?? Baka ginagawa na kong assuming nito wah. 


" Sorry. Sige alis na kami. Uy pare, tayo na dali.. Tara na! " - guy 2 


Umalis na sila kasama yung lalakeng dugo ang ilong. Nakakatakot pala sya mainis. Creepy.

Pagkaalis ng mga lalake. Haharap na sana ako sa lalakeng nakahood pero nakita ko sya naglalakad na paalis. Ayoko syang sundan nu? Pero nagpapasalamat ako sa kanya. May utang na loob na ko sa kanya. 

Umuwi na ako sa bahay, pero hindi ko muna kinuha si Kino kila tita. Mag aaral pa kasi ako e. Saka madami pa kong aasikasuhin na project. 

Pagkakuha ko sa libro ko sa bag, biglang may nalaglag. 


Yung sulat pala. 


******************** 

Read. Like. Vote. Comment. ^^

A Story of a Rape Victim [EDITING]Where stories live. Discover now