Chapter 3 - The Rain

Start from the beginning
                                    

"Ah, hindi. Wala kaming teacher ngayon. 2nd subject pa."

"Ganon ba. Pareho pala tayo eh. Bilisan mo na, kain muna tayo sa canteen," nakangiting wika ni Greg.

Pareho lang kami ng course at pareho din kami ng block kaso iba ng schedule. 

Natutuwa talaga ako kay Greg kasi kahit madami ng masasamang balita tungkol sa'kin, patuloy pa rin siyang nakikipagkaibigan sa'kin. Hindi man niya ko madamayan dahil busy sya, sinusubukan niya pa ring maging close kami. 

"Sige, bibilisan ko magbihis para makakain pa tayo," nakangiti ko ring wika.

Kaya nagpunta na 'ko sa girls' CR. Habang nasa cubicle ako, may narinig akong naglalakad papasok din ng CR. Kaso nag-uusap muna sila. Magsasalamin lang siguro. 

"Is that true na si Brix pa rin at Cera?" tanong ni girl 1.

"Yeah! Ewan ko nga kay Brix eh. Pwede naman kasing humanap nalang siya ng virgin kesa laspag! Hahaha! " sabi ni girl 2.

"True! Hahaha!" tawa ni girl 1.

Tapos lumabas na sila. Ang sakit pala marinig 'yung mga chismis nila dito sa CR. Dapat pala hindi ko na panakinggan yung sinasabi nila. 

Naiinis ako sa sarili ko kasi lagi nalang akong umiiyak sa mga sinasabi nila. Kung pwede lang burahin lahat ng 'yun, dati ko pa ginawa.

Delubyo tong nangyayari sa'kin e. Sana matapos na. 

*tok* *tok* *tok* 

"Cera, ang tagal mo naman."

Si Greg. Naghihintay pala siya sa labas ng CR. Buti pa siya. 

"Sandali nalang, tapos na 'ko," sabi ko.

Paglabas ko ng cubicle. Humarap muna 'ko sandali sa salamin sa cr. Inayos ko muna yung sarili ko. Ayoko magmukhang iyakin. 

Lumabas na rin ako ng cr. 

"Tara na?" yaya ni Greg.

"Balik ko muna 'yung damit ko kanina sa locker ko ha. Para mamaya makuha ko na," paalam ko.

"Ganon ba? Sige, samahan na kita," presenta ni Greg.

Habang naglalakad kami ni Greg, halos lahat ng tao nakatingin sa'min. 

"Sl*t talaga yung babae na yan." 

"Such a b*tch!"

"Tss. She'll always be a trash. Hahaha!"

"A trash of a trash to be EXACT! Hahaha."

"Poor princess. Tsk!"

"Dump by jerk!"

"Disgrasyada."

"Nagsagasaan ng. . ."

Ang sakit pa rin talaga nila magsalita sa'kin. Hindi ba sila nagsasawa? Lagi ba dapat na may sinasabi tungkol sa iba? Stabbers. 

"'Wag mo silang pansinin," sabi ni Greg.

"Sanay na 'ko. Dapat hindi na 'ko maapektuhan," wika ko.

"Think positive lang."

"Ganito pala ginagawa mo sa likod ko," sabi ng isang pamilyar na boses

Si Brix. Andito pala siya. Hindi ko inaasahan na pupunta siya sa locker ko. Siya kaya nagpadala ng sulat? 

"Brix, anong ginagawa mo dito?" tanong ko.

"Ako dapat magtanong sa'yo nyan. Anong ginagawa NIYO dito?" balik na tanong ni Brix.

Seryoso lang 'yung mukha ni Brix habang nakikipag-usap sa'kin. Alam kong nagagalit siya at nagseselos kasi may kasama akong iba. Pero wala naman akong ginagawang masama eh. 

"Pare, wala kaming ginagawang masama," sabi ni Greg.

"'Wag mo kong tinatawag na pare kasi hindi tayo close," saad ni Brix.

"Tama na. 'Wag na kayong mag-away please?" pakiusap ko.

"Umayos kayo. Kung maglalandian kayo, 'wag sa school, okay?" sabi ni Brix.

"Hindi kami naglalandian. At pwede ba? 'Wag ka na mag-iskandalo dito?" wika ko.

"Palalagpasin ko 'to. Mag-uusap tayo mamaya," sabi ni Brix.

Tapos umalis na si Brix. Seryoso 'yung mukha nya. Galit, selos, inis at pagdududa. Alam kong 'yan ang nararamdaman niya.

"Sorry, Greg, ha," sabi ko.

"No. Sorry kasi nagalit sa'yo 'yung boyfriend mo dahil sa'kin," sabi ni Greg.

"Kasalanan ko naman e." 

"'Wag mo na ngang sisihin sarili mo pwede ba? Wala kang kasalanan."

"Okay, sige una na 'ko. May klase pa 'ko eh. Next time nalang tayo kumain," sabi ko.

"Sige, may klase na rin kami." 

"Okay." 

Tapos umalis na kami. Yung sulat, inilagay ko muna sa bag ko. Ngayon alam ko na hindi talaga yun galing kay Brix kasi ngayon lang siya nagpunta sa locker ko. 

Pagkatapos ng buong klase namin ay inantay ko muna si Brix sa back gate. May kotse kasi siya kaya lagi niya 'kong hinahatid pauwi. Saka dapat kaming mag-usap kasi ayokong matapos ang araw na 'to ng magkagalit kami o may galit siya sa'kin. 

Pagdating niya ay agad niya kong niyakap. 

Nagulat din ako sa ginawa niya. Ewan ko ba kung bakit niya ko niyakap. Parang may mali. 

"Sorry," sabi ni Brix.

Ngayon alam ko na kung bakit. Dahil sa iskandalo kanina kaya siya ganito ngayon. Tss. Mga lalake talaga. 

**************

VOTE. VOTE.VOTE. :)

Edited by: Synnova

A Story of a Rape Victim [EDITING]Where stories live. Discover now