Chapter 1 - The Nightmare

14.3K 210 29
                                    

*********************

"TAMA NA!! MAAWA PO KAYO!! HUHUHUHU!! TAMA NA PO!! *huk* MAAWA NA PO KAYO SA'KIN!! *huk* TAMA NAAAAAAAAAAAAAAAAAA!!!!!!!!!" 

************ 

Cera's POV 

Nagising ako ng punong puno ng pawis ang katawan ko. May aircon naman yung kwarto ko pero dahil sa masama kong panaginip, hindi ko pa rin maiwasan na pagpawisan dahil sa sobrang takot. 

Binangungot nanaman pala ako. Pero buti nalang hindi nagising baby ko dahil sa lakas ng sigaw ko. Opo, may anak na 'ko. 5 month-old baby boy. 18 years old lang po ako. Alam ko pong ang bata ko pa po para magkaanak pero hindi ko naman ginusto yun eh. Hindi lang si baby ang biktima, ako rin. 

Ako si Cera Woo. 1st year college sa Green Ville University. BS Accountacy po ang kurso ko. At isang Student Council officer. 

Biglang may kumakatok sa pinto. Kilala ko kung sino 'yun. Kaya hindi na 'ko nag abala na buksan ang pinto. 

"Anak, ok ka lang?"

Si mama. 

"Opo, ma. Ok lang po ako. Wag na po kayong mag alala," sagot ko.

"Sige, matulog ka na ah," sabi nya sa likod ng pinto.

"Opo, matutulog na po," sagot ko ulit.

Alas-tres palang kasi ng madaling araw kaya medyo kulang pa 'ko sa tulog. Kaya natulog na 'ko ulit. 

****** 

Pagdating ng kinabukasan, maagang nagising si mama.

"Anak, bangon na. Umaga na. May pasok ka pa, baka malate ka nyan," sabi nya. Kahit nakapikit pa 'ko, alam kong siya na 'yun. Maaga kasi siyang nagigising para pumasok sa opisina.

Nagtataka siguro kayo kung sino nag-aalaga sa anak ko. Syempre ako at si Jynn, pinsan ko. Siya yung hindi nang iwan sa'kin kahit anong mangyare. Tapos pag uwi ko, ako naman mag aalaga kay baby ko. 5 hours lang kasi klase ko tuwing may pasok ako. Tapos 5 days a week lang ang pasok kaya madami kaming oras na magkasama ng baby ko. Ang pangalan ng baby ko ay Kino. :) 

"Hmmmm...... Opo, ma. Si Kino po pakainin nyo muna po. Gagayak muna ko," sagot ko naman.

"Tapos na kong magpakain ng anak mo. 7 na kaya," sabi nya ulit.

"PO???" gulat kong sagot.

Malapit na pala akong malate. Tsk! Kaya dali dali akong gumyak at kumain. Nagpunta na din dito si Jynn para alagaan yung anak ko.

"Good Morning insan!" bati sakin ni Jynn.

"Good morning din. Ikaw muna ulit bahala sa anak ko wah," bati ko rin sa kanya.

"Oo naman. Wala naman kasi akong ginagawa eh. Sige na lumarga ka na, male-late kana eh."

"Sige, bye!" paalam ko sa kanya.

"Anak, hatid na kita," sabi ni mama.

"Wag na po, baka pati ikaw ma-late din e," sagot ko sa kanya.

"Hindi 'yan, may sasakyan naman e. Kaya ihahatid na kita. Mauna ka ng lumabas. Ilalabas ko pa yung sasakyan sa garahe,"

"Sige po. Ba-bye baby. Pakabait ka kay tita ah. I love you!" sabi ko kay Kino kahit hindi nya pa ko naiintindihan tapos ay hinalikan ko siya sa pisngi.

"Wow! Male-late na nga, sweet pa rin," sabi Jynn sakin.

"Hahaha.... Yaan mo na. Sige, ingat din kayo ah," sagot ko sa kanya.

A Story of a Rape Victim [EDITING]Where stories live. Discover now