Chapter 13

30.3K 552 11
                                    


BLAIRE LEE-VILLANUEVA's POV

"Mommy! Dalian mo po!", masayang sabi ni Love habang hinihila ako papuntang parking lot.

Dalawang araw na rin ang lumipas ng maghalikan kami ni Adrian sa harapan ng kambal. Dalawang araw na rin akong naiilang sa presensiya at mga tingin niya sa akin. Nahihiya kasi ako.Promise. Hindi ko alam kung anong pumasok sa kukote ko at ginantihan ko siya ng gano'n.

Hay......

"Mommy are you ok?", kunot noong tanong naman ni Hope habang hawak ang isang kamay ko.

Huminto pala ako sa paglalakad.

Ano ba iyan? Bakit hindi ko makalimutan iyong halik ni Adrian?Nginitian ko naman ang kambal.

"I'm fine Hope", nakangiting sagot ko. "Tara na at baka naiinip na si daddy niyo sa sasakyan", aya ko sa mga ito.

Nasa school nila kami at sinundo sila para kumain sa labas. Mula nang mangyari iyong insedente ng pagtanggal kina Love at Hope sa program ng school napansin kong naging priority na ni Adrian ang kambal. Ewan ko ba kung bakit masaya ako kapag magkakasama kaming nagba bonding.

Promise, ang weird kona!

"Daddy!", masayang sigaw ng kambal at patakbo pang sinalubong ang ama nila na prenteng nakasandal sa itim na kotse nito.

Nakangiting sinalubong naman nito ang mga bata at sabay na binuhat.Iyong mga muscles niya tuloy, bumabakat sa suot niyang office suit. Naka office suit din ako dahil galing kaming pareho sa trabaho.

Sinundo niya ako ngunit sa parking lot ko nalang siya pinaghintay dahil gusto kong sulitin ang pagiging tahimik ng buhay trabaho ko bago ma-i- announce sa madla na kasal na kami.

"Hey, you're spacing out. Put your seatbelt", puna sa akin ni Adrian.

Nakasakay na pala kami sa kotse hindi ko napansin.Nasa passenger seat ako at nasa likod ang kambal na prente ng nakaupo. Si Adrian ang magdadrive.

"Tsk! Ako na nga!", parang nauubusan ng pasensiyang sabi nito sabay lapit sa akin.

Iyong mukha niya sobrang lapit. Nararamdaman ko iyong mainit niyang hininga , ang bango sobra. Napaiwas naman ako ng tingin ng bigla niya akong tingalain.

"You have nice boobs", nakangising bulong nito sa teinga ko bago umayos ng upo at inistart ang kotse.

Nag init bigla ang pisngi ko habang nanlalaki ang mga mata kong napatingin sa kanya.Kaya pala nagprisintang ilagay iyong seatbelt ko iba iyong tinitignan niya!

Pervert!!!

"Bastos!", gigil na sabi ko rito.Humalakhak lang ito. Bago nilingon ang mga bata.

"Kids oh, inaaway ako ni mommy niyo", tila batang sumbong nito sa kambal.

Napatingin naman sa akin ang dalawa na parang nagtatanong.Lihim naman akong napangisi ng may pumasok na idea sa isip ko.

"Were not fighting kids, naglalambingan lang kami ni daddy. Di ba daddy?", nakangiting sabi ko sabay patong ng isang kamay ko sa hita nito at pasimpleng kinurot iyon.

Iyong manipis na kurot para ramdam na ramdam niya. Napangisi ako ng bigla itong ngumiwi.

"Aw!", reklamo nito ng diniinan ko ang kurot dahil hindi ito sumagot sa sinabi ko. "He.he.he. ye-yes! Nag-naglalambingan la- lang ka-mi ni ni mommy niyo", utal utal na sagot nito habang pilit na nakangiti.

Ngumiti rin ako.

Ngiting tagumpay!

Nagtanggal ako ng seatbelt at lumapit sa kanya.

Now Hiring:MOMMY?![COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon