Chapter 11

78.4K 1.4K 5
                                    

BLAIRE LEE-VILLANUEVA's POV

Kinabukasan....

"Bhebs, pababa nalang ako sa school ng mga bata", -ako habang nakatingin sa labas ng sasakyan.

Off ko ngayon at pupunta kami ni Adrian sa school ng mga bata para kausapin ang teacher at iyong ina na pumalo sa baby Hope namin. Si Amilliana ang nagdadrive at nasa passenger seat ako. Coding kasi ng sasakyan ko kaya hindi ko nadala.

"Sure. Kayo ng bahala doon sa babaeng pumalo kay Hope! Kung wala lang talaga akong appointment sa mayabang mong kapatid sasama talaga ako! Sasabunutan ko talaga ang babaeng iyon!", gigil na sabi ni Amilliana.

"Oo naman bhebs! Hinding hindi ko iyon mapapatawad!", inis din na sagot ko.

Ok lang sana kung pinagsabihan lang lalo na kung may ginawa talaga ang bata. Ngunit iyong dadapo iyong kamay mo sa anak ng iba dahil lang sa sumbong ng sarili mong anak is a big NO! Dahil iba iba ang pamamaraan ng pagdidisiplina ng bawat magulang.

"Mas kawawa iyon kay kuya, masama magalit iyon lalo na pagdating sa kambal, wala iyong patawad. Naalala ko pa ng naghire siya ng hindi kababayan natin na Nanny ng kambal at nahuli niyang sinisigawan niya si Love. Sa sobrang galit ni kuya pinalayas niya iyon at pina deport", si bhebs ulit.

Tumingin lang ako sa kanya na busy sa pagmamaneho habang nakakunot noo. Nacurious tuloy ako.

"Pa'no ba magalit ang isang Adrian James Villanueva?", tanong ko.

Nakangiting sinulyapan lang niya ako bago sumagot."He's Ruthless and Heartless", sagot nito. Natahimik naman ako. He is? I just saw how bossy and ungentleman Adrian is ngunit hindi ang pagiging ruthless niya. Plus pala pagiging suplado niya!

Ilang minuto lang ay nasa school na kami. Nagpaalam na ako kay bhebs Amilliana dahil may pupuntahan din ito at hinatid lang talaga ako. Inayos ko muna ang suot kong itim na dress na hanggang tuhod at may maiksing manggas. Naka two inches black heels din ako.

Muntik pa akong mapatili ng biglang may umakbay sa akin."Kanina kapa?", nakangiting tanong

nito.

Napatingin naman ako sa gwapong mukha ni Adrian.Oo.Si Adrian nga.Naka office suit ito na kulay black. Bakit parang good mood ito?At take note nakangiti pa siya.

"Hindi naman. Tara na at baka kanina pa naghihintay ang mga iyon", aya ko sa kanya at pasimpleng tinanggal ko ang kamay niya na naka akbay sa'kin.

Naiilang pa rin talaga ako kapag dumidikit siya ng ganito sa akin. Sumunod naman ito. Dumiretso kami sa classroom ng mga bata. Kumatok naman ito at lumingon ang teacher na natulala sa nakikita. Sobrang gwapo kasi ng mokong.

"Daddy!", masayang sigaw ni Love at patakbong lumapit kay Adrian kasunod si Hope.

"You're here", hindi makapaniwalang sabi ni Hope sa ama habang nakatingala.

First time ba sumipot ni Adrian everytime na nagpapromise siya sa kambal na pupunta siya at ganito nalang kagulat ang mga anak niya?

"Of course kiddo!", nakangiting sagot ni Adrian at ginulo pa ang buhok ni Hope.

"Mommy! You're here too?!", sigaw ulit ni Love ng makita ako. Nanlalaki pa ang mga mata nito ganoon din si Hope. Nginitian ko naman sila bago lumapit.

"I think so?", nakangiting biro ko sa mga ito.

"Mr. and Mrs. Villanueva", tawag ng teacher nila at lumapit sa amin.Biglang naging seryoso ang hitsura ni Adrian. Napaatras pa nga iyong teacher. Kahit ako natakot sa hitsura niya. "Ahm wait for a second Mr. Villanueva at tatawagin ko lang po iyong mommy ni Steven", mabilis na paalam noong teacher at agad na lumabas ng classroom.

Now Hiring:MOMMY?![COMPLETED]Where stories live. Discover now