Chapter 9

76.6K 1.3K 15
  • इन्हें समर्पित: maemaetot15
                                    

Blaire Lee Villanueva's POV

Nasa opisina ako ngayon habang nakatitig sa hawak kong marriage certificate na ipinadala sa akin ni Adrian kaninang umaga. May kasama pa itong wedding ring! Napairap pa ako ng maalala ang nangyari kahapon. Buwisit na iyon! Buti nalang talaga at sa ibang branch ako ng kumpanya niya na destino kung hindi katakot takot na irap ang makukuha niya sa akin everytime na magkikita kami.

"Blaire heto na iyong mga papel na pinapaayos ni Manager", nakangiting sabi ni Mark katrabaho ko at ipinatong pa nito sa lamesa ang maraming folder.

"Salamat Mark", nakangiting sagot ko rito at pasimpleng itinago ang mga hawak ko.

"By the way sumabay ka sa amin mag lunch mamaya ha? Libre ko, pa birthday ko kahapon. Off mo kaya ngayon nalang kita ililibre", nakangiting sabi pa nito.

"Ui Belated happy birthday!", nakangiting sabi ko. "Ayos lang bang magpalibre sa iyo? Kabago bago ko lang sa company", nakangiting biro ko pa rito.

"Oo naman! Tsaka huwag kang mag alala makakasama rin natin iyong dalawang kaibigan ko at ipapakilala kita sa kanila", nakangiting sagot naman ni Mark.

"Okay then, hindi na ako tatanggi at libre iyon", biro ko.

Tumawa naman siya bago nagpaalam at tuluyang makaalis sa table ko. Napatingin pa ako sa may gilid ko ng sumilip si Paola."Ay naku sis! Mag ingat ka riyan kay Mark at super duper playboy iyan!", babala pa nito sa akin.Kasing edad ko lang ito at siya ang pinaka unang naging close ko dahil nga may pagkamadaldal ito.

"Halata naman sa kanya", nakangiting sagot ko. "At hindi ako interesado", dagdag ko pa bago tinignan isa isa ang mga folder.

"Talaga? Bakit pumapayag ka kapag inaaya ka niya mag lunch tulad kanina?", nakataas pa ang isang kilay nitong tanong sa akin.

Tumawa naman ako bago pasimpleng isinuot ang singsing na binigay ni Adrian sa palasingsingan ko. Mahirap na at baka I chismis pa ako nitong si Paola at makarating kay Adrian. Wala akong ipambabayad na isang milyon dahil for sure hindi iyon makikinig sa paliwanag ko.

"Ang rude naman kasi kapag inaya ka tapos tatanggihan mo nalang lagi? Tsaka I'm already married kaya never kong papatulan iyang si Mark", nakangiting sagot ko sabay taas sa kamay kong may singsing.

Nanlaki naman ang mga mata ni Paola at mabilis na lumapit sa akin. "Ui! Tunay na diamond ba iyan?", hindi makapaniwalang tanong nito. Lihim pa akong napangiwi ng maalalang tunay na diamond nga pala ang bato sa singsing.

"Ay hindi siguro no? Kasi kung ganyan kayaman ang Mister mo ay hindi kana magtatrabaho pa", dagdag pa nito bago binitawan ang kamay ko. Ngumiti nalang ako para matapos na ito. Laking pasalamat ko rin at dumating ang head ng department namin kaya agad na bumalik si Paola sa puwesto nito. Ako naman ay ginawa na ang mga dapat gawin.

Malaki ang pasasalamat ko at binigyan ako ng trabaho ni Adrian dahil ayoko nag e stay sa bahay dahil panay ang tanong sa akin ni kuya Michi ng kung anu ano. Makilatis talaga ang isang iyon!

Bago mag alas dose ay nasa table ko na si Mark at dalawa nitong kaibigan na sinabi nito kanina. Isang babae at isang lalake. "Hey Blaire! Let's go!", nakangiting aya nito sa akin pagkalapit.

Palihim pa akong umirap dahil sa tono ng pag aaya nito sa akin. Ayoko talaga sa mga mayayabang kaya nga asar na asar ako kay Adrian! Nairita na naman ako ng maalala ang lalaking iyon!

Iniligpit ko muna ang mga gamit ko bago dinampot ang shoulder bag. "By the way Blaire these are my friends Eric and Queen guys, si Blaire bagong empleyado", hindi pa nakaligtas sa paningin ko ang pag ngisi ng mga kaibigan nito.

Now Hiring:MOMMY?![COMPLETED]जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें