Chapter 22

65.6K 1.2K 9
                                    

Blaire Lee- Villanueva's POV

"Hey, you alright?", may pag aalalang tanong ni Adrian at hinawakan pa nito ang isang kamay kong nakapatong sa isang hita ko.

Nagbabiyahe na kami pabalik ng hacienda. Alas singko na ng hapon at ngayon palang kami uuwi. Masiyado kasing na mis ng kambal si Uncle Sam ganoon din naman ang huli.

Kailangan kong makausap si kuya Michi dahil siya lang ang makakatulong sa akin! Hindi ko man maalala ang buong pagkatao ko pero sigurado ako na hindi maganda iyon! Kailangan kong makapag imbestiga para malinawan na ako!

Pilit na nginitian ko naman si Adrian."Oo naman!", pilit kong pinasigla ang boses ko para hindi ito makahalata.I need to think first kung paano ako makakakuha ng buong picture ng mga De Guzman.

"Kanina ka pa kasi walang kibo mula ng umalis tayo kina Uncle Sam", puna ulit nito habang sa dinadaanan namin ang atensiyon.

Tinanggal na nito ang pagkakahawak sa kamay ko. Sinulyapan ko naman ang kambal na tahimik ng natutulog sa backseat habang nakaseat belt at nakasandig ang ulo sa isa't isa. Ang cute nilang tignan.

"Wala ito! Napagod lang ako", pilit na ngiting sagot ko. "Ano nga palang plano natin para bukas?" pag iiba ko ng topic namin.

Nakangiting humarap pa ako sa kanya. Sinulyapan pa niya ako bago nakangiting binalik ang atensiyon nito sa kalsada.

"May meeting ako bukas. Nagka emergency kasi sa isang branch ng hotel ko rito kaya e tsi check ko muna. Tapos ang kambal dadalhin nina Nanay Lorna sa isang amusement park", sagot naman nito.

Napasimangot naman ako. Ano ba iyan? Hindi ako kasali sa plano niya.

"So, maiiwanan pala ako sa bahay bukas?", nakasimangot na sabi ko at umayos na ng upo.Naramdaman ko naman ang pagsulyap nito sa akin.

"Kung gusto mo sumama ka nalang kina nanay Lorna para hindi ka mainip sa bahay", suggestion nito.

Lalo lang akong napasimangot. Hindi naman kasi ako mahilig sa mga amusement park. Kahit na noong bata ako ayaw na ayaw ko kapag dinadala ako ng parents ko sa mga amusement park.

"Hindi ako mahilig sa mga gano'n", nakasimangot pa ding sagot ko.

"Sumama kanalang sa akin", wika nito.Napatingin naman ako sa kanya na seryoso sa pagmamaneho.

"Sa meeting mo? Lalo lang akong maiinip doon", nakangusong sagot ko.

Tinawanan naman niya ako."Don't worry saglit lang iyon. Mga 15 to 30 minutes lang. Tapos puntahan nalang natin ang mga bata noon", nakangiting sagot nito sa akin at sinulyapan pa ako sabay kindat.

Mabilis ko namang iniwas ang tingin ko dahil kinikilig ako! Bakit ang hot niyang kumindat? It's soooo unfaiirrr!!!

"Si-sige. Basta libre mo", nakangiting sagot ko habang nakatingin sa labas ng bintana. Kasi naman. Kinikilig ako!

"Ngayon ko lang napansin", wika ni Adrian habang pinaparada ang sasakyan nito.

Nakarating na pala kami. Tinignan ko naman ito.

"Anong napansin mo?", kunot noong tanong ko.Hininto muna nito ang sasakyan at binunot ang susi bago ako nakangiting binalingan.

"Mukha ka palang libre", sagot nito sabay tawa ng malakas.Nanlaki naman ang mga mata ko at hinampas ito sa braso.

"Sira ulo! Ikaw itong nag aaya kaya dapat lang na ikaw ang manlibre! At tsaka babae ako no! Anong gusto mo ako manlibre sayo?!", pairap na sabi ko dito.

Tumawa naman ito bago bumaba ng sasakyan at binuhat ang dalawang bata bago pumasok sa loob ng mansion. Sira ulo talaga bulong ko nalang sa sarili ko bago kinuha sa backseat ang mga gamit ng mga bata at sumunod sa kanya.

Now Hiring:MOMMY?![COMPLETED]Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz