Chapter 38

59.3K 1.1K 3
                                    


Blaire Lee/Faith de Guzman's POV

"You ready?", bulong sa akin ni Kuya Michi.

Nasa loob na kami ng conference room at hinihintay ang CEO ng DGM at BM Corporation na si Auntie Shiela.

"Yes kuya! Kaya ko ito. Malapit na tayo, ngayon pa ba ako kakabahan at susuko?", nakangiting sagot ko.

Pero ang totoo abot langit ang kaba ko. Ngayon na kasi ang araw na haharapin ko ang taong kumuha sa akin ng lahat!Bigla namang bumukas ang lahat at pumasok ang pusturang pustura na sina Auntie Shiela at Rica.

"Good morning everyone! Sorry for the wait", nakangiting bati ni Auntie Shiela at iginala pa nito ang paningin sa paligid.

Napangisi ako ng bigla itong natigilan pagkakita sa akin at tila kinikilala ako.

"What the hell are you doing here?", masungit na sabi naman ni Rica na nasa harapan ko na.

"You know her honey?", tanong naman ni Auntie Shiela sa anak na nilapitan pa niya.

"Yes mommy! She's the hired mommy of Adrian", patuyang sagot naman ni Rica.

"Ah iyong naikuwento mo sa akin? Oh my how cheap", nakangising sabi naman ni Auntie Shiela at tinignan pa ako mula ulo hanggang paa.

Hindi ko naman sila pinansin. Tumayo naman si kuya Michi.

"Let's start the meeting", seryosong sabi ni kuya Michi.

Inirapan lang siya ng mag ina bago sila umupo.Sinimulan na ang meeting tungkol sa mga nakaraang sales at income ng Company. Humina ito ng almost 50% kumpara sa mga nakaraang buwan.Mga wala kasing alam itong mga nagpapatakbo. Kung hindi pa tumutulong si kuya Michi malamang next month bankrupt na ang kumpanya.

"What's the meaning of this?!", galit na sigaw ni Auntie Shiela ng makita ang nakasulat sa papel na hawak nito.Lihim naman akong natatawa sa hitsura nito.

Namumutla ito kahit na kanina lang ay sobrang pula ng lipstick nito.

"Ano ito?! 5% nalang ang pagmamay ari namin sa mga kumapanya?! Paano nangyari ito?!", galit na sigaw nito sa lahat.

"The 40% of DGM Construction Company and Big Mall are bought by Mr. Yamaguchi Takako. And 33% own by Miss Faith De Guzman. And the rest po ay ang mga dating mga shareholders at kasama na po kayo doon Ma'm. We already have our new CEO", paliwanag naman ng empleyado na nakatayo sa aming harapan.

"Wha-What?!", gulantang na sigaw pa ng mag ina ng marinig ang pangalan ko. Tila nanghina ang mga ito at napakapit pa sa table.

"Ulitin mo nga?! Sino ang nagmamay ari ng 33% shares ng mga kumpanya?!", nanlalaki pa ang mga matang tanong ni Auntie Shiela sabay tayo.

"Si Miss Faith de Guzman po ma'm", magalang na sagot naman ng empleyado at itinuro pa ako.Sabay pa akong nilingon ng namumutlang mag ina habang nanlalaki ang mga mata nila.

"Miss me?", nakangising tanong ko sa mga ito habang prenteng nakasandal sa upuan ko.

"No! This can't be! Patay na si Faith!", sigaw ni Auntie Shiela.Tumawa naman ako ng nakakaloko.

"You mean Farra? My older sister?", nakangising sabi ko bago tumayo at pabagsak na ipinatong ang dalawang mga kamay ko sa mahabang table at binigyan sila ng nakamamatay na tingin. "I'm getting MY.COM.PA.NIES!", mariing sabi ko sa mga ito.

"No! This is our companies! DGM and BM are ours!", sigaw naman ni Rica sa akin at dinuro pa ako.

"Oh? Really? Let's see", nakangising sabi ko sa mga ito at bumalik ako sa pagkakaupo ng biglang bumukas ang pinto.

Now Hiring:MOMMY?![COMPLETED]Where stories live. Discover now