Special Chapter 1

70.7K 1.1K 8
                                    

Adrian James Villanueva

"Daddy! Si Fate po nag poopoo!", dinig kong sigaw ni Love mula sa kuwarto nito.

Mabilis ko namang ini off ang kawali at tumakbo papuntang kuwarto.

Nakita ko namang nakatakip ang ilong ni Love habang tinitignan ang isang taon nitong kapatid na si Fate(girl) na nakahiga sa crib at tumatawa tawa pa.

"Ako na muna dito, bumaba kana muna at ituloy iyong mga niluluto ko", utos ko kay Love.

Tumango naman ito at mabilis na bumaba.

"Joy! Come here! Magbihis kana at nang makababa na tayo!", dinig ko namang sigaw ni Hope sa kabilang kuwarto.

Nakadinig naman ako ng kalabog kasunod ng tawanan nina Joy at Jolly. Nilinis ko naman si Fate at pinalitan ang diaper bago ito kinarga.

"Hayan! Ang bango na ulit ni bunso!", nakangiting sabi ko bago hinalikan ito sa pisnge.

"Da-Da!", wika nito at hinampas pa ako ng malakas sa mukha sabay hagikgik.

Napailing naman ako dahil sa kabrutalan ng anak ko. Lumabas na ako ng kuwarto at nakasalubong ko si Hope na karga si Joy at hawak sa isang kamay si Jolly.

"Daddy!", masayang bati naman ng mga ito sakin.

"Tara? Gisingin na natin si mommy?", nakangiting aya ko sa mga ito.

Mabilis namang tumakbo sina Joy at Jolly sa kuwarto namin ni Blaire at pabagsak na binuksan ang pinto.

Sumunod naman kami ni Hope na karga na ngayon si Fate na subo subo ang index finger nito.

"Mommy! Wake up! Mommy!", sabay pang sigaw nina Joy at Jolly habang tumatalon sa kama.

Umungol naman si Blaire bago nagmulat ng mga mata at ngumiti. Agad naman siyang niyakap ng kambal at hinalikan ito sa magkabilang pisngi.

"Good Morning mom!", nakangiting bati ni Hope habang palapit.

"Ma!Ma!", si Fate at ibinuka pa ang dalawang kamay na parang nagpapakuha kay Blaire.

Umupo naman si Blaire at kinuha si Fate na tuwang tuwa naman. Humalik naman sa pisngi nito si Hope. Lumapit din ako at hinalikan ito sa ulo.

"Morning baby...", bati ko dito.

"Morning din. Nasan si Love?", tanong nito.

"Nasa baba at tinatapos iyong niluluto ko", sagot ko at kinuha ko na si Fate dito. "Tara na kids para makaligo na si mommy bago tayo mag breakfast", aya ko sa mga anak namin na mabilis namang sumunod.

Nginitian ko naman si Blaire bago kinindatan.

"Just take your time baby ha? Alam ko mahihirapan kang tumayo", nakangising sabi ko dito ng nasa pinto na ako.

"Adrian!", namumulang bulyaw nito sakin.

Tumawa naman ako bago tuluyang lumabas ng kuwarto at sumunod sa mga bata.
Dinatnan ko naman ang mga anak namin na nag aayos na ng lamesa. Gustong gusto ko talaga kapag weekends dahil nakakasama ko ng ganito ang pamilya ko.

°°°°°°
Blaire De Guzman Villanueva

"Hello! Good morning!", masayang bati ko sa kanila pagkapasok ko ng dining room.

Bumati din sila at binigyan nila ako ng tig iisang halik sa pisngi bago bumalik sa mga upuan nila. Umupo naman ako sa tabi ni Fate na nasa high chair.

"Let's pray na para makakain na", nakangiting sabi ko sa mga ito.

"I will lead the prayer!", prisinta ni Jolly at nagtaas pa ng isang kamay.

"Sure baby!", nakangiting sagot naman ni Adrian at ginulo pa ang buhok ng anak.

"In the name of the father,and of the son and of the holy spirit amen. Lord,thank you for this day po. Thank you din po kasi may mga parents kaming mapagmahal,maalaga,mabait at understanding"

Nakangiting nagkatinginan naman kami ni Adrian.

"Thank you din po kasi may mga mababait kaming kapatid. Kahit po minsan ay masungit sina kuya Hope at ate Love... Ouch!", daing pa ni Jolly. "Joke lang po iyon. Mabait po silang kapatid. And lastly po thank you sa breakfast namin. Amen", pagtatapos nito sa pagdarasal.

"Let's eat!", anunsiyo ni Adrian.

Nagsimula naman ng kumain ang lahat.

"Ma!Ma!Ma!Ma!", si Fate at kumakawag kawag pa.

Nakangiting binalingan ko naman ito bago sinubuan ng cereal niya.

"Kuya Hope paabot naman ng Ham", nakangusong ungot naman ni Joy.

"Here", nakangiting sabi naman ni Hope bago nilagyan ng ham ang plato ng kapatid.

"Thank you kuya", pasalamat naman ni Joy.

"Baby eat this one para tumangkad ka agad", si Adrian habang nilalagyan ng gulay ang plato ni Jolly na nakangiwi naman.

"Not too much dad", reklamo ni Jolly sa ama na parang walang naririnig.

"By the way mommy aalis po ako mamayang hapon", pagbibigay alam ni Love sakin.

"At saan kanaman pupunta?", singit naman ni Adrian na kunot na kunot ang noo.

"Group project dad", sagot naman ni Love.

"Dito niyo sa bahay gawin", seryosong sabi ni Adrian.

"Mom!", hinging saklolo ni Love sakin.

Nakangiting tumango naman ako.
"Sige baby, basta bumalik ka before 5 pm ha?", bilin ko dito.

"Yes! Thank you mommy!", masayang sagot ni Love sakin.

"Baby...Stop spoiling her", reklamo naman ni Adrian sakin.

"She's a teenager Adrian.Hayaan muna. Dalaga na iyang si Love huwag mo namang masiyadong paghigpitan", paalala ko dito.

Bumuntong hininga naman si Adrian bago binalingan si Love.

"Ok. You can go but give me your classmate's address at ako mismo ang magsusundo sayo ng eksaktong 5 pm", utos nito sa anak.

Masayang tumango naman si Love bago tumayo at niyakap si Adrian.

"Thank you daddy!", masayang pasalamat nito sa ama.

Ngumiti naman si Adrian bago tinapik tapik ang kamay ni Love.
Napangiti din ako dahil sa sayang nararamdaman ko.

Akala ko hindi ako makakahanap ng taong makakaintindi sakin. Mali pala ako. Dahil nandito ngayon sa harapan ko ang mga taong nagpapahalaga at nagmamahal katulad ng pagmamahal na inialay ko.

Ang saya lang. At may natatawag ako

PAMILYA.

===================
Thanks for reading!

Don't forget to vote and follow!

Facebook: JingjingMaldita Stories

Hi! If you are interested in Hope Villanueva's story nasa youtube channel ko po siya!

Jingjing Maldita Stories. Completed na po iyon! Enjoy!

Now Hiring:MOMMY?![COMPLETED]Where stories live. Discover now