Chapter 5

85.6K 1.5K 50
                                    

Revised version

ADRIAN JAMES VILLANUEVA

"Bhebs! Thank God your ok", si Amilliana sabay yakap sa hawak kong babae.

Tila nadis appoint pa ako ng mapagmasdan ko ito sa malapitan. Kahawig lang siya ng ina ng mga anak ko ngunit magkaibang magkaiba ang mga ito. Kulay brown ang mga mata ng babaeng ito at mas matangkad siya kaysa sa yumaong girlfriend ko. Iba rin ang aura nila, mahiyain kasi ang ina ng kambal samantalang itong babaeng nasa harapan ko ay tila proud sa sarili.

"Ano bang nangyayari? Please paki explain sa akin bhebs at naguguluhan ako", halata sa magandang mukha nito ang pagtataka.

Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit hindi ko maiiwas ang paningin ko sa kanya. Tila nakita ko na siya dati. Pero saan?

"Heto iha, uminom ka muna", si mommy sabay abot ng isang basong tubig. Agad namang tinanggap iyon ng babae at ininom. Nag aya namang umupo si daddy at nag simulang mag explain. Nakita ko pang unti unting nanlaki ang mga mata nito ng marealize ang lahat.

"You mean they thought I'm the new wife?", hindi makapaniwalang tanong nito.

"Yes Blaire, I'm sorry at nadamay ka pa sa gulo namin", hinging pasensiya naman ni daddy sa kanya.

So, Blaire pala ang pangalan niya. Pasimple ko siyang pinagmasdan. Long hair, long eyelashes, white skin, kissable lips, and a body to die for. Kasingtangkad din ito ni Amilliana. Model din ba ito?

"It's ok Tito", sagot ni Blaire at sinulyapan ako.

"By the way, bhebs this is my older brother Adrian James Villanueva, Kuya this is my one and only best friend Blaire Lee", pakilala naman ni Amilliana.

Nakangiting inilahad naman nito ang kamay na tinanggap ko naman. "Nice to meet you but not in a nice situation?", biro pa nito.

Hindi ko alam kung matatawa ako. Nakukuha pa niyang magbiro sa ganitong sitwasyon? "Teka, paano na nga pala ang problema niyo?", tanong nito.

Nagkatinginan naman kami nina mom at dad. "Iha, we really need your help", pakiusap ni mommy at hinawakan pa ang mga kamay ni Blaire.

"Paano po ako makakatulong?", takang tanong nito.

"Marry my son", walang pakundangang sabi ni daddy.

Nanlaki naman ang mga mata ni Blaire dahil sa pagkagulat. "Ano po?", gulat na tanong pa nito. Pati si Amilliana ay nagulat sa sinabi ni daddy.

"But dad, Blaire is my bestfriend! Nakakahiya!", kontra ni Amilliana.

"Pero siya na ang naipakilala ni Adrian kanina sa lahat! Siguradong kakalat na iyon! At guguluhin ng mga media si Blaire! Pati ang buhay ng mga Lee ay magugulo kapag hindi tayo gumawa ng aksiyon", frustrated na sagot ni mommy.

"Nakita niyo ba kung gaano karaming media ang nasa labas kanina? Mahirap lusutan iyon lalo pa at malalaman nila ang tungkol sa form na ipinasa ni Adrian sa ilang mga agencies", si daddy.

"Kaya kong gawan ng paraan ang mga media. We can give them a fake marriage contract na naka date pa last year. I know a judge in states na pweding gumawa noon. Then we can make a church wedding para mapaniwala ang lahat", paliwanag naman ni mommy.

"But I thought fake marriage lang?", singit ko. Bakit biglang naging legal.

"We can't do fake marriage Adrian dahil e fo-forge na natin ang marriage contract niyo from a judge at least kapag pumutok ang issue na iyon ay may ipanlalaban tayong legal na papel", sagot naman ni dad sa akin na halatang frustrated na din.

Now Hiring:MOMMY?![COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon