Chapter 40

62.3K 1.1K 12
                                    


Adrian James Villanueva's POV

"Kuya! Bilis! Malilate na tayo! Baka nandun na si mommy!", katok sa akin ni Amilliana. Mabilis ko namang isinuot ang black na fitted shirt ko bago binuksan ang pinto.

"Ang aga aga nakasimangot ka?", nakangising sabi ko dito at inakbayan ko pa siya. Inirapan lang niya ako.

"Tara na nga kuya at baka mainip pa si mommy at magcommute na lang!", sagot nito at una na siyang naglakad. Masayang sumunod naman ako at nadatnan naming naiinip na rin sina daddy Andrew at Allisa.

"Si kuya nagpa gwapo pa talaga", nanunuksong sabi ni Allisa sa'kin.

"Let's go at baka naiinip na ang mommy niyo", aya naman ni Daddy at una ng naglakad palabas ng mansion.

"Mommy!", masayang salubong nina Allisa at Amilliana kay mommy Carmela na parang foreigner na ang hitsura dahil sa blonde nitong buhok."Mommy...", malambing na tawag ni daddy kay mommy bago sila nagyakap.

Nakaramdam ako ng kirot sa puso ko ng makita ko kung gaano sila ka sweet.

I miss her so much.

"Adrian...", nakangiting baling naman sa akin ni mommy at niyakap pa ako.

"I miss you mom", malambing na yakap ko rito.

Sobra-Sobra.

Mahal na mahal ko siya kahit dalawang taon na.

I miss you and I love you

Till death do us part....

"Mommy! Faster! I'm starving!"

"Kuya! Behave! You're not a kid anymore!"

Sabay sabay pa kaming napalingon at napangiti pagkakita sa mga nagtatalo.Lumawak naman ang ngiti ko habang nakatingin sa kanila.

Mas matangkad na sila kaysa dati.Mukha na rin silang mga binata at dalaga kung kumilos.

"Daddy!!!", tili ni Love at patakbong lumapit sa akin at patalon pa akong dinamba.

Natatawang napayakap naman ako sa kanya."Love....", malambing na bulong ko habang mahigpit na yakap ko ito.

"Yo!", bati naman ni Hope habang may bitbit na gitara.

"Ay! Ang gwapo mo Hope at binata kana!", parang kinikilig pang sabi ni Allisa bago kinurot sa pisngi si Hope na napangiwi nalang.

"Auntie Allisa Huwag ka pong OA, we are just 9 years old", naiiling na sabi ni Love.

"Naku! Kayong dalawa bakit niyo naman ako iniwan?!"Parang tumigil ang pag ikot ng mundo ko ng marinig ko ang boses na iyon.

Parang gusto ko siyang ilagay sa bag dahil sa suot nito. Naka itim na spaghetti strap dress ito na di man lang umabot sa tuhod nito tapos litaw pa cleavage niya. What the heck is she wearing?!

"Baby...", salubong ko sa kanya at mabilis ko siyang hinila at mariing hinalikan sa mga labi.Wala akong pakialam kahit tignan o makita pa kami ng lahat.

Dalawang taon din kaming hindi nagkasama. "Ano ka ba?! Nanggugulat ka!", namumulang sabi nito at hinampas pa ako sa dibdib.

"I miss you baby..", bulong ko sa kanya.

"I miss you too...", malambing na yakap nito.

Mahigpit na niyakap ko naman ito at mariing napapikit. Naalala ko tuloy ang nangyari two years ago....

"I'm sorry Mr.Villanueva pero you lost your unborn child" Paulit ulit na sumisiksik sa utak ko ang sinabi ng doctor sa akin. Napahigpit pa ang hawak ko sa kamay ni Faith na nakahiga sa hospital bed.

Now Hiring:MOMMY?![COMPLETED]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora