Chapter 2

92.2K 1.5K 26
                                    

Blaire's POV

"Smile bunso, hindi pa katapusan ng mundo. Just take a vacation huwag mong masiyadong dibdibin ang pagkatanggal mo sa trabaho", bulong ni kuya Michi sa akin na nasa kanang bahagi ko. Naglalakad na kami papasok sa venue ng party at nasa unahan naming si Dad na kausap ang isa sa mga kaibigan nito na nakasabay namin.

"Ang mabuti pa magbakasiyon ka sa isa sa mga branch ng Chiyo Island of Pleasure para mawala iyang lungkot mo", nakangiting sabi naman ni kuya Chiyo na nasa kaliwang gilid ko. "Woi! Ang daming chicks", bulong pa nito ng tuluyan kaming makapasok sa venue.

Gold and black ang motif. Nandito lahat ng importanteng tao sa buong bansa. Iginaya naman kami ng isang waiter sa magiging pwesto namin. Iginala ko naman ang paningin ko. May mangilan ngilan na mga artista akong nakita. Mayroon ding mga nasa politika. Ngunit ang naka agaw talaga ng atensiyon ko ay ang isang lalaki na nakatalikod habang may kausap na dalawang bata sa may di kalayuan. Ang tangkad naman niya, tapos ang tambok pa ng puwet. Lihim kong sinermunan ang sarili ko dahil sa mga pinagsasasabi ko! Bakit ba ako naaakit sa puwet ng isang estranghero?

"Blaire let's go I will introduce you to my new business partners", aya ni Daddy sa akin bago tumayo.

Lihim na napangiwi naman ako dahil for sure hindi naman sa mga business partners niya ako ipapakilala kung hindi sa mga anak ng mga ito. Inirapan ko pa ang dalawang kapatid ko na tatawa tawa dahil sa nangyayari. Mabilis akong kumapit sa isang braso n I Daddy bago kami naglakad papunta sa isang table ng mga matatandang lalaki kasama ang mga asawa at mga anak nila.

"Good evening Attorney Lee! ", masayang salubong naman ng isang may katangkarang matanda na sa tingin ko ay nasa 60 years old na.

"Magandang gabi rin sa iyo kumpadre!", masayang bati rin ni Daddy sa lalaki bago nagkamay ang mga ito. Ngumiti pa ako ng bumaling sa akin ang tingin nito.

"Siya na ba ang bunso niyo ni Maya? Ke gandang bata. May boyfriend na ba siya? Single pa iyong panganay ko", nakangiting sabi naman ng kaibigan ni Daddy.

Lihim pa akong napangiwi ng tumawa si Daddy kasabay ng ilang mga kaibigan niya. Ayoko talaga kapag nirereto niya ako sa anak ng ga business partners niya. Sabay sabay pa kaming napalingon ng ay magsalita sa likod namin.

"Excuse me gentlemen", singit pa ng isang baritonong boses.

Lihim pa akong napasinghap ng makita ang lalaki. Matangkad ito at maganda ang pangangatawan. Nakaka intimidate rin ang aura nito kahit pa nga nakangiti ito sa lahat. At higit sa lahat ang gwapo gwapo niya! Teka parang nakita ko na siya? Pero saan?

"Mr Adrian Villanueva!", nakangiting bati pa ni Daddy dito.

Tumayo rin ang ilang mga businessmen at nilapitan ito na tila nakakita ng artista. Nagpakilala ang mga ito at iyon ang nakita kong chance para makatakas kay Daddy. Pasimple akong pumunta sa may terrace ng hotel kung saan walang tao.

"Hay! At last! Peace of mine!", humawak pa ako sa railing at tinignan ang magandang view. Nakagat ko pa ang pang ibabang labi ko ng maramdaman nanaman ang tila butas sa emosiyon ko. Bakit kasi tila may kulang? At ano iyon? Bumuntong hininga naman ako dahil baka sumakit nanaman ang ulo ko gaya noong teenager ako at isinugod pa ako sa hospital dahil sa sobrang pag iisip.

"Here Love! We can play here!", napalingon pa ako ng may pumasok na dalawang bata sa kabilang sliding door na nakabukas. Nanlaki pa ang mga mata ko ng mapagsino ang mga ito. "Kayo?!", hindi makapaniwalang tanong ko sa dalawang bata na sabay pang napalingon sa akin at nagulat din ng makilala nila ako.

"Mommy?!", sabay pang sabi pa ng mga ito at patakbo pang lumapit sa akin sabay yakap sa mga binti ko.

Hindi pa agad ako nakagalaw dahil sa ginawa nila. Ganito ba sila ka sweet sa isang estranghero? At tiyaka bakit Mommy ang tawag nila sa akin?

"We're glad you are here Mommy!", masayang sabi ni Love ng bitawan nila ako.

"Ang boring po rito", simangot naming sabi ni Hope at walang pakundangang umpo sa sahig at ikinalat doon ang dala nitong snake and ladder?

"Marunong kayong magtagalog?", hindi makapaniwalang tanong ko. Sa hitsura kasi ng mga ito ay hindi maipagkakailang may lahing foreigner ang mga ito.

"Opo", sagot ni Love bago uupo sa harapan ng kakambal nito.

Hindi ako makapaniwala sa dalawang bata na ito! Wala itong mga pakialam kung madumihan ang mga suot nila. Wala ring pakialam ang magkapatid sa nangyayari sa paligid at tuwang tuwa sa paglalaro nila. Napangiti naman ako sana kapag nagka anak ako ganito sila. Mga walang arte sa katawan at sweet.Ipinilig ko naman ang ulo ko dahil sa naiisip ko. Boyfriend nga wala ako anak pa kaya? Tinanggal ko naman ang suot kong high heels at inayos ang pagkakahawak sa gown ko bago umupo sa tabi nito. Sabay pang tumingin ang mga ito sa akin na binigyan ko naman ng isang ngiti.

"Pasali ako ha? Naiinip na rin kasi ako", nakangiting sabi pa nito sa akin.

Masayang tumango pa ang mga ito bago ako inabutan ng kulay dilaw na maliit na bilog ni Hope na siyang gagamitin ko.

"I will roll the dice first!", na excite pang sabi ni Love.

Hindi ko naman napigil ang sarili ko na mapangiti dahil tila napunan ang isang bagay na matagal ko ng hinahanap. Nawala ang lungkot na hindi ko maintindihan. Pero bakit? Bakit sa dalawang bata na ito ko nahanap?

Adrian's POV

"Where are they?", pigil pigil ko ang inis ko habang pilit na hinahanap ang kambal ko na iniwan ko lang saglit sa kapatid ko na si Amilliana at natakasan na agad siya.

Adrian James Villanueva, owner of Love shipping company. Siya rin ang CEO ng Hope Telecommunication. Thirty two years old and a single father.

"Dito ako banda maghahanap kuya, diyan ka sa kabila", utos sa akin ni Amilliana at mabilis na umalis.

Napabuntong hininga naman ako. Kahit sweet ang kambal ko ay may pagkapasaway ang mga ito at madalas tumakas lalo na sa mga ganitong party. Kailangan ko na talagang makahanap ng bagong Nanny nila.

Isinuot ko na ang kulay gold kong party eye mask bago nagpatuloy sa paghahanap. Hanggang marinig ko ang pamilyar na tawa ni Love. Naglakad ako papunta sa veranda.

"Alam niyo po Mommy masarap po kaming gumawa ng pancake ni Hope", dinig kong sabi ni Love sa kausap.

"Ipagluluto ka po namin Mommy!", masayang sabi pa ni Hope.

Mommy? Sino bang kausap ng mga anak ko? Dahan dahan akong naglakad papuntang terrace at nakita ko silang nakaupo sa sahig habang may kausap na babae na naka pulang gown. Nakatalikod ito sa akin kaya hindi ko Makita ang mukha niya. Bakit siya tinatawag na Mommy ng mga anak ko? Lihim ko pang minura ang sarili ko ng hindi ko maiiwas ang mga mata ko sa likod nitong naka exposed. Bakit ba parang ang sarap ipadausdos ng mga daliri ko roon?

Nagising pa ako sa pag i-imagine ko ng biglang tumayo ang kambal at patakbong lumapit sa akin.Nakita ko pa kung paano mabilis na tumayo ang babae at dinampot ang high heels nito saka mabilis na umalis.

"Mommy!", tawag pa ng mga anak ko rito ngunit hindi na ito lumingon. Sino ba ang babaeng iyon at tila gustong gusto siya ng kambal at humantong pa sila sa pagtawag dito ng Mommy.



Now Hiring:MOMMY?![COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon