Chapter 35

63.3K 1.1K 13
                                    


Blaire Lee/Faith de Guzman's POV

Nagising ako na tila mediyo nahihilo pa. Puting kisame at ang dextrose ko sa isang kamay ang agad kong napansin.

"Hey! Bunso okay na ba ang pakiramdam mo?", nag aalalang tanong ni kuya Chiyo sa akin pagkalapit.

Bahagyang tumango naman ako at iginala ang paningin ko. Nakita ko rin si Allisa na palapit din sa akin.

"Anong nangyare?", takang tanong ko. Last time na naalala ko ay nasa sasakyan kami ni Jasper at ang mga luha kong ayaw tumigil dahil sa mga sinabi ni Adrian.

"Ate", tila naaawang sabi ni Allisa at hinagod pa nito ang likod ko.

Umiiyak na naman pala ako! Bakit kasi ang sakit? Bakit ayaw huminto ng kirot sa puso ko?

"I will punch your brother Allisa kapag nakita ko siya", madilim ang mukhang sabi ni kuya Chiyo at nakakuyom pa ang isang kamay nito.

"Huwag ka na ngang makisali Chi, baka lalo lang magulo ang lahat", irap ni Allisa kay kuya Chiyo na nanahimik naman.

Bumuntong hininga naman ako bago humiga ulit. "Matutulog muna ako", halos pabulong na sabi ko bago ko ipinikit ulit ang mga mata ko.

Mas gugustuhin ko pang matulog kaysa maalala iyong sakit.

Adrian James Villanueva's POV

"Just put everything on my table", seryosong utos ko sa secretary ko bago ibinalik ulit ang atensiyon ko sa papel na iniabot sa akin ng isang manager. "Bakit hindi pa rin ito naaayos?", seryosong tanong ko.

"EH-sir masiyado p-po kasing mabilis ang dalawang araw. We s-still need more time", kinakabahang sagot nito.

Pabagsak kong ibinaba ang papel na hawak ko.

"I don't care! Just finish this one today! Kapag hindi niyo natapos ngayong araw buong department mo will be fired! Get out!", inis na sigaw ko.

Nanginginig namang mabilis na dinampot nito ang mga papeles bago nagmamadaling lumabas. Frustrated na sumandal naman ako sa swivel chair ko.

"Kuya, ano ba iyang ginagawa mo? Baka hindi matapos ang linggong ito wala ka ng mga empleyado", naiiling na bungad ni Amilliana pagkapasok ng opisina ko.

"What do you want?", inis na tanong ko sa kanya.

Sa sobrang dami kong iniisip at halo halong emosiyon ko ay lagi nalang mainit ang ulo ko. Kahit maliit na bagay lang ay naaasar na ako.

"Tsk! Alam mo bang nasa hospital si bhebs?", tanong nito bago umupo sa upuan na nasa tapat ng table ko.

Mabilis naman akong napatingin sa kanya. "What?! Why?! Did that fucking Jasper did anything to her?! Tell me!", tarantang sigaw ko.

"Baliw ka ba kuya? Siya kaya nagdala sa kanya sa hospital kahapon. Ikaw nga itong huling nakausap niya bago siya tumakbo at iyak ng iyak. Ano bang ginagawa mo sa buhay mo? Akala ko ba mahal na mahal mo si bhebs tapos ganyan ang ginagawa mo?", sunud sunod na tanong ni Amilliana sa akin.

"I saw her and Jasper hugging yesterday", sagot ko.

"So? Magkaibigan lang sila at alam mo sa sarili mo na iba ang gusto ni Jasper. At saka kaya ganyan si Jas kay bhebs dahil nakikita niya iyong ate niyang nasa ibang bansa sa kanya. Alam ko iyon dahil sinabi niya sa amin noong party. Ikaw nga nakita ka niyang kasama lagi si Rica nanumbat ba siya?", mataray na sabi nito bago tumayo."Umayos ka kuya ha? Baka sa sobrang pagpapabebe mo sukuan ka ni bhebs. Tyaka bawas bawasan mo nga ang pakikipag kita mo riyan sa Rica na iyan! Alam mo kung ano ang agenda ng mag-ina na iyan kaya lapit sila ng lapit sa iyo! Pera mo lang ang habol ng mga iyan!"

Now Hiring:MOMMY?![COMPLETED]Where stories live. Discover now