Chapter 16

75.2K 1.2K 12
                                    


Blaire Lee-Villanueva's POV

"Mommy? Saan po tayo pupunta?", tanong ni Love habang busy sa paglalaro ng barbie doll nito.

Nasa back seat ito kasama sina Hope at Amilliana. Si kuya Michi naman ang nagdadrive at nasa passenger seat ako.Papunta kami ngayon sa isang hotel para mag lunch kasama sina Adrian at Allisa na kakauwi lang galing New York.

Sabado ngayon kaya napagpasiyahan nilang kumain sa labas at treat ni Allisa na kakauwi lang din galing ibang bansa at sinundo siya ni Adrian kaya ilang araw din namin siyang hindi nakita ng kambal.

Liningon ko naman ang mga ito bago sumagot."Pupuntahan natin sina Auntie Allisa niyo at si Daddy sa isang restaurant at doon tayo kakain"

"Lakasan niyong kumain ha? Treat ni Auntie Allisa niyo. Sulitin natin madalang lang iyon manlibre", nakangiting sabi naman ni Amilliana.

"Ang ibig sabihin dadagdagan mo pa kakainin mo Amilliana? Maawa ka naman sa manlilibre", nakangising sabad naman ni kuya Michi.

"Eh kung pinupukpok kita ng stiletto ko?", pairap na sagot naman ni bestfriend Amilliana.

Tumawa lang si kuya Michi. Natatawa naman ako sa mga ito. If I know dinadaan lang nila sa ganito ang feelings nila para sa isa't isa.Ilang minuto lang ay nasa isang kilalang hotel na kami. Mabilis akong bumaba at inalalayan ang kambal.

"Magkita nalang tayo mamaya", paalam ni kuya Michi sa amin.Isinabay lang niya kami papunta rito dahil may meeting yata siya.

"You're not coming with us Uncle?", tanong ni Hope kay kuya habang naglalakad na kami papasok ng hotel.

"Sorry kiddo may importanteng meeting si Uncle pero try kong humabol", nakangiting sagot naman ni kuya bago ginulo ang buhok ni Hope na tumango lang.

Humiwalay na si kuya ng makapasok na kami ng hotel. Dumiretso kami sa isang restaurant at nakita namin sina Adrian at Allisa na masayang nagkukwentuhan.

"Daddy!!", masayang tawag ng kambal kay Adrian at mabilis na lumapit ang mga ito. Nakangiting tumayo naman ang binata at mabilis na kinarga ang mga anak.

"Hoy! Babaita bakit ngayon kalang umuwi ha? Ano? May nahanap kana sigurong boyfriend sa New York kaya ayaw mo na bumalik dito", pabirong tukso naman ni Amilliana kay Allisa bago ito umupo sa tabi nito.

Amilliana |Hope | Allisa

TABLE

Ako | Love | Adrian

"Ako? Ikaw nga itong nabalitaan ko na laging kasama ni kuya Michi eh", ganti naman ni Allisa bago uminom ng juice.

"Whatever!", padabog na sagot naman ni Amilliana.

Napangiti naman ako sa asaran nila. If I know makukulay ang mga lovelife nila. Napatingin naman ako kay Love ng bigla itong magsalita.

"Mommy! Gusto ko po ng shrimp", ungot sa akin ng katabi kong si Love ng kumakain na kami.Mabilis ko namang pinaghimay ito at inilagay sa plato niya.

"Ok na ba? Ano pa gusto mo?", nakangiting tanong ko kay Love habang pinupunasan ng tissue ang mga kamay ko.

"Wala na po! Thank you mommy!", nakangiting sagot naman nito bago nagsimulang kumain.

"Aw! Ang sweet", nakangiting komento naman ni Amilliana

"Mommy! Pinagbalat din po kita ng shrimp", nakangiting sabi naman ni Hope at inilagay pa sa plato ko ang mga binalatan nitong hipon.

"Mommy, here's your water po", nakangiting sabi naman ni Love sa akin sabay baba ng baso sa tabi ng plato ko.

Natatawa naman ako sa kakulitan ng mga ito pero masaya dahil sa kasweetan na pinapakita nila sa'kin."Thank you babies", nakangiting sabi ko sa mga ito.

Now Hiring:MOMMY?![COMPLETED]حيث تعيش القصص. اكتشف الآن