Chapter 39

61.9K 1.1K 7
                                    


Adrian James Villanueva's POV

"Adrian hintayin mo ako rito ha? Oorder lang ako", bilin sa akin ni Mommy Carmela bago dumiretso sa counter.

We are here in a famous fast food chain dahil nagrequest ang dalawang kapatid kong babae ng pasalubong galing kay Mommy. Galing kami sa isang school competetion at dito kami dumiretso. It's my first time here, usually kasi ay sa isang mamahaling restaurant ako dinadala ng mga parents ko. Ang dalawang kapatid ko na mga babae lang naman ang mahilig sa pagkain dito.

Iginala ko naman ang paningin ko at napakunot noo ako ng makita ang isang batang babae na umiiyak. Marungis ito at tila nawawala. Nanlaki ang mga mata ko ng bigla itong gumilid sa kalsada. Mabilis akong tumayo at tumakbo palabas. Mabilis ko siyang hinila bago pa siya masagasaan ng isang sasakyan.

"Are you trying to kill yourself?", I shouted out of frustration. Natigilan naman ako ng tinignan niya ako. Her eyes, tila binabasa niya ang buong pagkatao mo! Hinawakan ko ang isang kamay nito at hinila siya sa isang tabi.

I open my bag at kinuha roon ang baon kong mineral water at iniabot sa kanya. "Here", she just look at the bottle bago ako tiningala. Kinagat ko pa ang ibabang labi ko dahil tila sa murang edad ko ay bigla nalang nag iba ang nararamdaman ko! "Tsk!", nagpanggap akong naiirita para madistract sa titig nito bago binuksan ang bote at iniabot sa kanya.

Gusto kong hawakan ang mga kamay nito ng makita kong nanginginig na inabot niya ang bote at uminom doon. "Thank you", halos pabulong niyang sabi ngunit tila anghel iyon sa pandinig ko bago ibinalik ang bote na kinuha ko naman. Why am I being like this? Bakit ako kinakabahan sa bata na ito?

Tumikhim muna ako bago nagsalita "What are you doing here? At bakit ganyan ang hitsura mo? Naliligaw ka ba?", sunud sunod na tanong ko para mawala ang nararamdaman ko.

Then she started sobbing na nagpataranta sa buong pagkatao ko! At dahil sa pagkataranta ay kinuha ko ang natirang chocolate bar na nasa bulsa ko at iniabot sa kanya. "Here, kainin mo iyan and stop crying baka akala pa ng ibang tao inaaway kita"

Nagulat pa ako ng bigla niya iyong inagaw at mabilis na kinain. Gutom ba siya? I will ask Mommy Carmela na ibigay nalang sa kanya iyong parte ko sa pasalubong. And puwedi kaya namin siyang iuwi?

Adrian! She is not a cat na puwedi mong iuwi! Sermon ko sa isip ko. Pinagmamasdan ko lang siya habang kumakain hanggang maubos niya iyon. "Anong lugar ito?", she ask pagkalunok sa kinain nito.

"You are here in Manila. Taga saan ka ba?",I answered.I saw how her face saddened at nagsimula na namang tumulo ang mga luha nito. Bakit ba gusto ko siyang yakapin? Bakit nasasaktan ako kapag umiiyak siya? I'm crazy!

Nagulat pa ako ng bigla itong tumayo at sumigaw ng Auntie bago tumakbo papunta sa kalsada.Namanhid ang mga paa ko ng makita ko siyang bigla nalang tumilapon pagkatapos niyang masagasaan! "Bata!", takot na takot na sigaw ko at hindi ko napigilan ang panginginig ng buong katawan ko.

"Adrian!", dinig kong tawag ni Mommy bago ako mabilis na niyakap. "Oh God you are okay! Tara na umuwi na tayo!", natatarantang aya ni Mommy at hinila pa ako.

Nanghihinang sumunod naman ako sa kanya at sinulyapan pa ang batang babae na naisakay na sa sasakyan para siguro maisugod sa hospital. Tumingala naman ako at umusal ng dasal.

"Lord, please make her safe. Kapag po malaki na ako I will look for her and marry her", bulong ko sa isipan ko habang nakatitig sa langit na punung puno ng maraming mga bituin.

"Wake up sleepy head", bulong sa akin ng babaeng mahal na mahal ko. Nagising ako dahil sa mainit na hininga nito. Bakit ko ba napanaginipan ang nangyari na iyon sa akin noong bata pa ako?

Now Hiring:MOMMY?![COMPLETED]Where stories live. Discover now