Chapter 21

64.2K 1.2K 1
                                    

Blaire Lee-Villanueva's POV

"Opo mommy! Ang lalaki at ang tatamis ng mga mangoes kanina. Ang saya po mag harvest!", masayang kwento ni Love sa amin habang kumakain kami ng hapunan.

"Tapos po ang babait pa ng mga nagtatrabaho. They help us po magbuhat ng mga napitas naming mga mangoes!", kuwento din ni Hope.

"Talaga? Sayang hindi na namin kayo naabutan ng daddy niyo", sagot ko naman sa mga ito habang inaabutan ko sila ng ulam.

Nang puntahan kasi namin sila sa manggahan ay wala na sila at nakauwi na kaya naglibot nalang ulit kami ni Adrian. Hindi ko nga alam kung saan ko nakuha ang kapal ng mukha ko dahil nawala iyong ackward feelings ko dahil sa nangyari.

"Bukas pupunta tayo sa bahay ng Lolo Sam niyo at namimis na raw niya kayo", sabad naman ni Adrian.

"Uncle Sam! Uncle Sam!"

"Si Fara po?"

"Ikaw talaga Faith!"

"Fara! Tara magswimming tayo nila Rica!"

"Ewan ko sa inyong dalawa! Ang weird nio Fara at Faith!"

"Belat! Inggit ka lang Rica dahil kami ni Faith ang kamukha ni Lola"

"Blaire? Blaire? Are you okay?", dinig kong sabi ni Adrian.

Mabilis akong tumango. Ang bilis ng tibok ng puso ko, why do I have this feeling na mga ala-ala ko nga iyon! "I'm fine, ano nga ulit iyong sinabi mo?"

"Sabi ko pupuntahan natin bukas iyong Uncle ni Faith kung ayos lang sa iyo", nakangiting sagot naman ni Adrian.

Mabilis naman akong tumango. Hindi ko alam kung bakit curious na curious akong makilala ang sinasabi nitong Uncle ni Faith.

"Yehey! Makikita ulit natin si Lolo Sam! May chocolate na naman tayo!", masayang sabi ni Love at nag taas pa ng dalawang kamay.

"Ang hilig mo talaga sa chocolate no?", natatawang biro ko at pinunasan pa ang gilid ng labi nito na puno ng sarsa ng menudo.

Ang cute talaga nila. Napatingin naman ako sa katapat kong si Adrian na nakangisi habang nakatingin sa akin.

"What?", kunot noong tanong ko.

"Nothing. I just remember something", nakangiting sagot niya bago binasa ang mga labi gamit ang dila nito.

Namula naman ako ng magets ko ang sinasabi nitong naalala niya. Ano ba?

Bumalik na naman tuloy ang hiya sa katawan ko.

Ibinaling ko nalang ang atensiyon ko sa pagkain dahil naiilang ako. Kasi naman Blaire bakit ka ba kasi nagpahalik? Iyan tuloy, wala kang mukhang maiharap.

Kinabukasan....

"Lolo Sam!", masayang sigaw ng kambal habang tumatakbo ang mga ito palapit sa isang mediyo may katabaang lalaki na nasa edad singkwenta siguro.

"Mga apo ko!", masayang salubong naman ni Uncle Sammy sa kambal at niyakap ang mga ito.

"Faith! Huwag kang lalayo at paparating na ang mama mo!"

"Okay po Uncle Sam!"

Hinawakan naman ni Adrian ang siko ko at inalalayan palapit sa mga ito.

"Faith! Pumasok ka na rito at kakain na!"

"Coming Uncle!"

"Ang dungis mo nanaman! Siguradong magagalit nanaman ang Mommy mo sa akin!"

Now Hiring:MOMMY?![COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon