Chapter 28

65.4K 1.1K 4
                                    


Blaire Lee/Faith De Guzman-Villanueva's POV

"Mommy! It's too hot! I hate wearing this!", reklamo ni Hope habang pilit na hinihila nito ang suot.

Naka amerikana kasi ito tulad ng sa daddy niya.Kami naman ni Love ay parehas na naka black dress at naka lugay ang mga buhok namin.Kasama pa namin si Amilliana na hot na hot sa suot nitong pulang backless na dress na tinernuhan ng pula ring 4 inches stilettos. Nakataas din ang buhok nito kaya kitang kita ang makinis at maputing likod at batok nito.

"Baby stop pulling your suit. Pagdating natin doon I will remove your emericana but for now, pagtiisan mo muna", utos ko habang pinipigilan ko ito sa ginagawang paghila sa suot.

Sumimangot lang ito bago tumahimik. Hinalikan ko naman ang ulo nito bago nginitian.

"We're here", wika ni Amilliana ng huminto ang sinasakyan naming limousine.

Pasimpleng tumingin naman ako sa tinted na bintana at nakita kong nakared carpet at maraming reporters sa paligid. Iba talaga kapag kasali ang mga Villanueva.

Bigla namang bumukas ang pinto ng limousine at unang bumaba sina Amilliana at Adrian.

Inalalayan naman akong bumaba ni Adrian at ang mga bata. Napapikit pa ako ng magkislapan ang mga camera. Una ng pumasok si Amilliana dahil siya ang pinaka main model sa show.Kumapit naman ako sa braso ni Adrian.

"Relax baby, mga reporters lang iyan", bulong sa akin ni Adrian at hinapit pa ako sa beywang.

Nginitian ko naman ito at nagsimula ng maglakad. Nasa harapan namin ang kambal na confident sa paglalakad. Sanay na siguro sila sa mga ganitong event. Ito ang unang beses na nagpakita kami sa media na magkakasama. Ito na rin ang simula ng pagiging hired na Mommy ko.

"Mr.Villanueva! Totoo po bang nagpakasal na kayo? At iyon ay sa bunsong anak ni Attorney Alfonso Lee?"Tanong ng isang reporter na humarang pa sa aming daraanan. Huminto muna kami sa paglalakad dahil na harangan na kami ng mga reporters na panay kuha ng pictures. Mabilis ko pang kinabig ang mga bata at hinawakan sa mga kamay.

"Yes", sagot naman ni Adrian.

"Totoo po bang binayaran niyo lang siya para pakasalan kayo? Hindi po ba naghahanap kayo ng magiging mommy ng kambal niyo? Siya na ba iyon Mr.Villanueva?"

Parang gusto kong maglaho dahil sa mga sunud sunod na tanong nilang iyon. Bumalik tuloy sa ala ala ko na hired mommy lang ako at binabayaran ako para sa posisiyong iyon.

"No! She's not a hired mommy. She's my wife. Legally. She's also my girlfriend before pa nagka issue tungkol sa pag hahire ko ng magiging mommy ng kambal. It's just a misunderstanding", seryosong sagot ni Adrian at sabay pang kinarga sina Love at Hope.

Napatitig pa ako sa mukha nitong dumilim dahil sa mga tanong na iyon. Galit ba siya dahil sa issue na iyon? Tiyaka anong girlfriend girlfriend before the issue sinasabi niya?

"Hindi ba't bunsong anak ka ni Attorney Alfonso Lee? Totoo bang ampon kalang niya?"

Bigla akong nabingi sa narinig ko. Shit! Paano nagka idea ang mga reporters na ito sa pagiging totoong Lee ko. Napakapit naman ako sa braso ni Adrian dahil parang mawawalan ako ng ulirat. Heto iyong issue na iniiwasan ko dahil naaalala ko lang lahat ng masasakit na ala ala ng aking nakaraan.

"Enough! Hindi kami pumunta rito para pagtsismisan niyo!", biglang sigaw ni Adrian sa lahat.

Biglang nanahimik ang lahat at parang takot na takot na napaatras.Tumabi na rin ang mga reporters na humaharang sa daraanan namin dahil na rin sa mga securities.

Now Hiring:MOMMY?![COMPLETED]Where stories live. Discover now