Chapter 25

65.7K 1.2K 4
                                    

Blaire Lee/Faith De Guzman-Villanueva's POV

"Good Morning mommy!", masayang salubong sa akin ng kambal pagkapasok ko ng dining area.Nakauwi na kami galing Tagaytay kahapon at may pasok na ulit kami ngayon. Nandoon na sina Allisa at Amilliana. Ang mga parents naman nila ay nasa business trip pa.

"Good morning din mga cuties", nakangiting bati ko sa mga ito at binigyan ko pa ng tig isang halik sa mga pisngi. Sabay pang humagikgik ang mga ito.

"Kain na ate", nakangiting aya naman ni Allisa sa akin.

Nakangiting tinanguan ko naman ito bago pumagitna sa kambal. Nasa harapan ko naman si Adrian na seryosong kumakain habang may hawak na mga papeles. Nakakakain ba siya ng maayos niyan?

"Whoa!", bulalas ni Amilliana at mabilis na pinigilan ang pagtumbang baso malapit kay Adrian na siyang nakatama roon. "Kuya! Magfocus ka muna kaya sa pagkain mo", sermon pa nito sa kapatid.

"Sorry", sagot naman ni Adrian at inilipat pa sa next page ang hawak nitong papeles.

"Kuya! Stop reading, kumakain kaya tayo", sermon din ni Allisa.

"This is important", sagot lang ni Adrian.

Naiiling na tumayo naman ako at linapitan ito. Nagtatakang tiningala naman niya ako at ibinaba ang binabasa nito. Pati sina Allisa at Amilliana ay nagtatakang nakatingin sa akin. "Stop reading Adrian", utos ko sabay agaw ng mga hawak nitong papeles. "Hindi tamang ipakita mo sa mga bata na hindi binibigyan ng halaga ang oras ng pagkain", dagdag ko pa dito.

Napasinghap pa ako ng yakapin niya ako sa beywang at ibinaon nito ang mukha sa bandang tiyan ko. Napahawak pa ako sa magkabilang balikat nito.Nakita ko rin ang panlalaki ng mga mata ni Amilliana dahil sa nakikita at muntik pang maibuga ni Allisa ang iinumin sana nitong juice.

Pare pareho lang kami ng nararamdaman. Ano bang ginagawa mo Adrian? Bakit pati sa harapan ng mga kapatid mo gumaganyan ka?!

"Adrian, ano ka ba? Kumain kana nga lang", utos ko habang pilit na tinutulak ito.

Nakangiting humiwalay naman ito sa akin at nagsimula na sa pagkain. Naiiling na itinabi ko naman ang mga hawak kong papeles bago umupo ulit at kumain.

"Anong nangyari?", naguguluhang tanong ni Amilliana habang nagpapalipat lipat ang tingin nito sa akin at ni Adrian.

Nagkibit balikat lang ako dahil hindi ko rin alam kung anong nangyayare!

After mag breakfast ay nagkanya kanya na kami ng alis. Hindi na ako nagpahatid kay Adrian at nagdala nalang ako ng sariling sasakyan dahil ito ang maghahatid sa kambal. Mabilis lang akong nakarating sa company dahil wala pang traffic. Nagtataka pa ako ng nasa akin ang atensiyon ng lahat habang papunta ako sa table ko.

"Akala mo naman santa iyon pala malandi rin!"

"Ang ganda kaso kabit!"

Iyan ang ibang mga parinig na hindi nakaligtas sa akin. Tinignan ko pa ang mga nagsalita at nakita ko sina Mark at ang grupo nito na pare parehong mga nakangisi. Ipinagkibit balikat ko nalang kung anong mga sinasabi nila at dumiretso sa table ko.

Agad naman akong nilapitan ni Paola na may pag aalala sa mukha. "Blaire! Alam mo ba ang pinagkakalat na tsismis nila Mark?", pabulong pang tanong nito.

"Anong tsismis?", kunot noong tanong ko. Alam na ba nila na ako ang asawa ng may-ari? Hindi siguro kasi tinawag nila akong kabit! Pero bakit?!

"Naku! Hindi ba sabi mo may asawa kana?", tanong pa ni Paola.

"Oo mayroon na nga", takang sagot ko. Paano naging katsismis tsismis na may asawa na ako?

Napangiwi pa si Paola sa sagot ko. "Iyon na nga! Noong isang araw sinundan ka ni Mark hanggang parking lot at nakita raw niya na mismong CEO ang sumundo sa iyo! Kaya pala raw ang lakas ng loob mong mag pa absent absent dahil kabit mo raw ang may-ari ng kumpanya!", pagkukwento pa nito.

Now Hiring:MOMMY?![COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon