Chapter 14

74.6K 1.4K 39
                                    

Blaire Lee-Villanueva's POV

"Lumayo layo ka sa'kin Adrian kakaltukan kita!", inis na bulyaw ko sa kanya.

Nasa loob na kami ng kuwarto. Sino ba naman ang hindi maaasar sa ginawa niya? Pinahiya niya ako ng bonggang bongga sa loob ng supermarket.

Buwiset!

"I'm just teasing you", depensa naman nito. "Ang pikon mo naman", dagdag pa niya at balewalang pabagsak na humiga ito sa kama at pumikit.

Hindi ko naman siya pinansin at dumiretso ako sa walk in closet para kumuha roba at ng makapaligo. Paglabas ko ay nakaupo na ito habang parang ang lalim ng iniisip.

Ano kayang iniisip ng mokong na ito?

Mabilis pa akong nag iwas ng tingin ng bigla itong sumulyap sa akin.

Malalaki pa ang ginawa kong paghakbang para agad marating at pabagsak kong isinara ang pinto ng banyo. Bahala siya sa buhay niya.

Nakakapikon. Iniready ko ang bathtub. Magbababad muna ako at ng mabawas bawasan ang init ng ulo ko.

Napaungol pa ako ng maramdaman ko ang lamig ng tubig. Mabilis akong humiga at ipinikit ang mga mata ko.

Nakakarelax talaga.Twenty minutes din akong nagbabad bago ko napagpasyahang maligo.

Nagsuot ako ng roba bago lumabas ng banyo.

Napahinto pa ako sa paglalakad ng may makita akong tray sa ibabaw ng kama na may isang piraso ng white rose. May kasama pa itong sandwich at juice.Linapitan ko naman iyon ng makita kong may maliit na sticky note na nakadikit sa baso.

"Sorry wife"

-Husband

Hindi ko napigilan ang ngiti ko.

Wife?

Bakit parang gustong gusto ng puso ko ang salitang iyon? Nakakakilig lang.

Mabilis naman akong pumasok sa walk in closet para makapagpalit ngunit muntik na akong mapatili ng madatnan doon si Adrian na prenteng nakaupo habang may hawak na baso at nakasabit sa batok nito ang tinanggal ng necktie. Hindi pa talaga nagpalit ng pambahay na damit.

"What the! Aatakihin ako sa'yo sa puso", gigil na sabi ko rito.Ngumiti naman ito. Muntik pang malaglag ang panty ko dahil lalo itong gumwapo.

Oh Shit! Wala nga pala akong suot na under wear! Mabilis ko namang hinigpitan ang harapan ng bathrobe ko.

"Magugulatin ka rin pala", nakangiti pa ring sabi nito bago tumayo at dahang dahang lumapit sa akin.

Na estatwa naman ako sa kinatatayuan ko. Lalo na ng tuluyan nitong hawakan ang mamasa masang buhok ko.

"Pinapatawad mo na ba ako sa nangyari kanina sa mall?", tanong nito habang nakatitig sa akin.

Napalunok pa ako ng mapagmasdan ko ng malapitan ang mukha niya. Lalo na ang mga labi nito. Ang sarap sigurong kagat kagatin ng mga iyon.

"Stop staring my lips Blaire", puna ni Adrian. Mabilis naman akong nag iwas ng tingin. "Am i forgiven?", tanong ulit nito.

Bumuntong hininga naman ako at ng mabawasan ang kabang

nararamdaman ko."Oo na! Salamat sa pa flower at meryenda!", nakangiting sagot ko at naglakad na ako papunta sa mga damit ko.

Naramdaman ko namang sumunod ito."Good! Dahil gagawa ulit ako ng isang bagay na ikakagalit mo", sagot nito sabay hila sa akin at binigyan ako ng mapusok na halik.

Nakahawak pa ang mga kamay nito sa magkabilang pisnge ko. Nanlaki naman ang mga mata ko at pilit siyang tinutulak. Ayokong madala nanaman sa halik nito. Ngunit malakas ito, lalo na noong ipinalupot nito ang isang kamay sa beywang ko at ang isa ay hinawakan ang likod ng ulo ko para lalong madiinan ang halik nito.

Nanlambot ang mga tuhod ko. Feeling ko babagsak ako kaya iniyakap ko ang dalawang kamay ko sa magkabilang balikat nito. At hindi ko alam kung anong kalandian na naman ang sumapi sa akin at ginantihan ko ang halik nito.

"hhmmm", ungol nito ng gantihan ko ng mas mapusok ang halik nito.

Naramdaman ko namang umangat ang mga paa ko. Binuhat pala niya ako at isinandal sa pader. Ikinapit ko naman ang mga binti ko sa beywang nito.Naramdaman ko naman ang isang matigas na bagay sa may pagitan ng mga hita ko.

"Fuck!", mura nito ng maghiwalay ang mga labi namin.

Nakipagtitigan ako sa kanya kahit na ang totoo ay hiyang hiya na ako lalo na sa posisiyon namin. Nakasandal pa rin ako sa pader habang buhat buhat niya ako. Nakalilis na nga ang roba na suot ko hanggang legs ko. Wala pa naman akong suot na panty!

"I'm so sorry wife, but I really want to kiss you again",wika nito sabay halik sa mga labi ko. "And again", hinalikan ulit niya ako pero mabilis lang. "And again", sabay bigay sa akin ng mabilis na halik ulit.

"Stop teasing me husband", saway ko rito sabay baba sa pagkakabuhat nito.

"Husband? I like it", nakangiting sabi nito sa akin. "Huwag kang magagalit sa ginawa ko ha wife? Babawi nalang ako sa'yo. Igagawa ulit kita ng meryenda. Carbonara gusto mo?", hindi mapuknat ang pagkakangiti nito.

Tumawa naman ako. "Suhol ba iyan para sa halik halik moment natin kanina?", biro ko kahit ang totoo hiyang hiya na ako.

Ngumiti lang ito. "I'll make cabonara then", sagot nito at hindi pinansin ang biro ko. Dinampian pa niya ng halik ang ulo ko. "Bihis na wife, una na akong bumaba", paalam nito then he gave me a peck on my lips bago tuluyang umalis.

Nanghihinang napaupo naman ako sa sahig at napahawak sa tapat ng puso ko.

"Am I falling for him?", bulong ko sa sarili ko.

Now Hiring:MOMMY?![COMPLETED]Where stories live. Discover now