Chapter 6

82.9K 1.4K 36
                                    

revised version

BLAIRE LEE

"No way Michi! Ayaw kitang maging partner! Tinanggap ko na ang project na to! Huwag kang abuso!", madiing tanggi ni best friend kay kuya Michi.

Nasa office kami ni kuya. Actually inihatid ko lang si best friend kaso hindi na ako makaalis dahil nagsimula na silang mag away. Pinipilit kasi ni kuya Michi na siya daw ang magiging partner ni Bhebs sa photoshoot na gagawin. Married life kasi ang theme kaya kailangan may partner ang model na babae.

"You have no choice, naka settle na ang lahat. And you can't quit, kasi nakapirma kana ng kontrata", nakangising sagot naman ni kuya.

"Ah!!! I hate you Michi!!", tili ni best friend.

"I love you too Babe", nakangiting sagot naman ni kuya na lalong nagpainit ng ulo ni best friend Amilliana.

Pasimple nalang akong lumabas ng opisinang iyon. Napabuntong hininga nalang ako pagkalabas ng office. Naririnig ko pa rin ang pagsigaw ni best friend at ang malakas na pagtawa ni kuya Michi.

Tumingin naman ako sa wristwatch ko at nagmamadaling pumasok ng elevator. Baka malate ako sa usapan namin ni Adrian. Napabuntong hininga nalang ako ng maalala kung paano ako nasermunan ni Daddy dahil sa paglilihim kuno ko sa relasiyon namin ni Adrian. Buti nalang at sinamahan akong mag explained nina Mr. and Mrs. Villanueva kaya hindi na nagduda pa si Dad. Mabilis akong sumakay sa kotse ko at nagdrive patungong restaurant kung saan kami magkikita ni Adrian para pag-usapan ang nangyari.

Ilang minuto lang ay nasa isang Italian restau na ako at agad ko naman siyang nakita na nakaupo sa isang sulok habang may kayakap na babae? Tsk! Tama talaga ang mga balita dito. Playboy ito. At halata iyon sa pakikipagflirt nito ngayon sa isang magandang babae.

Pero huwag ka! Mas maganda ako! hmp!

"Ehem!", tikhim ko pagkalapit.

Sabay pang napatingin ang mga ito sa akin. Mga walanghiya hindi talaga inaalis ang pagkakaakbay nito sa babae? Heto namang higad na ito kung makalingkis sa braso ng playboy na 'to parang wala ng bukas.

"Who is she Babe?", malambing na tanong ng higad sa playboy.

"She's a friend", simpleng sagot ni Adrian bago inalis ang pagkaka-akbay.

Naghiwalay din ang mga ito. Tinignan lang ako ng higad at inirapan. Aba't gusto yata nitong mapingasan ang pagmumukha niya!

"Sige na Babe, I will call you", paalam ni Adrian.

"Ok...Bye Babe", malambing na paalam naman ng babaeng higad bago hinalikan sa mga labi si Adrian.

Napatakip naman ako sa bibig dahil sa gulat. Nagfrench kiss sila sa mismong harapan ko!!

Mga bastos!!

"Please sit down Ms. Lee", utos nito.

Aba! Playboy na nga Bossy pa! Nagmamadali pa naman ako tapos ganito aabutan ko? Padabog akong umupo."Ano bang pag uusapan natin?", inis na tanong ko.

Akala ko pa naman mabait ito. Sa picture lang pala."Here", seryosong sabi nito sabay lapag ng isang puting papel.

Kinuha ko naman iyon. At napanganga sa nabasa."Sampung Utos ni Adrian James Villanueva?!", gulat na tanong ko.

I heard him tsk!"Lower down your voice", seryosong sabi nito. "Mga rules ko iyan kapag kinasal na tayo. I mean kapag dumating na iyong marriage certificate natin from US", dagdag pa nito.

Now Hiring:MOMMY?![COMPLETED]حيث تعيش القصص. اكتشف الآن