Chapter 27

65.8K 1.3K 23
                                    


Blaire Lee/Faith De Guzman-Villanueva's POV

"May lakad ka?", kunot noong tanong ni Adrian sa akin habang tinitignan niya akong nag aayos ng buhok.

Pupunta ako sa trabaho para magresign dahil iyon ang gusto nila kuya. Sinulyapan ko naman ito bago naglagay ng pulang lipstick.

"Tinawagan ako ni kuya Michi, tungkol doon sa fashion show next month. Iyong inisponsoran mo", sagot ko sabay dampot ng shoulder bag ko.

Naka red dress ako na tinernuhan ko lang ng flat sandals. Nagpulbos lang din ako at naglagay ng lipstick. Hinayaan ko ring nakalugay ang mahabang buhok ko.

"Bakit kailangan mo pang mag ayos?", nakasimangot na tanong ni Adrian.

Nagtatakang tinignan ko naman ito na nakasimangot habang nakaupo sa kama.

"Alangan namang magpambahay na damit ako! Anong drama iyan?", kunot noong tanong ko dito at linapitan siya.

Niyakap naman niya ako sa beywang at ibinaon nito ang mukha sa aking tiyan."Mamimis kita", parang batang maktol nito.

Tumawa naman ako at niyakap ito.Imagine? Iyong suplado,ruthless at matinik na businessman na 'to may pagka childish pala.

"Naku Mr.Villanueva, anong drama iyan? Ang mabuti pa ipasiyal mo nalang iyong kambal at kapag maagang natapos ang meeting pupuntahan ko kayo", nakangiting sabi ko rito.

Narinig ko namang bumuntong hininga ito at kumalas sa pagkakayakap sa akin.

"Ok", walang ganang sagot niya bago tumayo.

Naiiling nalang ako. Nagtatampo siguro at aalis ako sa family day.Malambing nga.

"Baby...", malambing na tawag ko rito at binack hug ko siya. "Huwag ka ng magtampo riyan. Babawi ako pagkauwi ko. Promise mabilis lang ako", dagdag ko at lalo ko pang hinigpitan ang pagkakayakap sa kanya.

"Alright", sagot nito at nakangiting hinarap pa ako sabay yakap sa akin. Nakapalupot pa rin ang mga kamay ko sa beywang nito. "Just take care. Ipagluluto kita ng lunch", nakangiting dagdag pa nito.

Masayang tumango naman ako bago ito binigyan ng mabilis na halik sa mga labi.

"Oo. Promise", sagot ko sabay kalas sa pagkakayakap nito. "Sige na at baka magalit pa sa akin si kuya Michi, importante pa naman iyon. Tsaka dadaan pa ako sa company mo para magpasa ng resignation letter", paalam ko. Nakayakap pa rin kasi ang mga braso nito sa beywang ko at parang wala siyang balak na bitawan ako.

Binigyan niya ako ng maalab na halik bago niya ako binitawan."Sige. Mag iingat ka at ako ng bahala sa kambal", nakangiting sabi pa niya at umupo pa sa gilid ng kama.

Tulog pa kasi ang kambal dahil wala ngang pasok kaya hinahayaan namin silang makatulog ng mas mahabang oras.

Nakangiting tinanguan ko naman ito bago tuluyang lumabas ng kuwarto. Mga kasambahay lang ang nakita ko ng bumaba ako. Tulog pa siguro silang lahat dahil nga weekend.Mabilis akong sumakay sa sasakyan ko. Sa office nalang ako ni kuya Michi mag aalmusal pagkatapos ko sa company ni Adrian.

Michi's Office

"So nasa England sila at doon winawaldas ang perang hindi naman sa kanila", seryosong sabi ko habang nakatingin sa mga larawan na iniabot sa akin ni kuya Michi.

Nandito na ako sa opisina ni kuya Michi at pinag uusapan ang mga bagong nalaman niya. Nakapagresign na rin ako sa company ni Adrian. Suggestion iyon nila kuya para raw makapag focus ako sa mga plano namin. Idinahilan ko nalang kay Adrian na nagpapatulong si kuya Michi sa kanyang company dahil wala ang secretary nito.

Now Hiring:MOMMY?![COMPLETED]Место, где живут истории. Откройте их для себя