Chapter 24: Eh? Anyare?

235 4 2
                                    

YVONNE'S POV:

Naknampating! Spell awkward?? Today!!! After kasi nung nagising akong katabi si Patrick, although he told me na wala siyang ginawa sakin, and I believed him, yeah I believed him, I don't know why rin pero I always feel respected when I'm with him. Kumbaga, kaya niyang manghampas ng ibang babae, pero ako hindi niya ako mapadapuan sa lamok. =__= I love him na! Haha de joke lang yun siyempre. Pero, ay ewan!

So yun nga, after kong magising sa kama niya, pakiramdam ko sobrang pula ko sa buong biyahe pauwi sa bahay. =__= Kahit medyo nalasing ako at nagdrama, alam kong may nagawa akong nakakahiya. *blush*. Kainis naman kase. Sa lahat lahat ng magagawa ko yun pa! Kahit ba naman pag lasing ako, SIYA parin?? Leshe. =_= kelan ba ako tatantanan ng anino niya? Kaasar na! At ang masaklap pa, alam kong nainsulto si Pat sa nagawa ko. Pero bakit ganun, parang wala lang sa kanya yun, parang natutuwa pa siya?? Nag-enjoy??  It is like nothing happened. Normal lang. Ang adik niya ah! Sabagay, amboy eh! =__=

Kame lang ni Patrick ang nakakaalam neto. Itinago ko ito kay Jheng. EH kasi naman baka asarin niya ako at isa pa, parang malungkot ang best ko. Ayoko naman umepal pa. Baka may dinaramdam siya na ayaw niya muna pagusapan, well whenever she is ready, I will always be available to listen. Hay.. kakamiss din ang chikahan namen kahit araw-araw naman nangyayari yun.. >.<

Matatapos na ang klase. Buti nalang at wala si Pat. Ewan ko, kanina may kumausap sa kanya sa labas ng classroom kaya sabi niya sasama lang daw siya saglit tapos ayun, nawala siya bigla. Pero ayun til now, hindi ko alam kung paano titingin kay Pat ng diretso sa mata niya nang walang mararamdamang guilt sa nangyari. Kakabadterp =__= . Eh bakit kasi ambait niya kahit ganun pa ang nagawa ko? (Yung kiss tapos nag-i love you sweetness si Yvonne). O ayan nilinaw na ng author para hindi kayo maguluhan :P Hay, nagugutom nako. T____T Si Jheng ba kasi asan?

Pumunta ako sa canteen para hanapin si Jheng, habang naglalakad ako papuntang canteen, madadaanan ko ang gym, teka.. si Jheng ba yun??

O.O

Ulet-ulet.. lalakihan ko pa para sure...

O______________O

 -----------------------------------

JHENG'S POV:

"Kiss me" Nakita ko kasing papalapit si Dave at buti nalang nagkataong kausap ko si Chris ngayon. At of course, hihindi ba si Chris?? Ito lang kasi ang paraan para makaganti, I mean just to get even with Dave at the expense of Chis. SIge na ako na masama! Ako na! Sana lang mapatawad ako ni Chris T___T. He kissed me. It breaks my heart to use him. T____T unfair yeah, lalo na nung makita kong he closed his eyes when he kissed me. Tapos ako, ang tingin ko na kay Dave na nagkukuyom ng kamay. Yeah! You deserve this A**h**e!

Tama, si Dave ang balasubas na nakita ko sa labas ng school nung time na hinahanap ko si Yvonne at nagpasya akong bumalik sa loob ng school, and boooooooooooooom. Sapul. I saw Dave na hinahalikan ang isang babae, with matching yakap pa. Tsk. Ako lang daw. Tanggala siya, mukha niya!

He just didn't know how much I suffered when I saw that moment. T___________T. I felt my heart sink. Ang sakit. I thought nung una, naexcite lang ako na magkaroon ng mga suitors. But I realized na matimbang talaga ang isa, yeah, I fell inlove. With a wrong one. With the one who just breaks my heart. And what hurts me the most is that, the fact na wala akong makausap tungkol dito. I never told anyone kahit si best, coz I know she is recovering now and I don't want to spoil her moment. Wala na nga akong nagawa nung mga times na down na down siya, panahon ko na ngayon na hayaan siyang sumaya ule. Kahit na ang napakasungit na nilalang ang dahilan, at least.. she is happy.

Itinago ko ang sakit na to. Ako lang mag-isa ang humahandle. Ang hirap pala. Ang sakit. Hindi ko alam kung saan ko ilalagay ang sakit. Mas masakit ito kesa nung nakita ko si Chris na may kaharutan sa library.. Dahil ito.. we had this thing, like a connection, we understand each other, andaming kilig moments, andaming chikahan, andaming memories na pwedeng dumurog sa puso ko anytime now.

It takes years or even a lifetime to build a trust, but it only takes a split second to ruin it. And what's worst, you tend to forget everything and just focus on that second that a person betrayed you.

Patuloy na nagrereplay sa utak ko ang moment when he kissed that girl. Ayoko makarinig ng paliwanag, coz they are nothing but plain lies.

Iniwasan ko na si Dave from that time, he tried to talk to me but I made a lot of reasons para lang wag kameng magkausap dahil anytime baka traydurin ako ng mga luha ko. Ayokong magkaroon siya ng idea na nakita ko ang tagpong yun. I want him to realized what he has done. Pasalamat nalang si Chris sa kanya dahil kung hindi ko nakita yun, sa malamang...hindi niya maeenjoy ang kiss na ito...

Alam kong aasa at aasa si Chris dahil sa kabaliwan kong ito. Bahala na si Batman. T___T. He might just think na I already forget about Dave and the other one, Rodj who still sent me love notes for like forever...Ahm.... I still want to meet Rodj... hindi panakip butas, eh si Chris na nga ang panakip butas dava??! But wala lang, parang yung mga love notes na natatanggap ko mula sa kanya, nag-iiba na.. parang may gusto siyang sabihin. Ay bahala na si Shrek. >.<

--------------------------------

CHRIS' POV:

Sinong tatanggi kapag sinabi ng mahal mong "kiss me"? Ako?? I would love that. But the thing is.... I didn't felt any sincerity. I don't know why pero, parang nakita kong nakamulat ang mata ni Jheng when we kissed. Ang weird, that was supposed to be magical or sweet or.. ewan ambading pakinggan pero diba dapat ganun ang first kiss?? Yeah, that was my first kiss kay Jheng... I mean, not first kiss as in first kiss pero kay Jheng na mahal ko, yeah it is. Ako na bading! Pero tulad ng mga nababasa ko, first kiss should be the most uforgettable moment, it should be the sweetest thing that you can do with your mouth. Pero bakit parang wala lang sa kanya??

Ewan ko if this is just me, or ganun na nga talaga. Biglaan kase siguro? But why? She just feel like kissing me?? Ganun?? What's with her kung bakit sa school pa, dito pa sa gym kung saan maraming tao?? Ang gulo. Saka db, mas close sila ng hinayupak na Dave ba yun?? Tapos meron pang isang asungot na nagsesend ng notes?? Saka miminsan kong nakikitang nakahawak sa kamay ni Jheng si Dave, naging sila ba? Eh? Ewan!! Bahala na. Since siya naman ang humingi ng kiss na yun, so it means, she wanted that, db?? Db?? She wanted me to kiss her. For what ?? Hay, unli na.. wala namang makakasagot niyan kundi siya.

Pero db, pag nagkiss na, sila na?? So kame na?? Ni Jheng?? Now?? Emeged!!!!

Nung nakarecover nako from the kiss,

"Ano tara? Hatid na kita sa next class mo" sabi ko

"Ahm, break time ko na ngayon eh, kain muna tayo kung wala kayong praktis" Eh? Wala ngang praktis pero may try out at kailangan andun ang mga players kasi para magkakilala rin yung ibang magtatry out at ung mga makakapasa. Beyen.

"Ahm, may try out kase ngayon, so bumili nalang tayo ng food tapos sa gym nalang tayo kumain habang nagtatry out ang iba? Ok lang ba yun sayo Hon?" Wahehehe, hon ang itatawag ko sa kanya :)) Kame na db?? Basta!

"Ah ok, ganun nalang siguro :)" Oh db? Wala siyang angal sa 'Hon' :P

Bumibili na kame ng pagkain sa canteen na dadalhin namen sa gym kasi in less than 10 minutes magsisimula na ang try out. Open naman yun for all year level. Kailangan din kasi namen ng mga players lalo na wala na si Ralph kaya nabawasan ang magagaling. Ewan ba dun! Wala na talagang active na contact number. Parang pokemon na nawawala >-< Ngayon ang target ni coach eh yung magaling na para hindi na masyadong tuturuan, pero yung may mga potential, pang reserve sila just in case mangyari ang hindi inaasahan.

Pero siyempre dahil sa kahaharutan namen ng Hon ko, medyo late na kame nakarating, hehe bukod sa mahaba ang pila sa canteen kaninang bumibili kame ng pagkain at bukod sa hindi namen alam ang bibilhin, natagalan kame. Pero andito na kame sa gym ngayon. May napili na ata si coach?? Ganun kame katagal?? Ang OA nila magtry out ah!

O__O

Anong ginagawa ng mga tukmol na ito dito?? Tama ang basa niyo! MGA!!

to be continued...

'Pag Lumingon ka, AKIN Ka!Where stories live. Discover now