Chapter 20: Be my escape

334 5 2
                                    

YVONNE'S POV:

^__________________________________________________^

Marunong pa pala akong tumawa. Hays ang sarap talagang maging masaya kahit saglit lang noh? Parang nakalimutan kong may parte saking masakit. Yun bang sa sobrang pagtawa naten, hindi naten napapansin na hindi na pala masyadong masakit, at least for that moment.

Sinong nagsabing money can't buy happiness? Nakabili kame ng Ice Cream ah! ^__________^

Alright, kahit lokohin ko ang sarili kong ice cream ang nakabuo ng araw ko ngayun, si Patrick talaga. Thanks to him. Bakit ba ang hirap kasing maging masaya? Kailangan pang may isang taong darating para lang pasayahin tayo. Buhay nga naman parang life. Ok naman akong mag-isa ah, single. Tapos may darating na taong pasasayahin ako ng bongang-bongga tapos.....

Tapos! Tapos ang kaligayahan.

Nung isang linggo pa yun, pero hinahanap-hanap ko parin palage ang mukhang nakakapagpasaya sakin. Si Patrick. Sa buong isang linggong lagi niya akong inaasar, niloloko-loko, kinukulit, nakasanayan ko na naman na lagi siyang anjan. Paano kaya kung mawala na rin siya? Itali ko nalang kaya siya sa bewang ko para hindi na siya mawala pa? Selfish I know. Kailangan ko pa ng isang tao para sumaya ng kaunti. Although anjan naman si best, iba talaga ang pakiramdam pag si Patrick eh. At oo, kaunting saya lang. Pag magkasama lang kame sa school. Dahil pag-uwi ko ng bahay, dating gawi, dating pakiramdam, malungkot at nasasaktan. Dahil aaminin ko, hanggang ngayon, SIYA parin.

All it takes is a beautiful fake smile to hide an injured heart and nobody will notice how broken you really are.

Shetness. Eto na naman ako. Emo mode na naman. Kahit kagigising ko lang, walang ibang dumadapo sa utak ko paggising at pagtulog kundi siya. Alam niyo na. Ang hirap magmove-on kasi lingon ako ng lingon sa nakaraan. Kelan kaya matatapos itong kalungkutang ito? Its like a huge hole has been punched through my chest! Bume-Bella Swan! Pero sa totoo lang talaga, napapagod nako.

Psh. Babangon na nga ako bago pa ako mamatay sa lungkot at inis sa kwarto ko. Nga pala folks, itinabi ko na lahat ng gamit, photos, at kung ano-ano pang may kinalaman kay sweetness, dahil ngayon, para sakin, wala nang sweetness, wala nang kame. Ang hirap umasa eh. Naghintay naman ako. Naghihintay parin kahit sa paliwanag lang. Ang sakit lang kasi, he abandoned me, at least manlang sana he grow some balls to tell me why, hindi yung ganito, its like I'm not worth an explanation. Pero kailangan magpatuloy ang buhay. Marami akong kailangan marating para sa pamilya ko. Aukong makulong sa ganito. Mas magiging madali para sakin pag hinarap ko ito ng nakadilat ang mata. 

You never know how strong you are until being one is the only choice you got. Hell yeah!

Knock... Knock...

Knock.... Knock....

Beyen. Ke-aga-aga eh! Baka may nakalimutan pa si best? Eh may susi naman ang brukang yun ah! Saka imposibleng maaga yun umalis eh madalas na ngang absent yun tinatamad daw siya. Parang iritable nga si best nitong mga nakaraang araw eh. 

Knock... Knock....

Naknang tipaklong naman oh! Hindi makapaghintay! Eto na nga eh! Bumangon nako para pagbuksan ka ng pinto peste ka!!!

^________________________________________^

Pag sinuswerte ka nga naman oh! Tingnan mo nga naman, ang mukhang kanina ko pa gustong makita, ang mukhang kwela, sa akin lang ah kasi sa iba masungit yan, ang mukhang laging nakangiti at laging nagme-make face sakin, ang mukhang masarap tingnan  kasi pinapagaan nya lahat ng nararamdaman ko, ang mukhang napakagwapo, ang mukhang hindi mo pagsasawaang tingnan, ang mukhang nakangisi ngayun at nagpipigil ng tawa.....

'Pag Lumingon ka, AKIN Ka!Where stories live. Discover now