Chapter 22: The bet

313 6 2
                                    

YVONNE'S POV:

Yay! Akala ko magmumukmok lang ako sa bahay after ng outreach eh, but thanks to the ever pang-asar na Patrick at lalabas daw kame. May bago raw bukas na bilyaran sa malapit dito sa amin, OMO! Antagal ko na hindi nakakalaro nun simula ng iniwan NIYA ako.

Kelangan ba talaga lahat nalang?? Laging may SIYA???! Napepeste nako!! 

Anyway, nakipagpustahan ako kay Patrick sa bilyar, sana lang hindi siya PRO para hindi niya uriratin ang buong buhay ko! Marunong ako, ahm... medyo magaling pala ako haha ang galing kaya ng tutor ko... waaaaaaaaaah! Tama na nga yun! Magbibihis na ko at nang makaalis na!

Teka, ano nga bang malupet lupet na itatanong ko kay Patrick kung sakaling manalo ako?? Di ba?? Kelangan handa ako noh!! Alam ko na!!! Pero mamaya na lang ako magtatanong pag nanalo na ako. :)) 

Trip kong mag-inum ngayon eh, wala lang, hindi na kasi nababahiran ng alak ang sistema ko, since nung mga times na lagi ko nang kasama ang Patrick na ito, which is very helpful kasi naman hindi nako madalas magwala at mag-iiiyak, para narin makatulog ako ng wagas dahil nga sa araw-araw eh wala akong maayos na naitutulog.

Naligo lang ako ng mabilis at nagpalit ng damit, medyo sexy ang susuotin ko para madistract si Patrick at manalo ako! Hahaha *evil smile* Andaya ko alam ko! Pero magagawa?? Eh sa ngiti palang niya mukhang PRO siya noh! At makulit yun baka malaman niya  lahat ng hinanakit ko sa buhay, hay naku!

Tadaaaaaaaaaa!!! :(( Eh bakit tulog tong mokong na ito??? At sa kama ko pa!!! Feeling close talaga to!!! Ganun ba ako katagal sa banyo??? Feeling ko sandali lang yun ah! Ambilis lang kaya!!!

Pero in fairness, ang gwapo ng mukha niya pag tulog, sobrang amo. Ang sarap hawakan. Teka lapit lang ako ng onti sa mukha niya ah! Wala akong gagawin pramis!!!! Tititigan ko lang talaga siya ng malapitan, nakakahiya kasing masyadong lumapit sa kanya pag gising siya, baka isipin niya crush ko siya, na totoo naman... :))

Yun oh, ang ganda pala ng lips nito! At ang tangos ng ilong, parang half American.. sabagay Amboy nga db??! At ngayon ko lang napansin ang mga pilik mata niya, ang hahaba! Kakatuwa!! Gusto ko man hawakan ang mukha niya, hindi pwede kasi baka magising to tapos isipin niya pa pinagsasamantalahan ko siya!! Pero kung isa-suggest niyo, pwede rin!! OMG sorry Lord!!! Sabi na ngang kailangan ko na mangumpisal!! Jusko patawad sa kapangasahan ko!!! Ang OA na! Wala naman akong ginagawa eh! Nakalapit lang ang mukha ko sa mukha niya kasi tinititigan ko nga! Alangan malayo db, may titig bang so far away??

------------------------

PATRICK'S POV:

Kahit kelan talaga siya, antagal kumilos! Pinaglihi ata ito sa pagong eh! Hays, I felt my eyes sting coz I didn't get enough sleep last night, kakaisip kung ano gagawin ko sa bahay ni Scy pag sinundo ko siya. Since alam kong aabutin ng lightyears bago matapos yun sa sinabi niyang "mabilis na pagbibihis lang" eh alam kong matagal yan. 

I think she won't mind me taking a nap in OUR bed. Naks... fighting spirit dre!

Since I just took only a nap, and I'm an alert person kaya onting tunog lang buhay na ang kaluluwa ko. I heard the bathroom door knob twist, so I expect her to come out, I didn't open my eyes though coz she might not well dressed yet and I don't really want to see that scene in the morning. Ang hirap magpigil. If you know what I mean ^__^

I smelt her from here in the bed, ambango lang! She smell so yummy! Aaargh! Why did I think to lay here where I can smell her freshness from the shower??! Shit!! Bad idea!!!

Her smell seems getting nearer. I don't know but I think she is getting near me. Nearer.... so fucking near!! I can smell her fresh breath right through my cheeks! Is she going to kiss me?? If yes, why didn't she asked?? It will be my greatest pleasure!!! Antagal naman!!! Kating-kati na ang mata kong dumilat!!! 

As I told you guys, mainipin ako! Kaya I opened my eyes and nanlaki ang mga mata niya dahil nakita niyang nakadilat ako. Although naglalaro parin sa utak ko kung bakit siya nasa ganung ayos, I got a naughty idea...

Napaupo siya sa sahig at nanlalaki parin ang mga mata niya sa gulat, sa hiya, ewan ko!

Unti-unti akong bumangon at lumapit sa kanya habang siya nakasalampak sa sahig at para siyang napako sa kinauupuan niya. She didn't even move away, basta nakaupo lang siya sa sahig. Ang pwesto namen, gumapang ako papalapit sa kanya, siya naman hawak ang dibdib niya tapos ung isang kamay niya nakatukod sa sahig para hindi siya matumba, ako naman napakalapit ko na sa kanya na halos nakapatong nako sa kanya, wala naman siyang imik...

"If you want a kiss, all you have to do is ask" I told her with a wide grin on my face. I let myself get closer, yung parang hahalikan ko siya, pero hindi ko yun gagawin bigla ah, makikiramdam muna ako dahil baka feeling niya binabastos ko siya. Ang lapit-lapit ko na...

"Heh!" Sabay tapal ng towel sa lips ko  para hindi dumampi sa kanya!  Sayang! Sana binilisan ko pala! "Ah - Eh, *gulp* may parang may nakita kasi akong... ahm...*gulp*  insekto! Tama! Insekto pumunta malapit sa ano...*gulp*  sa may ilong mo, tama, sa ilong mo kaya hihipan ko sana. Ta-tapos *gulp* bi-bigla kang dumilat!! Yun!! Yun lang naman!!" Whoah! Very well said sweety! Very well said!! Clap!! Clap!! Clap!!

"Hahahahahahahahhahah" Napaupo na ako sa sahig katabi siya sa katatawa! Uutal-utal talaga siya noh! Guilty!!! "Hell yeah, insect...You should have seen the look on your face baby... hahahahah"

"Aaaaaaaaaaaaaaah!! Nakakabanas ka talaga!!! Natakot ako sayoooooooooo! Buwiset kaaaaaa!" Sinisigaw niya yan kasabay ng paghampas sakin ng kung ano-anong mahawakan nya, unan, blanket, towel basta lahat pati tsinelas na pambahay pinagpapapalo niya sa akin! Amazona.

----------------------------

YVONNE'S POV:

Waaaaaaaaaah!! Nakakahiya!!!! Ano ba tooooooooooooo!!! Gising pala ang demonyong itooooooooooooooo!!!!! Eh bakit kasi hindi siya agad dumilat nung lumabas ako ng banyoooooooo????? Tungunu!!!! Nakakahiyaaaaaaaaaaaaaa!!!

Hanggang ngayon hindi ko parin alam kung may laway pa ba akong lulunukin mamaya pag-alis namen, dahil lahat ata ng laway ko nalunok ko na sa kakaisip ng dahilan sa kung bakit ako ganun kalapit sa kanya. Peste talaga!!!!!!!!!! Bakit ko pa ba kasi naisipang lumapit pa sa may mukha niya!!! Malay ko naman kasing didilat yun!!! Tulog siya diba?? diba??

T________T Lagi nalang sheeeeeeet!!!!

Pagkatapos ko siyang paghahampasin, inalalayan niya akong tumayo at nangangatog parin ang buong katawan ko hanggang ngayon, paano kaya kung hindi ako nagkalakas-loob na kyompalin siya ng towel? Nahalikan niya kaya ako? Hahalikan nga niya kaya ako?? O talgang nang-aasar lang siya, alam kong talagang talent niya yun eh, pero ewaaaaaaaaaaaan!!!!

Potah ka Patrick ka!! Kailangan ko talaga ng alak ngayon! Sobrang awkward ng moment sa bilyaran pag nagkataon!! Nebeyen!!!!

------------------------------------------

A/N: Sino kaya ang mananalo? Mananalo kaya si Scy kung malalasing siya??

Comments, votes...:))

'Pag Lumingon ka, AKIN Ka!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon