Chapter 19: Official Crying Day

343 5 2
                                    

JHENG'S POV:

Bakit nag-iiyakan ang mga tao ngayon??? Ano bang meron?? Sino bang namatay??

Well, kung tatanungin niyo kung asan ako... Nasa labas ng school, malapit sa epic na Ice Cream parlor na bagong bukas.Hinahanap ko kasi si Yvonne, eh malamang lumabas yun kasi badtrip siya kanina sa sinabi ni Ma'am tungkol sa outreach program sa boystown.

Alam ko kung bakit nag-iba ang mood ni best, pero hindi ko sasabihin hehe ^__^

Mabalik tayo sa iyakan moment... si Jonathan naglalakad palayo sakin, pero sa gilid kitang-kita kong umiiyak siya... bakit???? Ano na naman bang madramang hangin ang umihip sa kanya at eemo-emo na naman? Lagi nalang! Bwiset na ito! Iyakin! Kaya hindi sinasagot ni best eh!

Tapos sa kabilang gilid, may babaeng umiiyak... si Hanna... yung kaibigan ni Jonathan na pinakilala niya sa akin nun sa bar.... bakit din??? Nag-away sila??

Sinusundan ng tingin ni Hanna si Jonathan...

Tsk... tsk napakakumplikado talaga ng buhay...

See.... si best... ayun oh!!! Palabas ng Ice Cream Parlor..... O___________O

Kasama niya si Liam??!! Masaya sila??? How could that have happened??? Eh giyera ang life pag magkasama tong dalawang ito ah!!

Change of hearts???

OMG... Alam ko na kung bakit umiiyak si Jonathan... pero si Hanna?? Aba malay ko hindi naman kame close!

Tse!

Pede tumalon-talon sa tuwa?? Eh kasi naman, antagal ko narin hindi nakikita ang best kong ngumiti, i mean, humalakhak! She deserved it noh!

Boy magnet talaga haha! Sandali lang maiwan, siguradong may aali-aligid na agad! At wala akong say kundi yey!! Ang gwapo lang ni Liam noh!

Masaya talaga ako sa bestfriend ko! Aba sobrang parusa sa kanya ang pag-iyak gabi-gabi ah! Lagi ko man siyang niyayakap para macomfort, it wasn't enough. Nobody can ease that pain that she is going through except for the same person who caused it. Funny right?

I always feel like a crappy bestfriend kasi I cannot comfort her eh, hindi ko alam kung ano gagawin ko sa tuwing nananaginip siya at iiyak. Shit kasi si Ralph! Heaven na naging Hell pa! Gusto ko rin malaman kung ano bang nangyari sa kanila. I've been the living witness on how they loved each other, and the living witness on how he just left her. Saklap much talaga.

Ang hirap magkaroon ng simpleng love story. Laging nagiging kumplikado. Laging napapalibutan ng pagtatanong, selos, pang-iiwan, iyak, at kung ano-ano pa.

Yvonne still loves him. So damn much. Umaapaw parin. Kasama ng umaapaw na sakit.

Wala akong karapatang magtanong kung asan si Ralph dahil dakilang bestfriend lang ako, pero nahihirapan din naman ako na nakikitang nagstruggle talaga si best para mapagaan ang buhay sa araw-araw, kahit masakit, at masakit rin para sa akin.

She kept herself busy all the time para lang hindi niya maalala pa si Ralph, when she decided na hayaan na muna si Ralph, parang mas lalong naging mahirap. Itinago man niya lahat ng mga gamit na binigay ni Ralph, andun naman lahat sa utak at puso niya lahat.

Nagpapart-time parin siya sa bar pero sa tuwing may magrerequest sa kanyang kumanta, hindi na niya ginagamit pa ang gitara niya. Hindi ko narin siya nakikitang nagwawala sa gym, hindi narin masyadong umiinom, hindi narin nagpupunta sa park. She really is strong. Tinutulungan  niya ang sarili niya na makalimot.

Ang tanong ngayon, kung hindi na nga ba babalik ang tukmol na Ralph?

Mabalik tayo kay Jonathan naman na tumutulo na ang uhog sa kakaiyak... :P

'Pag Lumingon ka, AKIN Ka!Where stories live. Discover now