Chapter 18: Thanks to the newly opened Ice Cream Parlor

373 6 1
                                    

A/N: Guys!!!! I'm sorry sa matagal na update ah!! Busy much ang lola eh! Hope you like the update guys! Mwah! Mwah! Salamat sa dumaraming readers! <3

-----------------------------------------------------------------------------------------------

Chapter 18: Thanks to the newly opened Ice Cream Parlor

CHRIS' POV:

Asan kaya si Jheng ngayon? Mamaya pa ang Math class namen kaya mamaya sure ball na makikita ko siya :) Pero hindi ako mapakali eh! Basta sa isang part ng utak ko sinasabing kailangan ko siyang hanapin. Ngayon!

I know right. I'm a dumbass. Hindi agad ako gumawa ng move para lalo kameng mapalapit sa isa't isa kaya ngayon para akong asong hahabol habol sa kanya, lalo na ngayon at may umaaligid na asungot sa kanya kasabay pa ng nagbibigay ng notes. Siya na!

Di kaya magkasama sila ni ... ewan! Ayokong isipin ang impaktong yun! Pag naiisip ko kung paano niya hinahawakan ang kamay ni Jheng at kung paano siyang ngingiting  parang nakakalbong aso sa kin nakakaasar talaga! Nagpipigil lang talaga ako dahil ayokong magkaroon ng bad impression si Jheng sa akin na barumbado ako!

Pero pramis, pag humirit lang talaga ang damuhong yun sakin ng hindi ko magustuhan, naku! Baka hindi nako makapagpigil pa! 

Bakit ba kasi sa dinami-dami ng babae dito sa campus, si Jheng pa ang natipuhan ng damuhong yun?! Sabagay, alam ko na ang sagot jan!

Yeah! Mukhang sinuswerte ata ako ah!!! Mukhang siya ang magbibigay ng daan para makita ko agad si Jheng :))

"Hi Sweetness!!!!" It was to the nth power! Eh kasi naman hindi siya lumilingon eh!!! Alam naman niyang siya lang ang pambansang sweetness ng buong varsity ng basketball noh! Baka siya rin makapagsabi sakin kung asan si Von (Ralph) kasi halos 2 weeks na hindi pumapasok eh. Wala rin naman nabanggit si Jheng sakin. Masyadong masikreto!

Nung nakalapit nako sa kanya.

"Oi! Sweetness, kamusta ka? Looking good ah!!" Totoo naman eh, she really is pretty! Pero hands off at eyes off lahat ng varsity jan dahil makikipagpatayan talaga si Von para sa kanya! Ang ganda pa pumorma, hindi niya siguro alam na sobrang lakas na nga ng sex appeal niya, poporma pa ng ganyan! Siyempre lahat ng lalaki mapapalingon! Sexy kung sexy! Panalo rin sa mukha! Saan ka pa Von db?! Eh kahit ako makikipagpatayan dito noh!!

"My name's SCY with a C and not some sweet or something!" OMG galit siya sakin? Ano ba sinabi ko?! Eh sanay naman siya sa tawag ng buong team sa kanya ah! Pati nga si coach sweetness ang tawag sa kanya eh! And Sky with a C??? The hell! Napatingin ako sa katabi niya. At Oh my fucking shit!!! May kasama siyang lalake?!!! Ibang lalaki!!!! At nakahawak sa bewang niya??? Spell swerte? Yung lalaki!!! I smell something sooooooo fishy!!! 

"Ah ok, sorry, sino siya?" Curious lang ako eh! Sino bang makakapagsabing hindi si Von ang kasama niya ngayon?

"Ahm, this is Patrick. See you around" Ngak! Patrick daw sabay alis!! Parang mapupunit na ang mukha ng lalaki sa ngiti! Puta na yan!! Itong magbestfriend na ito!! 

Kaya ba hindi pumapasok si Von? Wala na kaya sila? Kasi may lalaki si Sweetness?? Imposible yun! Kasi balita ko nung buong sembreak hindi umuwi si Von sa mga magulang niya para makasama si Sweetness eh! Sinasamahan niya pa nga sa trabaho niya. Bakit nagkaganito? Bigla nalang may susulpot na haliparot na lalaki tapos mawawala si Von sa eksena? Tanggala yan! Daming epal!!

Kung tingnan ni Sweetness si Von parang siya lang ang lalaki sa mundo at parang walang ibang tao sa paligid. At ang mga mata niya, ang saya tingnan. At kung paano sila mag-usap parang humihinto ang oras. Parang walang katapusang tawa, harutan, at kiligan. Walang katapusang cheesy lines ni Von at walang katapusang halakhak ni sweetness. Parang meant to be sila. They fit into each other's body. Kung merong makakapagmodel ng sweetest smile on earth si Sweetness yun eh! That's how she loved Von. At ang puppy eyes niya pag may request siya. Walang makakahindi. Nakakainggit talaga, oo aaminin naming lahat sa team. Ang sarap nilang tingnan. Perfect.

'Pag Lumingon ka, AKIN Ka!Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα