chapter 18.2

355 5 5
                                    

JONATHAN'S POV: 

I know namiss niyo na naman ang POV ko lalo na si Hannabax.... yung favorite reader ng author :P

Actually, wala akong klase today and I really want to take this chance para hanapin si Yvonne a.k.a SCY. Alam kong kailangan niya kame ngayon, mga kaibigan. If that's what I am to her sa ngayon, ok lang. I will be what she needs me to be.. a friend. Saklap? Oo, pero anong magagawa ko? Mas mahalaga ang nararamdaman niya kesa sa pinipilit (or lets just say, umaasa) na nararamdaman ko. Naging busy ako these past few days eh, sa banda, kay Hanna. Yes, she is always around me. Ayoko mang sabihing nakakairita na, dahil ayoko nang ibalik pa ang feelings ko for her, and mukhang hindi na nga babalik pa... Ewan. Pero she will always be special to me. She will always be the baby girl na nakilala ko at minahal ko. 

I always feel happy parin everytime na magkasama kame ni Hanna, pero kasabay nun ang awkwardness dahil sa nangyari. Pati pagkakaibigan namen nagkalamat na kasabay ng pagkalamat ng nararamdaman ko sa kanya. Mahirap naman talagang maiwan. Maiwan ng clueless sa kung bakit. 

Gusto ko parin makahanap ng sagot sa nangyari sa amin ni Hanna, pero sa tuwing magpaparinig siya na kailangan namen mag-usap ng personal and private, umiiwas ako. Gusto ko nga bang marinig pa ang paliwanag niya? Or natatakot na ako ngayon sa mga pwede kong marinig? Bakit? Dahil baka bumalik lang lahat ng sakit? O baka naman natatakot lang akong malaman na hindi niya ginusto ang nangyari? At napaglaruan lang kame ng pagkakataon at sumuko agad ako at nagmahal ng iba? O baka naman mahal ko pa siya? Mahal ko si Yvonne... tama... siya ang mahal ko. Kaya hahanapin ko siya ngayon!

Eto narin siguro ang dahilan kung bakit naiintindihan ko ang nangyayari kay Yvonne, coz I've been there! Naiwan ako ng walang kamalay-malay, nang hindi ko alam ang tunay na nangyari sa kung bakit kailangan pang may umalis na mahal na mahal natin sa panahong halos  hindi na natin kayang wala sila. Sa panahong nasanay na tayong anjan lang sila sa tabi, na laging anjan. Pero sa isang iglap... matatapos ang lahat ng nakasanayan.

Na darating bigla ang araw na masasabi mong, "where do I go from here?". Tama nga si Bob Ong. Wag tayong masanay sa mga bagay na pwede namang wala sa buhay natin. 

Pwede namang sa una palang hindi ko na sinanay ang sarili kong anjan palage si Hanna, pwede namang naging normal na magkaibigan nalang kame. Pwede rin namang hindi ko na siya minahal sa una palang, para nung oras na umalis siya, hindi mahirap.

Pero hindi ko napigilan, sa bawat araw na magkaibigan kame, padagdag ng padagdag ang pgmamahal ko bilang higit pa sa kaibigan niya. I have been the happiest man alive when she admitted that the feeling is mutual. I will never exchange that for anything else in the world.

Sa diname-dami ng pinagdaanan namen ni Hanna, bakit hindi ko maisantabi ang takot at sakit at pakinggan ang paliwanag niya para narin malinawan na ang nangyari? Dahil narin siguro sa masyado akong nasaktan sa pag-alis niya. Nang walang paalam. Sa dinami-dami nga naman ng pinagdaanan namen, hindi ko naisip na kaya niya yun gawin sa akin.

PAIN MAKES PEOPLE CHANGE.

 Ang sakit ng paghihintay sa isang bagay na hindi sigurado, nakakamatay higit pa sa nakakainip. Para kang nag-aabang ng byahe ng tren sa alas dos ng madaling araw ngayong alam mo naman sa sarili mo na last trip na yung pang 1:30. Nahuli ka na nga umaasa ka parin. Alam mo namang wala ka nang hinihintay pero nagbabaka sakali ka parin. Malay mo nga naman di ba? Sino bang makakapagsabing sa araw-araw hanggang 1:30 lang ang byahe ng tren? Pwede naman sigurong minsan sa isang taon maging alas dos ang huling byahe db?... Posible naman yun eh. Pero hindi sigurado kung kelan. Yun lang.

Parang sa sitwasyon ko na naman ngayon pagdating kay Yvonne. Naghihintay na naman ako. Matagal na akong naghihintay pero ok lang at least alam kong anjan lang siya. Na baka malay natin, isang araw magising siya ako na ang mahal niya at hindi ang taong nang-iwan sa kanya. Eto na naman ako umaasa. Na baka sa biyaheng ito, makasakay na ako. Na hindi ko na kailangan pang magbakasakali araw-araw na baka malay natin, UMAYON na sa akin ang tadhana.

'Pag Lumingon ka, AKIN Ka!Where stories live. Discover now