Chapter 4: First date...

521 8 6
                                    

SUNDAY, 7:30 PM

This is it! The first ever date ni Yvonne at Jonathan.Oh db! May date ang ating bida sa isa sa pinakapinagkakaguluhan at pinakatitilian ng mga babae sa loob at labas ng school...

Pinahiram siya ng damit ng ever dearest bestfriend niyang si Jheng gaya ng napag-usapan nila.

She will be wearing..... tadaaaaaaaaaa! >>>>>>>>>>>>>>>>>>> Tingin sa kanan nah!

Ganda ng bida natin noh?! Haha..minsan lang yan, kasi hindi naman siya mahilig mag-ayos...

At siyempre , kagagawan yan ng bestfriend niyang si Jheng...

Reading, ready na siya... kaya lumabas na ang ating bida para makahanap ng taxi....

Nang.....

Splaaaaaaaaaaaaaaaah! Whew! Natalsikan lang naman siya ng tubig dahil sa napakabilis na kotseng tumatakbo!

"Shit! Ano ba yan?! peste! pano na ang date ko nito?!"

Biglang huminto ang sasakyan at may lumabas na lalaki....

"Miss, sorry hindi ko talaga..."

Pagkakita niya sa mukha ng babae....

Paaaaaaaaaaaaaaaak! Sinampal na siya nito! Aw !

"Ikaw?! Anong hindi mo talaga? Hindi mo talga ako nakita? Sa laki kong ito hindi mko nakita?!"

"Pano naman ako makakapagpaliwanag, eh andami mong sinasabi?"

"At ikaw pa talaga ang may ganang umangas eh ikaw nga ang nakadisgrasya?!

Kumuha ang lalake ng panyoa t akmang pupunasan ang damit ni Yvonne...

"Wag na wag mkong hahawakan! Bastos!"

Magsasalita sana ang lalaki nang biglang lumabas ang isang sexy, matangkad at mukhang sosyal na babae sa kotse...

"Baby, lets go na..."

"Ok, sige pumasok ka na sa kotse.."

"Tama! Lumayas na kayung dalawa! Buwiset!"

"Pls. I'm sorry.."

"Shut up!"

At nagmamadali umalis si Yvonne at ang lalaki naman eh nakatayo parin... Nang hindi na niya matanaw si Yvonne... umalis narin siya..

----------------------------------------------------

Pagdating sa dorm...

"Peste! First date na naging bato pa!"  --- nanggigigil si Yvonne habang si Jheng naman eh natulala sa nakita niyang ayos ni Yvonne na parag ilang minuto palang kanina eh ubod siya ng ganda...

"Best ano nangyari sa damit?"

"Bestfriend mo nga ako noh! Inuuna mo pa talagang kamustahin ang damit mo!"

"Hindi naman best,, nagulat lang ako, kasi kanina lang ang ganda ganda mo tapos ilang minuto ka palang sa labas eh basang-basa ka ng dadating??"

"Eh pano ba naman, may dumaang kotse sa harapan ko na ubod ng bilis at tinalsikan tuloy ako ng tubig! Nakakainis!"

"Ha! malas mo naman best! pano na yan? Pano na ang mangyayari sa date niyo? Late na!"

"Naku ayoko na lang pumunta pag ganito rin lang ang ayos ko... itetext ko nalang siya na something came up kaya hindi ako matutuloy"

Texting Jonathan:

"Hi! I'm so sorry hindi ako makakarating, next time nalang sorry talaga.."

Yun lang ang sinabi niya at nag-ayos na si Yvonne para magpahinga nalang at magbonding sila ni Jheng dahil wala na siya sa mood para sa date..

-----------------------------------

JONATHAN'S POV:

Toootoooot,, toooootooooot...

One message received.

From Yvonne: "Hi! I'm so sorry hindi ako makakarating, next time nalang sorry talaga.."

"Ano?" -- gulat na nasabi niya na medyo malakas kaya naman ang mga tao eh sa kanya na ngayon nakatingin...

Ano kaya ang nangyari sa kanya at bakit hindi siya sisipot?

Hindi ba talaga niya ako gustong makadate kaya ganun?

Oh baka naman may nangyari nga at importante kaya yun ang inuna niya?

Ano nga kaya ang nangyari?

Ngayon lang ako nagkalakas ng loob mag aya ng date sa kanya tapos ganito pa? Disaster?

Hay ano ba naman yan... Makauwi na nga lang at bukas na bukas din sa school kakausapin ko sila ni Jheng para alamin kung ano talga ang totong rason kung bakit hindi siya nakarating.

-----------------------------------

A/N:  Waaaaaaaah! First date palang disaster na! Tsk... Tsk.. Tsk...

'Pag Lumingon ka, AKIN Ka!Where stories live. Discover now