Ang mensahe ng manunulat.

349 9 0
                                    

So ayun po, dito na nagtatapos ang kwento ng pamilyang Grundeil. Sana po ay nagustuhan niyo :)

This is my very first time na may natapos akong story. Yup! First time ko talaga 'to hahahaha usually kasi lagi ko lang nasisimulan ang isang story at hindi ko na natatapos kasi hindi ko alam kung paano tatapusin at minsan (actually, madalas) pa'y nagkakaroon ako ng writer's block.

Naalala ko pa no'ng sinimulan ko 'tong isulat way back 2nd or 3rd week of March 2018, tuloy tuloy ko lang 'tong isinulat hanggang April at hindi ko namalayan na 38 chapters na agad ang nasulat ko pero no'ng nasa kalagitnaan na ng Momentous 39 ay wala na akong maisip kaya lumipas ang ilang araw, linggo at buwan ay wala pa rin akong maisulat. Sobrang nahirapan ako at the same time ay nainis dahil kung kailan patapos na tsaka naman ako naubusan ng idea -_-

Hanggang sa may himalang dumating at natapos ko na ang 39th chapter, actually may dalawang version ang Momentous 39 pero syempre isa lang ang pinublish ko. Natapos ko na rin ang Momentous 40 at sobrang saya ko pero pag dating na sa last chapter ay wala na naman akong maisip kaya natagalan na naman, since never ko pa naranasan na may matapos akong story, hindi ko alam kung paano tatapusin 'to kaya nga naging gano'n ang resulta.




WALA NA PO ITONG PART TWO.




Gustuhin ko man na gawan ng part two ngunit nahihirapan ako so mas pinili ko na lamang na huwag gumawa ng part two :3

Originally, Momento Morie sana ang title ng story na 'to ngunit subalit datapwat lol, habang nag i-scroll ako sa library ko ay nakita ko ang isang kwento na halos pareho ang title sa naisip kong title kaya ang ending ay naging "The Momentous Premier" na lang.



Nais ko pong magpasalamat sa lahat ng sumuporta, sumusuporta at susuporta ng TMP! Mahal ko kayong lahatttt❤


Omg ganito pala ang pakiramdam pag may natapos kang story, hindi talaga ako makapaniwala *insert very over acting todo na to teary eyes* lols hahaha


So ayun, dito ko na tinatapos ang mala-MMK kong mensahe hehez. Muli, maraming salamat! ❤





-m u r i a t i c a l y y ♡

🎉 Tapos mo nang basahin ang The Momentous Premier [𝘚𝘰𝘰𝘯 𝘵𝘰 𝘙𝘦𝘷𝘪𝘴𝘦] 🎉
The Momentous Premier [𝘚𝘰𝘰𝘯 𝘵𝘰 𝘙𝘦𝘷𝘪𝘴𝘦]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon