Momentous 2

675 32 5
                                    

×××

Napatingala ako at binasa ang nakasulat sa arko.

Arturia Town.

Nandito na pala kami, umupo rin ako ng maayos matapos mabasa ito.

“Nandito na tayo ngayon sa loob ng Arturia Town.” Biglang sabi ni aunt Trinity.

May kalayuan pala 'tong bayan na tinitirhan ni Aunt Trinity sa bahay namin. 5 hours ang biyahe at namamanhid na ang pwet ko. Nagugutom na rin ako dahil malapit nang mag tanghalian, napatingin ako sa orasan sa kotse. 9:53 na pala malapit nang mag alas diyes.

After 10 minutes siguro ay muli akong napatingin sa labas ng bintana at napansin ko na maraming tao at may iba't ibang uri ng paninda ang nag kalat. Ito siguro ang palengke ng Arturia.

“Ito ang pinaka malaki at malapit na palengke saatin, dito ka mamimili ng mga kailangan sa bahay. Huwag na huwag kang pupunta sa kabilang palengke, huwag ka nang mag tanong kung bakit. Basta huwag kang magkakamaling pumunta roon, kung naroon ang kailangan mong bilhin ay ipagpabigay alam mo agad saakin at ako na ang bahalang bumili.” Napatango na lang ako bilang kasagutan at ibinalik ang paningin sa labas ng bintana.

Ibinaba ko ang salamin ng bintana at napansin kong kahit marami ngang tao dito sa palengke ay napaka tahimik nila, at kinikilabutan ako dahil sa katahimikan. Napansin ko rin na biglang napapahinto sa pag lalakad ang mga taong napapasilip at napapatingin dito sa loob ng sasakyan at yumuyuko sila. Nahuli ko 'yong isa na nakatingin sa driver's seat at 'gaya ng iba ay yumuko rin siya hanggang sa makalampas kami. Napatingin naman ako kay Aunt Trinity, at mukhang hindi niya napansin na napatingin ako sakanya dahil napaka seryoso niya at nakatingin lang siya sa daan.

“Paki-sara ng mga bintana” biglang sabi nito at dahil sa pagkabigla ko ay isinara ko na lang ang bintana.

Makalipas ang kinse minutos ay may natatanaw na akong malaking bahay, may mababang gate naman ito at parang gawa lang sa kahoy—matibay na kahoy.

Napansin ko na biglang iniliko ni Aunt Trinity ang sasakyan papunta sa bahay na tinatanaw ko, ito na ata ang bahay niya. Pero hindi ko inaakala na napakalaki nito at puro kakahuyan pa ang paligid, at itong bahay lang siguro ni Aunt Trinity ang malayo ang distansya sa ibang bahay at sobrang laki. Karamihan kasi sa mga bahay dito ay magkakatabi at malalaki—mas malaki nga lang talaga 'yong kay Aunt Trinity. Siguro mga 1-2 minutes ang layo ng mga bahay dito sa bahay ni Aunt Trinity.

Ipinasok niya sa loob ng gate ang kotse niya, may isang malaking pabilog na fountain naman sa gitna

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ipinasok niya sa loob ng gate ang kotse niya, may isang malaking pabilog na fountain naman sa gitna. Iginarahe naman ni Aunt Trinity ang kotse sa mismong harap ng bahay, may sumalubong saamin na dalawang lalaki at yumuko nang bumaba si Aunt Trinity. Pumasok ang lalaki sa kotse at pinaandar niya ito paikot sa circled fountain at tsaka niya iginarahe doon sa gilid na parte ng garden. Ang lawak ng garden ni Aunt Trinity, siguro dalawang basketball court ang measure nito. 'Yong isang lalaki naman kanina na kasama no'ng sumalubong saamin ay kinuha ang mga gamit at bagahe namin, napatingin ako sa double door. Ang laki at ang taas.

“Ate tara na!” biglang tawag saakin ng aking kapatid kaya agad ko siyang sinundan.

Halos malula naman ako pagpasok ko sa bahay, sobrang laki kasi at vintage ang style ng bahay ni Aunt Trinity. Sa unang pag pasok mo sa bahay ay sasalubong sa'yo ang napakalaki at napakagandang chandelier at pati na rin ang napaka laki at engrandeng kahoy na hagdanan at napaka kintab nito na tila araw araw itong nililinis. Sa right side naman ay mayroong isang step ng hagdan pababa sa sala. Napaka spacious ng bahay ni Aunt Trinity. Sa left side naman ang una mong makikita ay ang napaka habang dining table na sa tingin ko ay kakasya ang 20-30 katao at mayroon ding malaki at magandang chandelier sa taas nito.

Ang ganda talaga dito sa bahay ni Aunt Trinity, nakakamangha sa sobrang ganda at laki. Nag lalakihan at naglalapadan din ang mga bintana at nagkakapalan naman ang mga kurtina nito, halos umabot na sa kisame ang taas ng bintana.

Napatingin ako kay Amritta at 'gaya ko'y nakanganga rin siya habang nililibot ang paningin sa buong bahay, huminto sa paglalakad si Aunt Trinity kaya naagaw niya ang atensyon namin.

“Bawal na kayong lumabas kapag pumatak ang ala sais ng gabi, huwag na huwag rin kayong magkakamali na tumungtong sa gubat sa likod ng bahay. Matulog agad kayo at 'wag pakialaman ang kahit ano. Kailangan rin nakasara na lahat ng bintana at pintuan. Lahat ng kwarto rito ay pwede niyong pasukin—pwera na lang sa kwarto ko at sa isa pang kwarto sa pangatlong palapag. Mayroong dalawampo'ng kwarto rito kasama na roon ang library, music room, movie room at kung ano ano pa. May siyam na hindi pa okupadong kwarto rito, kayo na ang bahalang pumili sa magiging kwarto niyo. Aakyat na muna ako sapagkat may trabaho pa akong gagawin, tawagin niyo na lang ako kapag kakain na. Nasa opisina ko lang ako sa tabi ng kwarto ko. Ayusin niyo muna ang mga gamit niyo at kung gusto niyong mag ikot ikot ay sige lang basta huwag kayong lalayo sa mansion at huwag rin kayong papasok sa gubat. Sa ngayon ay huwag niyo munang alalahanin ang mga gawaing bahay, bukas kayo mag uumpisa. Mauna na muna ako.” paalam niya saamin tsaka siya umakyat sa hagdan papunta sa pangalawang palapag.

Napa-'woah' naman ako sa bilis at straight ng pananalita ni Aunt Trinity, kinuha na namin ni Amritta ang mga kagamitan namin tsaka kami umakyat sa hagdan.

Pero napakarami ng mga katanungan ko sa isip.


Bakit bawal nang lumabas pag patak ng ala sais ng gabi?

At bakit bawal pumasok o pumunta sa gubat?

×××

The Momentous Premier [𝘚𝘰𝘰𝘯 𝘵𝘰 𝘙𝘦𝘷𝘪𝘴𝘦]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon