Momentous 38

215 10 0
                                    

×××

Nandito ako ngayon sa opisina ni aunt Trinity, nakaupo sa kanyang swivel chair at nakaharap sa pader na may malaking picture ni aunt Trinity. Narinig ko ang marahas na pag bukas ng pinto pero hindi ko ito nilingon at nanatili lang akong nakatalikod doon.

“Please..” naitagilid ko ang ulo ko. “Please find and save my brother.” hinarap ko ang taong nasa likod ko.

Nakatayo doon si Hale na para bang pagod na pagod na at stress na stress na pero maganda pa rin at fierce pa rin, at pakiramdam ko hindi iyon pakiusap kundi utos. Tiningnan ko lang siya na para bang walang kwentang bagay pero hindi siya natinag.

“Of course I will find and save him.” madiin kong sabi “Hindi mo na ako kailangang utusan pa. I know what I will and can do.”

Pagkasabi ko no'n ay tumingin ako sa pinto na para bang pinapalayas siya at mukhang nakuha niya naman iyon dahil tinalikuran na niya ako at nag lakad palabas pero bago niya ako talikuran ay nakita ko pa ang pag angat ng gilid ng labi niya, nang makalabas na siya ay si Kennedy naman ang pumasok.

Nakatulala lang siya saakin habang palapit siya hanggang sa makaupo sa upuang nasa harapan ko kaya nama'y napakunot ang noo ko.

“What?” napailing iling siya.

That's not you, nagbago ka na.” napataas ang kilay ko. “This is really not so you, Avrice. I think you're Freigh, the beast, the fierce one.”

“Seriously, Kennedy? What are you talking about?” nakakunot pa rin ang noong tanong ko, napahingang malalim si Kennedy.

“Siguro nga lumabas na ang totoong ikaw.”

“What do you mean?”

“Fierce. Harsh. Expressionless. That's one of the personality of the Grundeil family and especially for the momentous premier.”

Natigilan ako. Fierce? Harsh? Expressionless? Did I really changed? And wait a minute..

Natapos ko nang basahin ang libro pero hindi ko pa rin alam ang ibig sabihin ng Momentous Premier, they keep on saying that it's me. But I still don't get it.

I was about to ask her about that "Momentous Premier" thingy but someone knocked the door, sabay kaming napatingin sa pinto at hinintay itong bumukas. Pumasok si Lad, sumaludo siya saamin nang makita kami at yumuko ng makalapit.

“What's up girls!” tinanguan ko lang siya samantalang binati rin siya pabalik ni Kennedy.

“Bakit nga pala kayo nandito sa loob ng opisina ni Maerrie? Hindi bat bawal pumasok at tumambay dito? Siya lang ang pwedeng manatili dito.”

“Well..” sinulyapan ako ni Kennedy at napatango tango naman si Lad na para bang naiintindihann niya ang ibig sabihin ni Kennedy.

“What brings you here, Lad?” tumingin saakin si Lad.

“Hmm. Si Maerrie talaga ang ipinunta ko dito kaso wala siya eh so sainyo ko na lang ipapakita 'to.”

Sabi niya at ipinatong sa mesa ang isang brown envelope na dala niya pala, binuksan niya 'yon at nilabas ang laman. Tiningnan naming tatlo ang nilabas niya, pictures.

“Umuwing sugatan ang isa sa mga tauhan kong nag bulontaryong puntahan at tingnan ang teritoryo ng Cambion Tribe, hindi naman siya nag iisa. Madami sila pero hindi nila napansin na inatake siya ng mga cambion, buong akala niya'y papatayin siya ng mga ito dahil hinang hina na siya sa pakikipag laban sa kanila pero ibinigay ito sa kanya at sinabing ibigay saakin.” Nakakapanibago ang pagiging seryoso ngayon ni Lad, nasanay na kasi akong maloko siya.

Napakuyom ang kamao ko sa nakita, naramdaman ko rin ang pag babago ng kulay ng mga mata ko.

“Agghh!!!” galit na sigaw ko at hinawi ang mga nakapatong sa ibabaw ng mesa, napatayo silang dalawa sa gulat.

Gamit ang buong lakas ko ay binuhat ko ang mesa at patagilid ko itong tinapon, nabasag ang salamin.

“A-avrice STOP!” sigaw ni Kennedy.

“What's happening here?!” natatarantang tanong ni aunt Cynthy at nagulat siya sa nadatnan.

Marahas akong napahawak sa dibdib ko at napaluhod, at dahil nga nabasag ang salaming nakababaw sa mesa ay madaming bubog ang nag kalat at bumaon ang mga iyon sa balat ko sa tuhod pero hindi ako nakaramdam ng anumang sakit dahil sa galit na nararamdaman ko.

“I will find them and kill them all.!” galit na galit na sigaw ko at biglang sumabog ang mga ilaw dahilan para dumilim sa buong paligid, pakiramdam ko ay nanlilisik na ang mga mata ko nang dahil sa galit.

“A-avrice.. Calm down! Calm down! Kalmus!” hindi ko napansin na nandito na rin pala sina Elody, kuya Rob, Amritta, aunt Charlotte, uncle Kye, at aunt Trinity.

Hindi ako nako-kontrol ni aunt Cynthy dahil bukod sa natataranta siya ay nire-repel ko ang utos o spell niya.

Nasaan ba kasi sila?! Saan ba nila dinala si Drench?! Kailangan ko nang mahanap at matunton ang pinagtataguan nila as soon as possible dahil kapag tumagal pa ay baka patayin na nila si Drench at talagang hindi ko na alam ang magagawa ko kung sakali mang saktan o patayin nila si Drench.

×××

The Momentous Premier [𝘚𝘰𝘰𝘯 𝘵𝘰 𝘙𝘦𝘷𝘪𝘴𝘦]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon