Momentous 27

271 12 0
                                    

×××


Nang matapos kaming kumain ay bumalik agad ang mga tao sa gitna para sumayaw, kami naman ay nanatiling nakaupo at nanunuod lang sa mga sumasayaw.

“Hindi ba kayo sasayaw? Sayang oh. Party 'to hindi lamay.” napalingon kami sa nag salita at nakita ang naglalakad palapit saamin na si Cal.

“IS THAT YOU CALYX?!” Nakatayong sigaw ni Kennedy habang nakaturo kay Cal, tumawa naman si Cal at umikot pa siya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

“IS THAT YOU CALYX?!” Nakatayong sigaw ni Kennedy habang nakaturo kay Cal, tumawa naman si Cal at umikot pa siya.

“The one and only.” sabi nito at kumindat pa.

Uy, Lionel. Nandiyan ka pala, sinong pinopormahan mo dito?” tumawa naman si Lionel at sinulyapan si Amritta na umiinom ng tubig.

“Hmm.. Pinopormahan ka pala ng pinsan ko, Amritta.” bigla namang nasamid si Amritta sa sinabi ni Cal.

“HUWAT?! EWW! NEVER IN MY WILDEST DREAM!” sigaw ni Amritta, bigla namang sumeryoso ang mukha ni Lionel at umiwas ng tingin.

“Grabe ka namang mandiri. Tsk.” sabi nito at biglang tumayo, kinuha niya ang alak na nakapatong sa tray na dala no'ng dumaan na waiter tsaka siya pumunta sa gitna at nakisayaw.

Lagot kaaa!” sabay sabay na sabi namin, kahit madilim ay nakita ko ang pamumula ng mukha ni Amritta at ang pag iwas niya ng tingin.

“Oh shit!” napatingin naman kami kay Myganne na nakanganga habang nakatingin sa entrance.

“Why?”

“T-totoo ba 't-to?” nakanganga ring sabi ni Cal na kagaya ni Myganne ay nakatingin din sa
entrance.

Tumingin din kami sa tinitingnan nila at nakita ang tatlong taong nag lalakad, pare pareho ang mukha nilang walang expression. Nangunguna sa paglalakad ang isang babaeng fit na fit ang long gown at talagang ang sexy at ganda niyang tingnan. Nasa kaliwa niya naman ang isang lalaking sobrang batang tingnan na satingin ko ay bata pa talaga, mga around 16 or 17 siguro ang edad. At ang huli kong tiningnan ay ang nasa kanan no'ng babae..

Nagkatinginan kaming dalawa at bumulong siya sa babae tsaka siya nag lakad papunta sa direksyon namin, narinig ko naman ang impit na tilian nitong mga kasama ko dito sa mesa. Lumapit siya saakin at hinawakan ako sa likod para makipag beso.

 Lumapit siya saakin at hinawakan ako sa likod para makipag beso

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
The Momentous Premier [𝘚𝘰𝘰𝘯 𝘵𝘰 𝘙𝘦𝘷𝘪𝘴𝘦]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon