Momentous 5

564 22 0
                                    

×××

Lumabas muna ako ng kwarto matapos makapag ayos at bumaba sa sala, doon ako nanuod ng TV at nag palipas ng oras. Ngayon ko lang napansin na may malaking glass door pala na kitang kita ang gubat pero may makapal na kurtina ring nakaharang doon kaya hindi agad mapapansin.

Maya maya pa'y tinawag na ako no'ng babae kanina gano'n din sina Amritta at Aunt Trinity, hinintay ko silang makababa ng hagdan at sabay sabay kaming pumunta sa dining table para kumain.

“Kamusta ang pag lilibot niyo? Nalibot niyo na ba ang buong bahay?” biglang tanong ni Aunt Trinity habang ini-slice ang karne.

Ang pormal niyang kumain, pati ang way ng pag nguya niya. Parang katulad sa mga napapanuod ko. Tumango naman kaming dalawa ni Amritta.

“Opo. Ang laki po pala ng bahay niyo, Aunt Trinity. Hindi ka po ba naliligaw dito?” tanong ni Amritta.

Nginitian kami ni Aunt Trinity, marunong naman palang ngumiti si Aunt Trinity.

“Sanay na ako, dito ako lumaki. Nakakasawa na nga lalo pa't ako lang mag isa dito. May mga kasama naman ako pero hindi ko naman kadugo at kamag-anak. Bukod pa ro'n ay busy rin ako sa trabaho ko.”

“Ano po bang trabaho niyo Aunt Trinity?” natigilan si aunt Trinity sa tanong ko at biglang sumeryoso pero agad niya 'tong binawi at nginitian muli kami.

“Basta may kaugnayan iyon dito sa bayan natin.” napatango tango naman kami.

“Sa susunod na buwan na nga pala ang pasukan niyo Amritta.” pagbibigay alam ni aunt Trinity.

“At huwag niyong kakalimutan na tuturuan kayo ng table manners bukas, gumising kayo ng maaga. By I mean maaga—ala sais ng umaga impunto.”

“Opo.” sabay na sagot namin ni Amritta.

Nag usap lang kami sandali habang kumakain tsaka kami nagsiakyatan sa kanya kanyang kwarto nang matapos kumain, nag dasal at nag pasalamat muna ako sa Panginoon bago matulog. Sa pagkahiga ko ng kama ay agad kong naramdaman ang pag bigat ng talukap ng mga mata ko. Hanggang sa unti unti nang nandidilim ang aking paningin.

×××

Kinabukasan ay nagising ako ng maaga, pag tingin ko sa orasan ay 5:26 pa lang. Mabuti na lang at sanay akong magising ng maaga. Agad kong inayos ang hinigaan ko at lumabas muna ng kwarto bago maligo, kumatok ako sa pinto ng kwarto ni Amritta.

“Amritta! Gising na! Bumangon ka na at maligo. Amritta!” sunod sunod ang pagkatok ko at pag sigaw.

Narinig ko naman ang pag ungol niya at alam kong gising na siya.

“Maligo ka na ha, baka pagalitan tayo ni Aunt Trinity.” sabi ko at bumalik sa kwarto ko para maligo at makapag ayos ng sarili.

Matapos ang tatlumpong minuto ng pag aayos ay lumabas na ako ng kwarto at sakto namang lumabas rin sa kanya kanyang kwarto nila sina Amritta at Aunt Trinity, ngumiti kami kay Aunt Trinity at gano'n rin siya.

“Good morning aunt Trinity.” sabag naming bati ni Amritta, tinanguan niya kami.

“Magandang umaga rin, mabuti at maaga kayo.”

“Sanay na po kasi akong maagang gumising.”

Habang pababa kami ay nag uusap at nag ki-kwentuhan kami hanggang sa makarating sa dining table, agad kaming nag dasal at nag pasalamat tsaka kami nag umpisang kumain. Nang matapos kami ay nag paalam na saamin si aunt Trinity dahil papasok na raw siya sa trabaho niya, ngunit bago pa man siya makaalis ay dumating ang isang babae na sa tingin ko ay ang mag tuturo saamin ng table manners. Nag beso lang sila ni Aunt Trinity at nag kamustahan.

“Oh siya, ikaw na ang bahala sakanila Charlotte. Mauuna na ako sa trabaho ko.” muling nag paalam saamin si aunt Trinity.

Nang makaalis si aunt Trinity ay hinarap namin ang babae na satingin ko ay Charlotte ang pangalan.

“Hi girls, ako nga pala si Charlotte kaibigan ako ng aunt Trinity niyo at the same time ay second cousin niya ako. Ako ang mag tuturo sainyo ng table manners.” nakangiting pakilala niya saamin.

So meaning, tiyahin rin namin siya. Nag pakilala naman kami sakanya, matapos ang pagpapakilala sa isa't isa ay agad naming sinimulan ang gagawin namin. Dumeritso kaming tatlo sa dining table.

“Alam niyo ba si Aunt Trinity niyo bata pa lang kami, dito na siya lumaki sa bahay na 'to. Hindi niya rin naranasang mag laro sa labas ng bahay kagaya ng ibang mga bata, kaya naman madalas akong mag punta rito para makipag laro sakanya. Strikto ang lola niyo lalo na sakanya kasi siya ang bunso at pinaka bata sa mag kakapatid, siya rin ang tagapag-mana nitong bahay na 'to. Kawawa nga siya eh kasi hindi niya masyadong nakakasama ang mga kapatid niya, abala kasi siya sa gampanin niya sa bayan na 'to. Madalas rin school at bahay lang siya, hindi naman niya kailangan pang umalis ng bahay kasi kompleto na dito ang mga kailangan niya. Nakakalungkot nga kasi hindi siya nakapunta sa burol at libing ni ate Avrielle—ang mama niyo, kahit na gusto niyang pumunta at masilip man lang sa huling pagkakataon si ate Avrielle ay hindi pwede dahil sa trabaho niya.” Malungkot na sabi nito pero agad rin siyang ngumiti.

Grabe kawawa naman pala si aunt Trinity, napaka bata pa niya pero sobrang busy na siya sa pagta-trabaho. To the point na hindi na niya nagagawa ang mga bagay na gusto niyang gawin at magpapasaya sakanya.

Tinuruan lang kami ni aunt Charlotte kung paano ang tamang pag hawak ng kutsara, tinidor at kutsilyo. Tinuro niya rin saamin ang tamang pag upo at pag nguya—pati pala pag nguya itinuturo na, ibang klase. Pati pag inom ng tubig o kahit ano pang klase ng inumin at pag higop ng sabaw ay itinuro rin saamin, pati ang paglagay ng table napkin itinuro rin.

Pagkatapos ng pagtuturo ni aunt Charlotte ay kumain na kami ng pananghalian, namalayan na lang namin na tanghalian na no'ng may nag serve ng mga pagkain sa harapan namin. Pagkatapos kumain ay tapos na ang pagtuturo niya. Kaya naman ay dumeritso kami sa sala at nagkwentuhan.

×××


A/N:
As usual tinatamad nanaman akong mag edit so pasensiya na sa mga errors, napakatamad kasi ng otor. Anyways, meet aunt Charlotte❤

 Anyways, meet aunt Charlotte❤

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
The Momentous Premier [𝘚𝘰𝘰𝘯 𝘵𝘰 𝘙𝘦𝘷𝘪𝘴𝘦]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon