Momentous 15

359 16 0
                                    

×××


Pagkatapos naming kumain ay nag paalam na sa'min sina Myganne at Cal.

Mga eat and run!”

“Sus. Mag de-date lang kayo eh.”

“Sosolohin mo lang ata si Cal.”

Side comments namin no'ng nag paalam na si Myganne, kaya napakunot ang noo niya pero namula naman siya.

Seriously? Pinapauwi na ako ni Drench, duh. Ang dudumi ng isip niyo.” at nag martsa na siya palabas ng mansion habang kami ay nag tawanan lang.

“Oh anong nangyari do'n? Saan pupunta 'yon?” napatingin kaming tatlo sa pinto.

Oh hi Amritta and Elody! Ang aga niyo ah.” sabi ni Kennedy, ngumiti naman silang dalawa at lumapit sa'min para makipag beso.

Half day eh.”

“Kumain na ba kayo?”

Hindi pa nga eh, napag usapan kasi namin ni Elody na dito na lang kumain.”

Oh siya ipaghahanda ko na kayo para makakain na kayo.” paalam ni Kennedy.

Sige. Mag papalit muna ako.” sumabay naman kay Elody si Amritta, kaya naman kaming dalawa na lang ni aunt Charlotte ang naiwan.

Sinadya kong ipahalata na tinitingnan ko ang mata ni aunt Charlotte, kaya naman ay hindi siya makatingin sa'kin. Napabuntong hininga siya.

Anong gusto mong sabihin?” sabi niya at tumingin na sa'kin, nginisian ko naman siya.

Ano ba talaga si aunt Trinity?” tanong ko, natigilan siya.

What do you mean?”

“'Yong kwento ko no'ng isang araw na napanaginipan ko, totoong nangyari 'yon, diba?” napansin ko ang pag iba ng pag hinga niya, kinakabahan siya.

Umayos ako sa pagkakaupo ko at nilibot ang paningin ko, napako naman ang mata ko sa isang painting. Tumayo ako at nilapitan iyon, alam kong nakatingin sa'kin si aunt Charlotte kaya nilingon ko siya at sinenyasan na lumapit.

Nang makalipat na siya ay inilapat ko ang kamay ko sa painting, kagaya no'ng ginawa ko kaninang madaling araw ay bumukas ito.

“P-paano mo nalaman 'yan?”

Anong meron sa loob niyan? May nakita akong libro sa loob. Kung hindi ako nagkakamali, The Momentous Premier ang pamagat ng librong 'yon. Hindi ko tuluyang nabasa ang libro dahil dumating si aunt Trinity at sinubukan niyang burahin ang isip ko pero nabigo siya.” habang sinasabi ko 'yon ay bumalik na sa dati ang painting. After 2 minutes pala kasi sumasara ang pader na nasasabitan ng painting.

Nagulat pa nga si aunt Charlotte sa sinabi ko.

“Ano bang tinatago niyo?” bumalik sa dati ang expression ni aunt Charlotte at napabuntong hininga.

“Huwag ako ang tanungin mo niyan, Avrice.” sabi niya at tinap ako sa balikat tsaka siya pumunta sa kusina, sakto namang pababa na sina Amritta at Elody.

×××


Nandito ako sa veranda sa third floor, nakatingin ako ngayon sa buwan na bilog na bilog. Nakarinig ako ng mga ungol mula sa gubat na sa tingin ko ay galing sa mga lobo, nakakakilabot. At alam kong bawal nang lumabas pero nag matigas ako, napabuntong hininga ako.

Kailan ko ba malalaman ang katotohanan na sinasabi nila?

Napapikit ako dahil sa hangin, masarap ito sa pakiramdam

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Napapikit ako dahil sa hangin, masarap ito sa pakiramdam. Relaxing. Pero agad kong naimulat ang mata ko nang may maramdaman akong kakaiba, napalingon ako sa likuran ko kung saan ay napakadilim ng paligid. Napahigpit ang hawak ko sa railings ng veranda at napaatras dahil sa dalawang pares ng kulay pulang matang nakatingin saakin mula sa dilim, maya maya'y biglang nag laho ang kulay pulang mga mata pero nagulat ako nang unti unting lumabas sa dilim ang satingin ko ay nag mamay-ari ng dalawang pares ng pulang matang iyon.

Rinig na rinig at ramdam na ramdam ko ang bilis na tibok ng puso ko, lalong napahigpit ang kapit ko sa railings at paatras pa rin ako ng paatras hanggang sa nagkamali ang pag tapak ko.

A-ahh!” napapikit na lang ako at hinintay na mahulog ako.

Pero hindi ako nahulog. Dahan dahan kong iminulat ang mata ko at napatingin sa malamig at nakakatunaw niyang mga mata na nakatingin din sa mata ko, pakiramdam ko'y hinihigop ang kaluluha ko sa paraan ng pag titig niya. Pero imbes na makaramdam ako ng takot ay pakiramdam ko.. safe ako.

“You should stay inside the house, it's not safe here.” halos pabulong na sabi niya dahilan para maamoy ko ang mabangong hininga niya dahil sa sobrang lapit ng mga mukha namin sa isa't isa.

Dahan dahan siyang lumayo sa'kin pero hindi niya inaalis ang tingin niya saakin, pakiramdam ko nasusunog ang pisngi ko. Sabay kaming napatingin sa madilim na kalangitan dahil biglang may lumipad na uwak doon, hindi ko napansin na hinila niya ako at tinulak papasok.

Pagkatulak niya sa'kin ay bigla siyang umapak sa railings dahilan para kabahan akong muli, tatalon ba siya?

Nang i-apak niyang muli ang kaliwa niyang paa ay napasigaw ako, napalingon siya sa'kin at hindi ko alam kung ngumiti siya sa'kin o ano. Bigla na lang siyang naglaho sa paningin ko.

Avrice? Anong nangya--” hindi na naituloy ni uncle Kye ang sasabihin niya at dali dali siyang lumapit sa'kin.

Lumabas siya sa veranda at sumilip sa labas tsaka siya muling pumasok at sinarahan ang glass door, hinarangan niya rin iyon ng kurtina pero bago niya pa 'yon maharangan ay nakita kong muli si Drench na seryoso ang mukha at nakatingin.. saakin? Hindi iyon napansin ni uncle Kye.

Hinawakan ako sa magkabilang balikat ni uncle habang ako ay nanatiling nakatingin pa rin sa glass door na ngayon ay natatakpan na ng makapal na kurtina.

Avrice?” pag tawag pansin niya kaya naman ay napatingin ako sakanya, napabuntong hininga siya at dinala ako sa baba.

“Huwag ka na ulit lalabas ng bahay kahit pa sisilip ka lang sa labas, naiintindihan mo?” sabi ni uncle, ngayon ko lang napansin na nasa harap na pala kami ng kwarto ko.

Tinanguan ko lang siya bilang kasagutan at nag paalam na sakanya na papasok na ako sa kwarto ko, pag pasok ko ay napapikit ako at napayuko.

Namalayan ko na lang ang sarili kong nakangiti ng malapad na parang aso.

×××

The Momentous Premier [𝘚𝘰𝘰𝘯 𝘵𝘰 𝘙𝘦𝘷𝘪𝘴𝘦]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon