Momentous 16

339 16 0
                                    

×××


Nagising ako dahil sa init ng pakiramdam. Napatingin ako sa orasan, 6:13 na pala ng umaga. Mabuti na lang at hindi na ako tinanghali ng gising. Tumayo ako sa higaan kahit na parang hihimatayin ako sa sobrang init ng singaw ng katawan ko, inayos ko muna ang higaan ko tsaka ako tumungo sa cr.

Mabigat man ang pakiramdam ko ay pumasok pa rin ako sa cr, napadaan ako sa may salamin—at muling bumalik. Tiningnan ko ang mga mata ko.

 Tiningnan ko ang mga mata ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Namalik mata lang ata ako.

Akala ko kasi nag iba ang kulay ng mga mata ko, napabuntong hininga na lang ako. Nakatalikod sa salamin at naka-sandal sa pader, hinubad ko ang suot kong damit. Pero bigla akong napalingon sa may salamin dahil may nakita akong kakaiba, nagulat ako nang mapansing may kakaiba sa likod ko.

 Pero bigla akong napalingon sa may salamin dahil may nakita akong kakaiba, nagulat ako nang mapansing may kakaiba sa likod ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

The right time is near, Avrice. Unleash your power.”

Napahawak ako sa ulo ko nang may marinig akong nag salita, pag mulat ko ng mata ko ay umiikot na ang paningin ko until everything went black.

×××


Nagising ako na mainit ang pakiramdam, kakaiba ang init na sinisingaw ng katawan ko. Akala ko sa panaginip ko lang 'yon, dahan dahan akong pumasok sa cr at tiningnan ang aking mata.

Totoong nag iba ang kulay nito pero bumalik din agad sa dati nitong kulay, sunod kong tiningnan ang likod ko. Kagaya sa panaginip ko, mayroong parang tatoo doon na parang magic circle ang style na kagaya sa nakikita ko sa mga palabas sa TV, napabuntong hininga ako at naligo na lang.

Pagkatapos kong maligo ay agad akong bumaba, Sabado ngayon. Walang pasok at trabaho ang lahat kaya kompleto kami dito, nakita ko sa may sala sina aunt Trinity kaya lumapit ako sakanila at kinuha ang atensyon nila.

Tell me everything.” napatingin silang apat sa'kin at nagulat sa sinabi ko.

“W-wha--”

“I know that you know what I am talking about! Do not fucking deny it! Just tell me the damn truth!” sigaw ko sakanila at binagsak ko ang kamay ko sa center table na siyang dahilan para mabasag ito at maitilapon sina aunt Trinity.

I know there's something about me. I know I'm not normal. And I just felt my eyes changed its color.

What's happening here?” I heard Elody asked. Alam kong kasama niya sina Kennedy at Amritta at alam ko rin na kasalukuyan na silang nakatingin dito.

Gulat na gulat sina aunt Trinity pero napabuntong hininga na lang sila at tumayo.

“Avrice, this is not the right ti--”

“Then when?!”

“Avrice.. Dapat mong kalimutan 'to. Borrar--” she didn't have a chance to finish chanting that spell again.

“Your spell can't affect me!” lumapit ako kay aunt Trinity at hinawakan siya sa leeg niya, napahawak naman siya sa kamay ko na nakahawak sa leeg niya. I can't control myself anymore, the more I refused to my body movement, the more na mas nagiging aggresive ito.

Biglang hinawakan ni aunt Cynthy ang balikat ko.

“Avrice Freigh! Cálmese.” pagkasabi ni aunt Cynthy no'n ay para bang bumalik ako sa dati at kumalma.

Napatingin ako sakanilang lahat at napako ang mata ko kay aunt Trinity na hawak hawak ngayon ang leeg at nakaalalay naman sakanya si aunt Charlotte.

I-I'm sorry aunt T-trinity.” nginitian at tinanguan naman ako ni aunt Trinity.

“It's okay, alam ko namang hindi mo lang kayang kontrolin sarili mo.”

“Amritta and Elody go upstairs, may test pa kayo sa lunes diba? Stay at the library.” sabi ni uncle Kye, wala namang nagawa sila Elody at umakyat na lang ng library samantalang naiwan naman si Kennedy at lumapit sa'min.

Nakita kong umupo si aunt Trinity sa couch na pinatayo ni uncle Kye mula sa pagkakatumba.

“Lilinisin ko lang 'tong mga nabasag.” paalam ni aunt Charlotte, nakaramdam naman ako ng guilt dahil ako ang may kagagawan no'n.

“Avrice, this is not yet the right time na malaman ang totoo. Pero malapit na, bakit ba hindi mo mahintay 'yon?” mahihimigan sa boses niya ang pag pigil niya ng galit, napalunok naman ako.

“I-i have someting to show you and please explain it to me.”

Ipinakita ko sakanila ang likod ko, kahit nakatalikod ako ay alam kong nagkatinginan sila.

Hindi mo maiintindihan, Avrice.”

Napapikit na lang ako dahil sa inis at napasandal ako sa sofa at napa-cross arms.

“Hindi ko maintindihan kasi ayaw niyong ipaintindi sa'kin!”

“Avrice..” parang nauubusan na ng pasensiyang sabi ni aunt Trinity.

Napailing iling na lang ako at napaiwas ng tingin.

Fine. Hindi ko na sila kukulitin, hihintayin ko na lang na sila mismo ang mag sabi sa'kin ng katotohanang gusto kong malaman.

×××

A/N: Alam kong medyo magulo itong chapter na 'to haha pasensiya na.

The Momentous Premier [𝘚𝘰𝘰𝘯 𝘵𝘰 𝘙𝘦𝘷𝘪𝘴𝘦]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon