Momentous 29

255 16 2
                                    

For ages 18+ only
CONTAINS SCENES NOT SUITABLE FOR AGES EIGHTEEN BELOW hahaha.

A/N: for those who don't like to read the SPG part, please skip and turn to next page.

×××


Sinundan ko ng tingin si Lad na nag lakad palayo ng dance floor na sinalubong naman agad ni Halstoine, niyakap niya si Halstoine at nakita ko kung paanong tumaas baba ang balikat ni Lad.

“Paano kita paniniwalaan kung ganyan ka. Tsk.” napatingin ako kay aunt Trinity nang marinig kong ibinulong niya iyon habang nakakunot ang noo at napaiwas ng tingin, nakatingin pala siya kina Halstoine at Lad.

“Let's sit.” napatingin naman ako kay Drench at tumango ako, magkahawak kamay kaming nag lakad papunta sa mesa namin kung saan nakaupo sina Precarious, aunt Charlotte, Kennedy, Elody at kuya Rob. Tinitingnan nila sina Lad at Halstoine, hinimas himas lang ni Halstoine ang likod ni Lad habang si Lad naman ay patuloy lang sa pag iyak. Nakaramdam naman ako ng awa kay Lad.

“Kawawa naman si sir Astro.” napalingon naman ako sa pinanggalingan namin at nakasunod pala saamin sina Myganne, Cal, Amritta at Lionel.

Humiwalay si Lad sa pagkakayakap kay Halstoine, si Halstoine naman ay pinunasan ang mga luha ni Lad. Tsaka niya iniakbay sa balikat niya ang braso ni Lad, mag kasama silang nag lakad palapit sa direksiyon namin hanggang sa tuluyan na silang nakalapit.

Agad na pinaupo ni Halstoine si Lad sa tabi ni aunt Charlotte, tiningnan kaming lahat ni Halstoine.

“Take care of him.” sabi niya saamin tsaka niya kami tinalikuran.

Pero nakita kong nilingon niya muna si kuya Rob bago siya makalayo, at nag tinginan silang dalawa. Nagulat nga ako no'ng nag lip bite si Halstoine habang nakatingin ng malagkit kay kuya Rob samantalang napalunok naman si kuya Rob dahil sa ginawa niya, tuluyan nang nag lakad palayo si Halstoine. Dahil lahat ng atensiyon nila ay na kay Lad, ako lang ang nakapansin sakanilang dalawa. Biglang tumayo si kuya Rob at sinundan si Halstoine, muli siyang nilingon ni Halstoine at napangisi naman siya nang makitang sumunod sakanya si kuya Rob. Nag deri-deritso lang sa kung saan si Halstoine at sinundan naman siya ni kuya Rob.

Sana mali ang iniisip ko. Sana hindi nila gagawin ang naiisip ko.


3rd Person's Point Of View.

Pumasok sa isang silid si Halstoine at kasunod niya naman si Rob, nag tinginan silang dalawa nang makapasok na. Bago isara ni Halstoine ang pinto ay ngumisi muna siya sa isang babaeng napadaan sa harap ng kwarto, nakakunot naman ang noo ni Trinity na nakatingin kay Halstoine at agad namang sinara ni Halstoine ang pinto.

Hinawakan niya ang kamay na pumulupot sa bewang niya at itinagilid niya ang leeg niya dahil sinimulan na itong halikan ni Rob.

“You're so beautiful tonight, babe.” bulong ni Rob sa tenga ni Halstoine at kinagat naman ni Rob ang tenga nito, dahil sa ginawa niya ay napapikit si Halstoine.

Ngayon lang?” kagat kagat ang labing tanong ni Halstoine.

Tumawa naman si Rob at pinaharap niya si Halstoine sakanya, hinawakan niya ang baba nito at hinalikan ang kanyang labi. Agad namang humalik pabalik si Halstoine. Bumaba ang halik ni Rob sa leeg ni Halstoine, napahawak naman ni Halstoine sa buhok ni Rob.


Napasimangot si Halstoine nang marinig nilang may kumatok, pero hindi nag paawat si Rob at patuloy lang ang pag halik sakanyang leeg.

“Robert, may tao.”

“Tss.” napailing iling si Rob at tinapunan ng masamang tingin ang pinto, binalik niya ang tingin niya kay Halstoine at muli niyang hinalikan ang labi nito.

Muling may kumatok sa pinto.

Inihiwalay na nila sa isa't isa ang kanilang labi at nag ayos ng sarili, unang lumapit sa pinto si Rob at siya na rin ang bumukas ng pinto. Nag laho ang masasamang tingin ni Rob at napalitan ng pagkagulat.

“A-aunt Trinity, a-anong ginagawa mo dito?” pero hindi siya sinagot nito at sinamaan lang ng tingin si Halstoine, pero nakangisi lang sakanya si Halstoine.

“Anong ginagawa niyong dalawa?” masama pa rin ang tingin niya at nagpa-palit palit sakanilang dalawa ang kanyang tingin.

“Wala naman, masama na bang mag bonding kami ng pamangkin mo?” tatawa tawang sabi ni Halstoine, lalong sumama ang tingin ni Trinity sa babae.

“Halika na, Robert.” at hinila niya sa braso si Rob.

Natawa naman si Halstoine.

“Bakit ba hindi mo pa rin matanggap na magkasintahan na kami ng pamangkin mo?” naka-cross arms na tanong ni Halstoine.

“'Yon na nga eh, hindi ko matanggap na sa isang tulad mong ahas na malandi pa siya nagkagusto.” tiim bagang na sabi naman ni Trinity habang hila hila pa rin si Rob.

“Aunt Trinity naman, huwag mo namang pag salitaan ng ganyan ang girlfriend ko.” sinamaan lang ng tingin ni Trinity si Rob kaya napatikom ng bibig at natahimik si Rob.

“Hindi ko matatanggap na maging kapamilya natin 'yan.”

“Bakit ka ba nagagalit saakin? Nagagalit ka ba dahil girlfriend ako ng pamangkin mo o nagagalit ka dahil ex ako ni Lad?”  huminto sa paglalakad si Trinity at nakakunot ang noong hinarap si Halstoine.

“Wala akong pake kung ex ka ni Locker. Malamang, nagagalit ako dahil girlfriend ka ng pamangkin ko.” natawa naman si Halstoine.

Pero nag dalawang isip ka.” sabay ngisi nito, napapikit si Trinity at tiningnan si Rob.

“Pag sabihan mo 'yang girlfriend mo, Robert.” sabi ni Trinity habang dinuduro si Halstoine at tinapunan ng masamang tingin si Halstoine, tsaka niya tinalikuran ang mga 'to at bumalik na sa venue ng party.

Napabuntong hininga naman si Rob at humarap kay Halstoine.

“Hale naman.”

“What?” natatawang sabi ni ni Halstoine. “Ang sarap niyang asarin eh.”

“Sige lang, asarin mo lang siya hanggang sa hindi mo namamalayan na unti unti ka na pala niyang pinapatay.” sinamaan siya ng tingin ni Rob, lumapit naman sakanya si Halstoine at kumapit sa braso nito.

“Babe naman, galit agad. Sorry na nga diba.” sabi nito at hinalikan sa pisngi si Rob.

“May magagawa pa ba ako?” sabi nito at inakbayan ang kasintahan, magkaakbay silang nag lakad pabalik sa venue.

×××

The Momentous Premier [𝘚𝘰𝘰𝘯 𝘵𝘰 𝘙𝘦𝘷𝘪𝘴𝘦]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon